Ivy's POV (Fiona's Mum)
Nandito ako ngayon sa school ni Fiona, patago ko kasi siyang sinundan. Well, hindi naman sa magagalit siya kapag sinusundan ko siya, sigurado nga akong matutuwa pa iyon eh! Pero mas exciting kapag patago eh! Feeling ko isa akong ninja o kaya naman ay isang agent! Hihihi~
Kaso mukhang Masasawi ako sa plano ko kasi nawala siya sa paningin ko. Asan na ba siya? Haay! Umupo ako sa may bench dito. At parang napakabait naman sakin ng tadhana kasi kahit na nawala sa paningin ko ang anak ko ay nakita ko naman itong boyfriend niya. Dito pa talaga sa inupuan ko.
Nagbabasa siya ngayon ng libro. Binasa ko ang title, "Jeremy Fink and the meaning of life" Parang nakita ko na ang librong ito sa kwarto ni Fiona ah. Ito atah yung pinahiram sakanya ni Candy na kwinento niya na dahilan ng pagkaubos ng dugo niya. English daw kasi :3
"Hello Iho!" masayang bati ko sakanya habang pawave wave pa ang kamay ko. Halatang nagulat siya saakin. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang nanay ng girlfriend mo ay bigla nalang sumulpot.
"Tama ka! Ako ang tanging ina ni Fiona! Hehe~ ^___^"
"Kilala niyo po ako?" nagtatakang tanong niya sabay turo sa sarili niya.
"Syempre naman! Ikaw ang boyfriend ng anak ko!" natatawang sabi ko. Ano bang akala niya? Wala akong alam tungkol sa anak ko? Saka nakita ko siya kagabi! Ang bilis ko kaya umalala ng mukha! hehe~ I'm so matalino eveeer!
"Uhm, mukha pong-" hindi ko na siya pinatapos. Agad ko siyang hinila at wala na siyang iba pang nagawa kundi ang sumunod.
"Kailangan kitang makilala! Kaya wag ka ng makulit Iho!"
Wala na siyang nagawa. Ang swerte naman ng anak ko. Ang gwapo at mukhang matalino ang lalaking ito at hindi lang iyon, mukhang may rspeto pa! Naku parang nanalo ng lotto ang anak ko. Ganun talaga kapag minana ang ganda ko, laging maswerte. hehe~
FASTFORWARD
"Alam mo! Botong boto talaga ako sayo! Wala na akong iba pang makikita pang ibang lalaki na mas perfect sayo para sa anak ko!" puri ko sakanya.
"Pero-" hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya.
"Kumain ka lang!" utos ko sakanya. Ang saya naman makita ang bonding namin. Para tuloy akong may isa pang anak na lalaki.
"Ma?!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.
FIONA'S POV
Palabas na ako dito sa resto. Sa totoo lang, hindi naman ako kumain dito. Nag-CR lang talaga ako. Bigla kasing kumulo ang tiyan ko. Hehehehe ^___^V At ngayon, I'm on my way to Stanley, magkikita kami eh. Mukhang nadiscourage siya kagabi dahil sa ginawa ni mama. HAHAHAHA! Saka miss ko na rin ang monster ko. Teka teka, wag niyo namang sabihin na porket may boyfriend at lovelife na ako ay hindi ko na masyadong pinapansin si Candy, namiss niyo na ba siya. May boyfriend na nga rin siya eh! Mas inunahan pa niya ako. Vince atah ang pangalan! Hindi pa kasi kami nagkakaroon ng poral na pagkakakilanlan.
Napatigil ako sa paglabas ng may mapansin akong isang pamilyar na tao. T-teka? Si mama ba yun? Bakit may kasama siyang lalaki? OMG! Nagfifeeling dalaga kaya si mama kaya ganun? Kumekerengkeng ba si mama? Agad kong nilapitan si mama.
"Ma?!" medyo pasigaw na sabi ko. Agad siyang napatingin sakin saka ngumiti. Napatingin ako sa lalaking kasama niya.
"Seth?!" at muli ay namangha at nagulat nanaman ako. Anong ginagawa niya dito? T-teka? Hindi kaya?- OMG!!!
"Anaaaak!" tawag sakin ni mama saka ako niyakap. Pinaupo niya ako sa tabi ni Seth. Napatingin ako kay Seth na nagwewave ng kamay niya sakin in an awkward way. Sigurado akong kanina pa niya sinusubukang sabihin kay mama pero lagi siguro inabara ni mama si Seth.
"Ayaaaaan! Bagay na bagay talaga kayo! Perfect!" masayang sabi ni mama.
"Akalain mo yun anak?! Kahit na nawala ka sa paningin ko kaninang sinusundan kita ay natagpuan ko naman ang future husband mo! Ang cute cute niyo tignan na dalawa!" napakahyper na saad niya. Sinundan?! Hay naku! Ayan nanaman ang hobby ni mama na magfeeling spy.
"Pero ma, di po kasi siy-" at hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko -.-
"Oo na! Masyado a akong OA sa mga pinagsasabi ko! Sinasabi ko agad na future husband kahit na magboyfriend at maggirlfriend palang kayo!" medyo pashy nyang sabi. Napahilamos nalang ako sa kamay ko dahil ang kulit talaga ni mama.
"Saglit lang ah! Magc-cr lang ako!" paalam ni mama saka kami iniwan ni Seth.
"Sorry ah! Nadamay ka pa sa kakrungkrungan ng mama ko! Sigurado akong naabala ka ni mama. Akala niya kas-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Kanina ko pa hindi natutuloy ang mga sentence ko! Nakakaasar na!
"Na ako si Stanley." saad niya. Tumingin siya sakin saka ako nginitian. "Wag kang mag-alala, hindi naman ako inabala ng mama mo. Ang cool nga niya eh!" masayang saad niya. Naku! Mukhang may pagkaweirdo din pala itong si Seth. Biglang nagring ang phone ko. Tumatawag si Stanley. Gosh, magkikita pala kami. Sinabi ko sakanya ang lahat ng nangyari saka ko siya pinapunta dito sa resto. Dun na ako umupo sa upuan ni mama kanina. Tinabihan ako dun ni Stanley. Nang dumating na si mama ay bigla siyang napanganga.
"B-bakit naging dalawa kayo?" nagtatakang tanong ni mama.
"Mama! Kanina ko pa kasi sinusubukang sabihin sainyo pero ayaw mo makinig. Siya po si Seth" sabay turo ko kay Seth na nasa harapan ko ngayon. "At siya naman po si Stanley." sabay turo ko kay Stanley na nasa tabi ko. Agad kong hinawakan ang kamay ni Stanley. "Siya po ang boyfriend ko ma." pagpapaliwanag ko.
"Ay! Ganun ba? Hehehe! Peace?" saad niya sabay harap kay Seth. Agad naman niya akong itinaboy at tumabi kaya Stanley at sumunod na doon ang malashot gun niyang mga tanong. Paalis na si Seth kaya agad ko siyang pinuntahan.
"Sorry talaga ah!" saad ko sakanya.
"Okay lang!" malumnay nyang sabi habang tinitigan ako sa mata. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti bago siya umalis.
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
CasualeLove is when the other person's happiness is more important than your own.