Inikot ikot ko ang lapis ko habang nangungulelat sa mga tanong sa final exam namin. Bakit ba kasi naimbento ang eskwelahan? Sino bang umimbento nito, tara nga at paslangin natin. Habang iniisip ko sa pinakaduluduluan ng isip ko kung sino nga ba ang nakaimbento ng eskwelahan ay may kaklase akong pumunta sa aming guro para ipasa ang papel niya. Tapos na siya? Paano na siya natapos? Albert Einstein ba ito? PagkatApos niyang magpasa ay sunod sunod nang nagpasa ang mga kaklase ko. T-teka? Tapos na agad sila? Agad kong sineryoso ang exam at mabilis itong nasagutan. Ganun pala kapag kakaunting oras nalang ang natitira, biglang nagiging genius.
Masaya akong naglalakad sa hallway habang pasway-sway pa ang kamay. Ang saya naman, natapos ko ang exam. Sa sobrang saya nga ay napapakanda pa ako ng "WE DID IT! WE DID IT!" ni Dora the explorer. Habang naglalakad ako ay may unggoy na biglang humablot sa braso ko. Kinaladkad ako ng malakas ng unggoy na ito. Dinala niya ako sa backstage kung saan walang tao.
OH MY GEEEEEEEEEE!!! Walang hiyang unggoy ito!!! Kukunin ba niya ang puri ko? Wag namaaaaaaaaaaaaan?! Masyado pa akong bata at walang kamuwang muwang. Sabi ko na nga ba, masama talaga siya. Medyo madilim dito kaya ano pa nga ba ang balak niya. Ayokong maging batang ina na nirape ng kambal ng crush ko. Nakatingin lang ako sakanya habang punong puno ng takot ang mata ko. Kailangan kong iiwas ang sarili ko sa katakot takot na future na naiisip ko.
"Stanley, parang awa mo na! Bata pa ako at marami pa akong pangarap! Ayokong maging batang ina. Hindi porket gusto ko ang kambal mo ay ayos lang ako sa gagawin mo." punong puno ng takot kong pagmamakaawa sakanya.
Hinihintay ko ang sagot niya pero isang malakas na batok lang ang natanggap ko.
"Ano nanaman yang pinag-iisip mong babae ka?" medyo pasigaw na tanong niya.
"Ah. . . EH. . . Hindi mo ba ako rereypin?" tanong ko. Humakbang siya palapit sakin.
"Bakit? Yun ba ang gusto mong gawin ko saiyo?" sabi niya sa kakaibang tono ng boses habang hinawakan ako sa may pisngi. Agad kong pinawi ang kamay niya saka siya tinulak. Ano ba yan?! Kung ano ano naiisip ko, baka akalain niya gusto ko siya.
"Eh bakit mo ako pinunta dito?" nagugulihan na tanong ko sakanya. Lumayo siya ng kaunti sakin saka ibinato sakin ang isang blue rose, buti nalang at marunong ako mag-softball kaya nasalo ko naman ito. Akala ko masusugat ko pero inalis na ang mga tinik nito.
"Gusto kita." cool na sabi niya. Hindi ko nga alam kung totoo ba ang narinig ko o kung dahilan lang ito ng hindi ko paglilinis ng tenga ng isang buwan. Lumapit ako sakanya saka pinoke ang tagiliran niya.
"Ikaaaaaw ah~ Tama ba yung narinig ko? Gusto ako ng bully at masungit na Stanley Macfarlene?" tanong ko habang pinipigilan ang tawa ko. Pero imbes na sagutin niya ako ay itinago lang niya ang mukha niya sakin kaya snundan ko ito.
"Nagbablush ka ba Mister Masungit na Unggoy ha?" tanong ko ulit habang pinopoke ang pisngi niya. Akala ko mananatili lang siyang tahimik at walang gagawin pero bigla niya akong itinulak sa may pader, hindi naman masakit ang pagtulak niya, ang gentle nga eh kaso may kaunting force pa rin.
"You, Miss Mataray na may boses palakang Fiona Saphira Faulkner. I'll court you okay?" puno ng awtoridad na utos niya
"T-teka? Nagpapaligaw ba ako?" mabilis na tanong ko. Akala ko kasi nagbibiro lang siya kanina pero sa tono kasi ng boses niya ngayon, feeling ko seryoso siya
"With or without your permission, liligawn kita. Got it?" cool na sabi niya saka humakbang palayo. Nakatitig lang ang sa likod niya, sa musky niyang likod to be exact, habang naglalakad siyang palayo. Pero bago pa siya makaalis ay lumingon siya saka sinabing. . .
"Meet me at the rooftop tomorrow at 10 am, okay? And don't be late!" utos niya saka umalis.
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
RandomLove is when the other person's happiness is more important than your own.