DT C25 - Kiss Me Please

244 2 2
                                    

FIONA'S POV

"Candy!!! Huhuhu" pagkadating ko ng bahay ng araw na iyon ay tinawagan ko agad si Candy. Bukod sa alam kong miss niyo na siya ay kailangan ko talaga ang bespren ko ngayon.

Agad naman siyang pumunta sa bahay at dinamayan ako pero bago yun ay dumiretso muna siya sa kusina at nakimain.

Nang nasa kwarto na kaming dalawa ay kwinento ko na agad sakanya ang nangyari. Alam kong OA ako pero I swear parang may kakaiba kanina.

Pagkatapos kong ikwento sakanya ang kadramahan ko ay binatukan lang niya ako.

"Piniputok ng pucho mo dyan?!" asar niyang tanong sabay kagat ng apple.

"Aray Candy ah! Masakit yun! Nakinig ka ba sa mga sinabi ko?!" reklamo ko naman sakanya.

"Alam mo Fin, hindi naman yun ang problema mo eh." cool niyang sabi.

"Eh ano naman aber?!" saad ko sabay cross arms.

"Assuming ka! Ginawa lang sayo yun feeling mo gusto ka na niya?! Aba Fin! Ang ganda mo naman! Chicks ganun?! Saka malay mo ba kung binilin ni Stanley si Seth kasi pinauwi mo ng maaga o kaya ganun talaga yun kasi girlfriend ka ng kambal niya. Naku! Nakakaloka yang problema mo!" saad niya sabay kamot sa ulo. Napakamot na din ako sa ulo.

Oo nga naman kasi! Ano ba itong pinag-iisip ko?!

FASTFORWARD

Tatlong linggo na ang nakakaraan mula ng nangyari yun. Next week na ang Halloween at sobrang excited kami ni Candy dahil may Costume Party kami na pupuntahan. Ayieeee~ Sabi ko kay Stabley na magcouple costume kami. Pero tinawanan niya lang ako. Hmp.

Nandito ako ngayon sa supermarket at bumibili ng mga ingredients para sa lulutuin ni Stanley para sa dinner namin bukas kasama ang family niya. Kinakabahan na ako >.<

"Fin..." bulong niya sakin sabay yakap mula sa likod.

"Oh? Ano nanaman?"

"Ang ganda mo lang!" ramdam ko ang ngiti niya ng sabihin iyon at ramdam ko din ang pag-init ng mukha ko.

"Pero kapag kakain ka bukas sana wag ka namang magmukhang baboy." saad niya at ngayon naman ay di na pag-init ng mukha kundi pag-init ng dugo ang naramdaman ko.

Galit ko siyang hinarap at wala siyang ibang ginawa kundi pigilan ang tawa niya. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti saka lumapit sakanya saka siya piningot.

"Araaaaay! Tama na naman oh! Sorry na!" pagmamakaawa niya sakin habang nakapout pa.

"Awww! Tignan mo naman kung sino ang nagmamakaawa ngayon oh." pang-aasar ko sakanya.

After a few minutes

Pinapahid padin ni Stanley ang tenga niya mukhang nasobrahan ko atah! Namumula na yung tenga niya eh! Hehehe!

Pero dahil naasar parin ako sa sinabi niya ay di ko padin siya punapansin. Parang tinawag na din niya akong mataba -.- And girls hate it kapag tinatawag silang ganun.

"Sorry na." napakagentle niyang sabi saka nirub ang braso ko. Hinarap ko siya ang nginitian.

"Hmp. sabihin mo muna na sexy ako." challenge ko sakanya. Pero napatawa lang siya.

"Hindi mo naman kailangan maging sexy eh. Kasi kahit na maging 300 pounds pa ang timbang mo. Sayo padin ako! Okay?" saad niya na nagpakilig sakin. Napatango nalang ako. Yung mga line niyang ganyan na kahit corny kinikilig padin ako. Ang baduuuy!

Nagpatuloy kami sa pamimili. Pagkatapos nun ay kumain muna kami sa ice cream store. Medyo naiilang ako tuwing kinakagat niya ang labi niya, nakakaakit kasi. Pano ba naman kasi,ilang buwan na kami pero hindi padin kami nagkikiss. Iniisip ko tuloy kung may mali ba sakin at ayaw niya akong halikan. Napapout tuloy ako.

"Wag ka nga magpout!" iritang sabi niya sakin. Medyo nainis naman ako sa tono ng boses niya kaya  inayos ko ang sarili ko. 

Habang nasa loob kami ng kotse at hinahatid na niya ako pauwi ay hindi ko mapigilang bigyan siya ng silent treatment. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung ganun ang trato niya sakin kanina. Hindi kaya nagsasawa na siya sakin? 

Napansin kong tumingin siya sakin saka ibinalik ang tingin niya sa daan. 

"May problema ba tayo?" napakagentle niang tanong. Tumingin lang ako sa may bintana.

"Wala."

"Sigurado ka ba diyan?" tanog niya uit.

"Wala nga." inis kong sagot. Nagulat ako ng bigla niya ihinto ang kotse saka tumingin sakin. Inis naman akong napatingin sakanya. Ano yun?! MUNTIK KAYA AKONG NAUNTOG!

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sakanya.

"Ano bang problema mo sakin?" tanong naman niya. Napatahimik lang naman ako.

"Fiona, paano ko maayos ang problema kung di mo sasabihin sakin?" tanong niya. Hindi ko parin siya hinarap pero naramdaman ko lang ang mainit niyang kamay na nakabalot sa kamay ko.

"Kasi naman eh! Hanggang ngayon hindi mo aprin ako kinikiss! Nakakatampo ka tuloy!" pagrereklamo ko sakanya sabay pout. Napatawa naman siya ng kaonti.

"Yun ba?" tanong niya sakin habang ako ay napatango nalamang. Agad ko siyang hinarap pero laking gulat ko ng maramdaman nalamang ang labi niya sa labi ko. O//////O

Nang magkahiwalay ang labi namin ay napatitig ang ako sakanya habang gulat na gulat habang siya naman ay nakangisi lang.

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon