DT C17 - The Funny Thing About Love

303 5 0
                                    

"Oh, asan na si Stanley?" tanong sakin ni kuya pagkababa niya galing ng kwarto.

"Ganun talaga kuya ang mabibilis mag-give up! I just tested him pero mukhang suko agad!" sabi ko na parang hindi kawalan si Stanley sakin. Bakit ba kasi na babother ako na nag-give up agad siya? 

"Alam mo bunso, nagpapakahard to get ka lang eh! Mamaya tumanda kang dalaga diyan!" asar sakin ni kuya habang kinuha ang kunyaring binabasa kong magazine.

"The dawn is breaking. . ."

"Kuya! Mas magandang tumanda nalang akong dalaga kesa magtiis sa kumag na yun!" sabi ko na para bang gusto ko talaga. Ang gulo ko ngayon!

"A light shining through. . ."

"T-teka, ano ba yun? Parang may celebration sa kabila! May karaoke atah!" nagtatakang saad ni kuya.

"You're barely waking. . ."

"Hayaan mo na yun kuya! Ang pangit naman ng boses! Dami mo kasi napapansin kuya eh!" saka ako pumunta sa may pinto para mailock ito.

"I'm tangled up in you. . ."

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero sumilip ako sa labas. At doon ay nakitako si Stanley na kumakanta habang may nag-gigitara at may back up singers pa! Agad napakunot ang noo ko. Ano naman kayang nainom neto? Akala mo naman napakaganda ng boses!

"But I'm open you're closed.

Where I'll follow, you go.

I worry I won't see your face light up again."

 Habang kinakanta niya ang line na iyan at tinitigan niya ako. Isang titig na hindi ko mawari. Isasara ko sana ang pinto para balewalain lang ang ginagawa niya kaso bago ko pa ito masara ay pinigilan ako ni kuya. Kunot noo kong tinignan si kuya, pero nginitian niya lang ako at ang mga mata niya ay nakaturo kay Stanley. Napalingon ako kay Stanley.

"Even the best fall down sometimes.

Even the wrong words seem to rhyme

Out of the doubt that fills my mind

I somehow find, you and I collide."

Hirap na hirap siyang kinanta ang chorus. Kumpara sa boses ni Seth, walang wala si Stanley. Pero ramdam ko ang pagngiti ng puso ko sa ginawa ni Stanley, na kailan man ay hinding hindi magagawa ni Seth.

Lumapit siya sakin na pawis na pawis pagkatapos niyang kantahin iyon saka iniabot sakin ang 750 ml na selecta cookies and cream na may kasamang letter. Ngnitian niya ako habang ako naman ay biglang naging yelo na hindi makagalaw. Inilapit niya ang labi niya sa may tenga ko at akmang may ibubulong sakin.

"Simula ngayon, hindi na kita tatanungin kung pwede akong manligaw sayo o kung may pag-asa ako sayo. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, gagawin ko ang lahat. May pag-asa man o wala, hindi pa rin ako susuko. Ganun kita kagusto Fiona Saphira Faulkner." ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko habang sinasabi niya iyan. At mas lalong ramdam kong ang matamis niyang ngiti habang sinasabi iyan. Ang bango nga niya eh. Amoy masarap na candy! Yummy~

"Goodnight my Queen!" pagpapaalam niya saka niya ginulo ang buhok ko. Ako naman atah ang may topak ngayon, hindi talaga ako makagalaw at hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nangyaring ito.

"Mukhang hindi naman siya mabilis sumuko! Paano ba yan bunso?" natauhan ako nang marinig ko si kuya. Agad kong isinara ang pinto.

"Tignan nalang natin kung hanggang saan ang kaya niya!" taas noo kon sabi kay kuya na parang wala lang talaga para sakin ang ginawa ni Stanley. Pero sa totoo lang, sobrang kinikilig ako~ Umakyat na ako papuntang kwarto hanggang sa marinig ko si kuya na. . .

" Kayo talagang mga babae, kahit kinikilig na ng sobra sobra, ayaw pa rin umamin!" saad ni kuya. Napangiti lang ako ng patago saka tumuloy sa kwarto ko.

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon