DT C13 - A little Impatient

336 8 0
                                    

Time check, 9 am. Isang oras nalang. Napatingin ako sa babae sa harap ko, ang sexy at ang ganda niya. Normal lang ba ang magka-girl crush? Kasi nakakatomboy niya. Shocks, sabay pa kaming ngumiti sa isat-isa. Gusto ko siyang yakapin, parang long lost goddess kasi siya. Yayakapin ko na sana niya ng mauntog ako at matauhan na salamin lang pala yun. Hihi~

Lumabas ako ng restroom saka pumunta ng cafeteria para makita si Candy. Buti nalang at andiyan si Candy, konti lang ang pera ko ngayon eh kaya papalibre muna ako sakanya. 

"Salamat dito sa fries, shake at burger ah." pasasalamat ko sakanya habang kumakain ng fries then took a sip of my milkshake.

"Hindi naman kita nilibre eh! Hinoldap mo kaya ako!" pagrereklamo niya.

"That's what friends are for kaya!" pagtatanggol ko naman sa sarili ko sabay kagat sa burger.

"Edi ayaw ko ng makafriend pag ganun!!" sabi naman niya

"Iiiih~ Candy naman eh! Babawi ako sayo pag nagkapera ako!" pangako ko sakanya.

"Fiona naman! Mula freshmen tayo sinasabi mo na sakin yan, gragraduate na tayo friend!" pagrereklamo uli niya.

"Sorry na, bagal kasi umikot ng gulong ng buhay ko kaya ganun!" sabi ko naman. Wala na siyang nagawa  kaya naman sumuko din siya. Ang dami dami pang arte ng babaeng ito eh, di tuloy ako makakain kanina. 

*BUUUUUUUUUUUUUUUUUURP*

"Ano ba Fiona!" reklamo uli ni Candy habang naghahand gesture na parang pinapalayo ang hangin. Bad breath ba ako? Di naman ako nagkulang sa toothpaste at mouthwash ah?

"Timecheck, 10 am! Ano? Hindi mo ba pupuntahan si Stanley?" tanong ni Candy

"Hmp, ba't ko naman pupuntahan yung mayabang na yun?"

"Bigyan mo naman ng chance yung tao, halata naman na gusto ka niya eh! Iconsider mo na, kamukha naman ni Seth eh! Saka halos lahat ng estudyante dito sa school alam na may something sainyong dalawa, kayo lang ang hindi." paglelecture sakin ng napakagaling kong bestfriend

"Ayaw nga!" pagmamatigas ko

6 HOURS LATER

Nakaupo ang isang dyosang tulad ko sa may ilalim ng puno malapit sa soccer field kung saan natali kami ni Stanley dati.

"Fiooooooooooona!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.Napalingon ako sa likod ko kung saan naroon ang galit na galit na Stanley.

"Oh? Bakit?" inosente kong tanong sakanya

"Hindi mo ba alam na nabulok na ako kakahintay sayo sa rooftop? I waited 5 hours for you then searched for an hour for you! Diba I told you to meet me up at the rooftop at 10 am sharp?! Ganito ka ba kahirap liagawan?" nagagalit niyang sabi sakin.

"Ay nakalimutan ko! Saka ganyan ka ba talaga manligaw? Kailangan ako ang pupunta sayo? Nahihirapan ka na agad? Tss." saka ako tumalikod mula sakanya. Natahimik siya pagkatapos kong sabihin iyon. Pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman ko na may tumabi sakin.

"Sorry na." sabi niya kaya napalingon ako sakanya na kasalukuyang nakayuko.

"Hindi kasi ako sanay na ako ang naliligaw eh! Saka ngayon lang ako naging seryoso." may pagkamayabang talaga! Pero totoo naman eh, gwapo naman kasi talaga si Stanley eh. Habulin nga yan ng mga kababaihan. Halos lahat nalalaglag ang panty pag nandyan siya. 

"So, paano ka ba ligawan?" mula sa pagkakayuko ay tinignan na niya ako sa mga mata ng sabihi iyon.

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon