DT C05 - Witch

463 15 2
                                    

"Grabe! Dito pa talaga sila!"

"Hindi manlang sila nahiya!"

"Sila ba?! Magkaholding hands pa sila."

"Sino ba yang babaeng yan? Hindi naman siya maganda!"

Bakit ba ang ingay?! Andami naman palaka dito. Sarap pang matulog eh! -.- Napayakap nalang ako sa teddy bear ko. Parang lumaki ata tong teddy bear ko? Well, the bigger the better!

"Mr Macfarlane! Miss Faulkner!" boses ata yun ng monster ah. Isang monster.

Maya maya ay napasigaw nalang ako dahil may bumuhos ng malamig na tubig sakin. "Candyyyyyyy! Ano ba?! Kelangan ba lagi mo nalang akong buhusan ng tubig?!"

"Uy Fin!" may sumundot sakin kaya napamulat ako. Si Stanley ang nakita ko na may tinuturo kaya napatingin ako kung ano yung tinuturo niya.

"Mam Alcantara?!" nanlaki ang mata ko sa gulat. Nakita ko na maraming tao sa paligid. Nakalimutan ko na dito pala kami nakatulog ni Stanley. Pero bakit di na kami nakatali?!

"In my office now!" sigaw niya. Patay kami neto.

*Fastforward*

"Kasalanan mo to eh!" pagmamaktol ko habang naglalakad kami ni Stanley. Pinauwi na kasi kami. At what can I ask more? Magcocommunity service lang naman kami ng isang araw. Psh. Nakakahiya to! -.-"

"Sa tingin mo ginusto ko yun?! Parang bangungot kaya to! Biruin mo nakasama kita buong gabi tapos buong araw naman bukas! Alam mo ba kung gaano kasaklap yun?! Saka hindi parin mawala sa uniform ko yung baho ng laway mo! Tulo laway ka!"sunod sunod niyang sabi.

"Andami mong arte! Kagabi lang, pinapakanta mo ako kase hindi ka makatulog! Tapos ngayon sisigawan mo ako?!"

"Oh ano ngayon? Di kita pinilit! Saka akala mo naman kung sino kang maganda ang boses! Palaka boses mo! Baliw!"

"Aba't akal-"

"Wala akong panahon makipag-away sayo! Aalis na ako!" saka siya pumunta sa may motor niya. Maglalakad ako pauwi? Nawawala kasi yung wallet ko. Hmp. Worst day ever! Haaaaay! Makapaglakad na nga lang! Buti pa tong unggoy na to may sasakyan! -.-" Nagpatuloy na ako sa paglakad pero bago pa ako lumayo. . .

"Fin! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Stanley sakin

"Uuwi! Ano pa ba? Ikaw talaga, naglalakad nanaman yang utak mo!" sigaw ko pabalik

"Halika na dito! Ihahatid na kita." parang wala lang na sabi niya. Tinignan ko lang siya na parang nagtataka. Ang weird talaga ng lalaking to! Napakamoody niya. Kanikanina lang ay ansarap niya batukan gamit ang ref tas ngayon magiging mabait naman? Abnormal ata to eh.

"Ayaw mo?! Bahala ka!" at nag-asta na siya na paaandarin yung motor niya kaya naman. . .

"Teka! Teka! Ito naman eh!" sigaw ko habang palapit sakanya saka sumakay na sa motor niya. Humawak ako sa may likod.

Nagsimula na siyang magpatakbo. Alam mo yung feeling ko tuwing sasakay ng motor? Yung parang nasa commercial na ang ganda ng buhok habang humahangin. Ang ganda ganda ko. Ifeel mo ang moment na to Fiona. Ifeel mo lang!

"Pft! HAHAHAHAHA!" nangmakarating na kami sa bahay at bumaba ako ay yan ang una kong narinig kay Stanley. Magpapasalamat sana ako pero bigla akong tinawanan. Abnormal talaga to -.-

"Tinatawa tawa mo?!" mataray naq tanong ko sakanya sabay cross arms at taas kilay.

"Uhmmm. . . Kase..Pft! HAHAHAHA!" abnormal na talaga siya.

"Hay! Malala ka na talaga!" napailing nalang ako. After ilang seconds ay tumigil siya sa pagtawa at nakita kong may kinuha siyang walis tingting. Saka siya lumapit sakin at ibinigay yun.

"Stanley! Bukas pa tayo magcocommunity service! Ano to? Practice?" tanong ko sakanya.

"HAHAHAHAHA! Bagay na bagay talaga sayo yan! HAHAHA" tawa lang siya ng tawa.

"Ano bang-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang itsura ko sa salamin ng bintana namin. Anong nangyare sa buhok ko? mukha akong mangkukulan! T___T Kaya pala pinahawak sakin to ni Stanley!

"Walangya ka! Pinagtritripan mo pala ako!" saka ko pinalo palo sakanya yung walis tingting

"Aray! Aray naman! Fin, tigilan mo na nga yan! Masakit!" sabi niya habang nakapacross ang kamay niya bilang panangga sa pagpalo ko sakanya.

"Ang sama mo talaga! Pinagtripan mo nanaman ako!" sigaw ko sakanya habang hinahampas parin sakanya ang walis tingting

"Okay! Sorry na! Sorry!" napatigil ako ng marinig ko yun. Unang beses ko kasi marinig yun mula sakanya. Tinignan ko lang siya nung mga oras na yun. Sumakay siya sa motor niya.

"Wag ka ng magalit sakin huh? Sorry na okay?" sabi niya sakin. Siya ba talaga to? Napangiti nalang ako.

"Dahil hinatid mo naman ako. Hindi na ako magagalit sayo." sabi ko nalang.

"Good. Buti naman, baka kulamin mo pa ako eh! HAHAHAHA! Bleh :P" ska niya ako dinilaan at bago ko pa siya mahampas ulit ay napatakbo na niya ang motor niya.

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon