"Fin. . " tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Agad akong napatigil sa pagbabasa at napalingon sakanya.
"Stanley." tawag ko sakanya. Tinabihan niya ako at sinundan lang siya ng mga mata ko. Nilingon niya ako at nginitian.
"Si Seth ito." medyo natawa niyang sabi. "So totoo nga ang balita na nililigawan ka na talaga ng kapatid ko." hindi ko maipinta kung ano ang nararamdaman niya habang sinasabi iyon. Siguro umaasa parin ako na may pag-asa pa rin ako. Ang feeling ko talaga!! Alam ko na nga na may Lucy na siya. Ano namang laban ko kay Lucy?!
"Eh kayo ni Lucy? Ano nang ganap sainyo?" tanong ko sakanya. Napayuko siya ng tanungin ko iyon sakanya.
"Isang malaking F! Na-FRIENDZONE ako!" medyo natawa niyang sagot. Napakagat nalang ako sa labi ko. Sign kasi yun ng victory! HAHAHA! Ang landi ko lang~
"Kailan kaya ako makakahanap ng tulad mo?" tanong niya habang nakatitig sakin. Agad naman akong nagulat sa sinabi niua kaya napatingin lang ako sakanya na takang taka.
"Sana kasing swerte ako ng kapatid ko na nahanap ka na. Sana may Fiona din ako." saad niya. Kahit na hindi literal ang mga sinasabi niya ay parang nagpaparty ngayon ang puso ko dahil doon.
"MagkakaFiona ka na agad agad kung gusto mo eh." nasabi ko nalang ng pabulong. Ano ba naman kasi si Lucy?! Paano ba niya nagawa iyon kay Seth?!
"Huh?!" tanong niya. Mukhang narinig atah yung binulong ko.
"Ah wala." sabi ko nalang. Muli kong nilingon ang nakakadugong librong binabasa ko. Nakakainsulto naman si Candy, alam na nga niyang makabayan ako. Ayaw ko sa ingles kasi di ko maintindihan. Hehe~
Saka parang ang ganda ko lang tignan habang binabasa ang librong ito. Nagmumukha akong genius sa mata ni Seth. OMG!!! Baka maturn on siya!
"Ano yang binabasa mo?" tanong ni Seth. Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay inabot ko nalang ang libro sakanya.
Inaasahan ko talaga na maghahawak ang aming mga kamay. Mararamdaman namin ang spark at magkakatitigan kami. Tapos mawawala lahat ng ibang bagay na nasa mundong ito dahil saaming mga mata, kaming dalawa lang ang nasa mundo. Magiging slowmo ang paligid at mararamdaman namin ang mabilis na pagtibok ng aming mga puso. At doon namin malalaman na mahal na mahal namin ang isat isa.
Sayang! Di nangyari yun! -.-
Nakita kong binasa niya ang summary ng kwento sa likod ng librong iyon. At nasilip ko rin ang napakagandang ngiti ng mga pinkish niyang labi. Ano kayang lasa nun?! OMG!!! Ang landi ko lang~
"Anong chapter ka na?" tanong niya. Medyo nahihiya akong sagutin ang tanong niya dahil chapter one palang ako. Feeling bookworm lang naman ako kanina para magmukhang genius eh. Pero hindi talaga ako ganun! Hehehe~
"Chapter One palang! Hehe~ ^___^V" monggoloid kong sagot. Olay lang yan! Kahit ang monggoloid ng sagot ko. Maganda padin ako! HAHAHA XD
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
RandomLove is when the other person's happiness is more important than your own.