DT C11 - How things turned out to be

389 12 0
                                    

"I really like you Fin" napatingin ako sakanya.

DUG. DUG. DUG. DUG

Hindi ko alam ko alam ang nararamdaman ko. Kakakaiba. Bakit ba kasi ang hilig niyang sabihin yan tuwing tulog siya? Ang nakakapagtaka pa ay kung normal ako ngayon dapat nanghihinayang ako dahil hindi ko nairecord iyon at wala akong pang-asar sakanya. Pero heto ako ngayon, nakatitig lang sakanya, pinagmamasdan ang malambing niyang tulog.

Napailing ako saka inialis ang pagkahawak niya sa kamay ko. Siguro dahil sa magkamukhang magkamukha sila ni Seth ay naiimagine ko na si Seth siya kaya ganito ang nararamdaman ko. 

KINABUKASAN

*knock knock*

O.- Nagising ako sa lakas ng pagkatok. Napaupo ako sa may kama ko at nakita si Stanley na ang sarap ng tulog. T-teka?!

Kinurapkurap ko ang mga mata ko at napanganga ng makita si Stanley na half naked na natutulog. Kitang kita pa man din ang ABS niya~ Napakasama talaga nito! Nang-aakit! 

Agad kong tinakpan ang mata ko saka lumabas para buksan ang pinto. Kanina pa kasi doorbell ng doorbell eh! Nakakaloka!

"K-kuya? O___O" gulat na tanong ko pagkatapos buksan ang pinto.

"Saphiraaaa~ Namiss kita bunso!" sabi niya sabay yakap sakin. I hugged him back at halos tumulo na ang luha ko. Sobrang namiss ko na kasi talaga siya. Akala ko nga hindi ko na siya makikita.

Siya ang kuyya ko. Si Andy Kieran Faulkner. Lumayas siya bago umalis si mama papuntang ibang bansa. Gusto kasi ni kuya maging photographer pero di sang-ayon dun si mama. Pinipilit niyang maging doktor si kuya kaya naman umalis siya. Nung una nagtampo ako sakanya kasi iniwan niya ako pero after a year at hindi padin siya bumalik sabi ko ayos na sakin basta bumalik siya. 

Humiwalay siya sa yakap saka kinuha ang mga gamit niya. Napangiti naman ako dahil mukhang dito na ulit si kuya. Tinulungan ko siyang buhatin ang mga gamit niya. Tinanong niya ako kung kumain na ako, umiling lang ako. kaya naman nandito kami ngayon sa kusina dahil ipagluluto daw niya ako ng napakasarap na pancake. Kinwento niya sakin na mag-isa niyang pinagtapos ang sarili niya. Ang galing ng kuya ko ano?

"Kamusta ka na pala? Kamusta pag-aaral mo?" tanong niya habang inihahanda ang pan na paglulutuan niya.

"Ako? Syempre sobrang ganda padin! Pag-aaral? Uhm okay naman kaso hindi na ganun kagaling magturo ang mga teachers ngayon." sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Asus! Sinisi mo pa sa mga teachers!" sabi ni kuya saka ginulo gulo ang buhok ko.

"Totoo naman eh!" nakapout na sabi ko habang inaayos ko ang buhok ko. 

"Baka naman kasi puro pagbo-boyfriend lang ang inaasikaso mo." sabi niya gamit ng mapantukso niya tono at mukha.

"Hindi ah! Ang bait ko kaya!" pagtatanggol ko sa sarili ko. Totoo naman diba? Crush naman eh Iba kaya yun sa boyfriend.

"Buti naman! Akala ko kas-" natigilan si kuya sa sasabihin niya. Naku! Patay~

"Fiiiin! Asan ka bang babae ka?" rinig ko ang inis sa boses ni Stanley at kita ko naman ang pagtataka at gulat sa mukha ni kuya. Naku! Patay kang bata ka~

"Oh! Andyan ka pa-" napahinto siya ng lingunin ko siya at bigyan ng death glare.

"Ang aga aga ang sungit sungit mo!" sabi niya sabay tabi sakin. 

"Magbihis ka nga!" sabi ko. Pano ba naman kasi? Half naked padin siya -___-"

"Ehem!" napatingin ako kay kuya. Agad ko naman naramdamang nagbihis agad si Stanley.

"Akala ko ba wala kang boyfriend Saphira?!" galit na tanong ni kuya.

"Wala naman talaga kuya eh!" 

"Eh anong ginagawa niyan dito?"sabay turo niya kay Stanley

"Dito siya natulog kagabi eh kasi-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"What?!" napakalas at nakakatakot na sigaw ni kuya.

"K-kuy-" di ko naituloy ang sasabihin ko

"I'm so disappointed in you Saphira." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"At ikaw" nilipat niya ang tingin niya kay Stanley. 

"Panagutan mo ang kapatid ko!" nakakatakot na sabi ni kuya.

*FASTFORWARD*

"How did the two of you meet?" seryosong tanong ni kuya. Nandito kami sa dining room at kumakain ng breakfast. Di kasi pinaalis ni kuya ang unggoy na si Stanley. Medyo natetense ako ngayon. Ano ba kasi ang naisip ni kuya at inakala niyang boyfriend ko ang mokong na ito? At yung isa pa niyang naisip kanina, napakadumi talaga ng isip ni kuya. Tch. -___-"

"Uhm. Yung isa kasi jan na taeng tae, binunggo ako." Stanley

FLASHBACK (First day of school of being a high school student.)

Sa sobrang excited ko ay nakalimutan kong magbawas. Ang dami ko pa man diN kinain kahapon. Halo halo pa man din. Nung una pinipigilan ko pero tumagal ng tumagal at mukhang di ko na kaya kaya agad akong tumakbo papuntang restroom. Kung minamalas pa naman ako, ang daming tao sa hallway. Pero hindi ko na talaga kaya! Hanggang sa may nabangga ako~ Napatingin ako sakanya. Nakakakilig naman dahil si Seth ang nabangga ko. Matapos ang paghinto ng oras.

*Pruuuuuuuuuut*

O______O Agad akong natauhan at umalis sa napakaromantic naming pwesto ni Seth saka kumaripas ng takbo papuntang CR. Kung kailan naman ako magkakamoment kay Seth, dun pa ako nagmamadali magbawas. Ang malas ko lang!

Pagkatapos kong ilabas laht ng sama ng loob ko sa restroom ay bumalik na agad ako sa classroom. Sana hindi narinig ni Seth yung utot ko~ Medyo mabaho pa naman T___T 

Maya maya pa ay may pumasok sa room. Si Seth ~^O^~  Lumapit siya sakin! Totoo nga, papalapit siya sakin >/////<

"Miss! Diba ikaw yung nakabangga ko kanina?" tanong niya. OMyGeeee! Tumango tango ako habang nakayuko lang. Baka kasi makita niya ang pagbablush ko~ Naramdaman kong inilapit niya ang mukha niya sa may tenga ko.

"Ang baho ng utot mo!" O___O agad naman akong napalayo sakanya saka siya tinitigan.Tumawa siya ng mahina.

*End of flashback*

"Pft-HAHAHAHA!" tawa ng tawa yung dalawa. Mukhang enjoy na enjoy sila ah! Ba't pa kasi kinuwento ni Stanley yun!

Pagkatapos namin kumain at nagkwentuhan. Umalis na rin si Stanley. Nilingon ko si kuya.

"Kuya! Mali ang iniisip m-" hindi ko nanaman natuloy -___-"

"Wag ka na mag-alala bunso! I like him!" sabi niya.

"Ikaw pala may gusto sakanya eh! Edi kayo ang magkarelasyon!" inis na sabi ko.

"Aruuu~ Pati sakin nagseselos ka?" ^___^  tanong niya

Ugh. Sa sobrang inis ko umakyat nalang ako sa kwarto ko. Pesteng buhay naman ito oh~

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon