Buti nalang at maaga kaming pinauwi ngayon. May churvalulu ata yung mga prof and staff ng school. Sinubukan kong hanapin si Candy para ayain muna mamasyal o kaya naman magshopping pero hindi ko siya mahanap. Ang boring naman kung mag-isa ko lang diba?
Sa sobrang down ko ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Seth habang naglalakad dito sa may hallway. Mukhang down din siya.
"Ayos ka lang?" tanong ko sakanya.
"Hindi ko kasi alam mamili ng regalo para kay Lucy." malungkot niyang saad. Lucy? S-si lucy? Anong meron sakanila?
"Ano bang okasyon?" tanong ko"Malapit na ang birthday niya pero wala parin akong regalo. Ilang beses na akong naghahanap pero wala talaga akong matipuan, parang laging may kulang." malungkot nanaman ang boses niya. Ano pa ba ang inaashan ko? Hindi pangalan ko ang sinasabi niya. Ako ang nasa tabi niya pero iba ang nasa isip niya.
Bigla siyang napatingin sakin saka ngumiti. Napaiwas naman ako ng tingin. "Ano ba? Wag ka nga tumingin sakin ng ganyan." saad ko.
"Pwede mo ba akong samahan?" tanong niya. Napatingin ako sakanya.
"Saan?" tanong ko. Pero imbes na sagutin niya ako ay hinila lang niya ako. Para akong lumilipad lalo na't siya ang kasama ko.
*FASTFORWARD*
Nakarating kami sa Mall. Bago ko siya tulungan na humanap ng regalo para kay Lucy ay nagpalibre muna ako ng ice cream. Inakala pa nung nagtitinda ng ice cream na kami ni Seth. Medyo kinilig ako dun ah. Kaya heto kami, kumakain ng ice cream habang naglilibot dito sa mall. Hoping to find that perfect gift for Lucy. Mukhang wala na talaga akong chance kay Seth. Hanggang sa akala nalang ata. Napapakanta nalang ako ng 'Pangarap lang kita~'
Pumasok kami sa isang Jewelry Store. Nakuha agad ng isang singsing ang atensyon ko kaya naman nilapitan ko iyon at tinitigan. Simple lang ang singsing na ito pero gustong gusto ko it5ong makuha.
"Fiona, hindi siya mahilig sa singsing." napatingin ako sa katabi ko na si Seth. Oo nga pala, sasamahan ko nga pala siyang humanap ng regalo para kay Lucy.Bago pa ako makaayos ng pagtayo ay may umakbay na samin ni Seth. Nabigtla kaming pareho kaya napatingin kami kung sino ito.
"Stanley?!" sabay na bigkas namin ni Seth.
"Oo na! Gwapo na ako! Ano ginagawa niyo dito? Nagdedate?" tanong niya samin ni Seth. Bakit ba bigla bigla nalang sumusulpot tong lalaking ito? Tch."Nagswiswimming!" inis na sambit ko saka ko inalis ang nakapalupot niyang kamay sa balikat ko. I crossed my arms and looked away from him.
Nakakainis naman tong si Stanley! Oo, alam ko na si Lucy ang gusto ni Seth pero gusto ko lang sana makasama siya kahit sandali lang. Bakit kailangan niya pang umeksena? Tch.
Wala na akong nagawa kundi umoo nalang. Mukhang kitang kita ni Stanley na asar na asar ako kaya nagpumilit siyang sumama sa paghahanap namin ng regalo para kay Lucy. Oh Lucy, napakaswerte mo.
Nilisan na namin ang jewelry store dahil sabi ni Stanley ay mukhang ayaw naman ni Lucy sa mga ganung bagay. Nandito naman kami ngayon sa isang dress shop. Buti nalang at iba ang hairstyle ni Stanley, hindi ako masyadong malilito. Bakit ba kasi magkamukhang magkamukha ang dalawang to? Kambal nga eh! Ang shunga ko lang!
Pero infairness huh? Bagay ni Stanley ang buhok niya, messy! Magulo rin kasi siya! HAHAHA >.<! Kumuha si sSeth ng iba't ibang klase ng damit, peti ako ay tumingin tingin na rin. Kilala kasi si Lucy sa school namin, bukod sa maganda na siya ay matalino at talented pa! Saan ka pa diba? Kaya nga siguro gusto siya ni Seth. Ang alam ko malapit sila, magbestfriends ata pero parang isang korean drama ang nangyari at mukhang magkakaroon na sila ng happy ending. Buti pa sila.
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
SonstigesLove is when the other person's happiness is more important than your own.