Kinakain ko ang ice cream na bigay sakin ni Stanley kanina. Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ito pero yung sulat na kasama niya ay di ko pa rin nababasa. Habang ninanamnam ang ice cream na kinakain ko ay nakatingin lang ako sa may sulat na iyon. Babasahin ko ba o hindi?
Babasahin?
Hindi babasahin?
Babasahin?
Hindi babasahin?
Agad kong inilapag ang ice cream saka kinuha ang sulat. Binuksan ko ito sa pinakamaayos na paraan na alam ko. At pagkabukas ko ay sumalubong sakin ang napakasarap at bangong amoy. Amooy candy! Ano kaya yung pabango ni Stanley? Kanina ko pa hinahanap hanap eh! At buti nalang binuksan ko ito dahil naamoy ko nanaman!
PS. Hindi si Stanley ang hinahanap hanap ko ah, yung amoy! Okey?! Yung amoy!!
Dear Fin,
Alam ko na simula palang, hindi na ako ang gusto mo. Alam ko yun! Halatang halata naman na gustong gusto mo yung kambal ko! At alam ko rin na gwapo ako, wag mo na ipagkalat! Pero seryoso ako. Mukha man akong loko loko, gwapo talaga ako!
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit gumagawa pa akong ng napakacorny na letter na ito. Masyado ka kasing makaluma kaya nagmumukha ka nang luma! Sa totoo lang, gusto na kita mula pa nung una. Kahit na umutot ka agad sa harapan ko, gusto na agad kita. Partida na yun ah! Ako hindi pa ako umuutot sa harap mo tapos wala pa rin?! Ututan kaya kita? Baka magustuhan mo rin ako! Ang isang bagay lang naman talaga na gusto kong sabihin sayo ay gustong gusto kita. Saksi ang kulagot mo sa rooftop ng school dun.
Bigla nalang akong napangiti habang binabasa ang napakacorny na love letter ng ugok na si Stanley. Kung nakikita ko ang sarili ko ngayon, pagtatawanan ko lamang ito. Dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na mapaangiti ako ng ganito ng Stanley na iyon.
THE NEXT DAY
Nag-aayos na ako ng aking napakagandang mukha bago pumasok sa school. Sa totoo lang, hindi ko naman na kailangan mag-ayos kasi ang ganda ko kaya! Kahit na maraming kumokontra na maganda ako, kasi para sakanila mas maganda pa daw ako sa maganda. DYOSA na ang tawag sakin. Grabe lang! Ganun ba talaga?
Nagpaalam ako kay kuya saka kinuha ang bag ko at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay may napansin akong pamilyar na postura ang nakatayo sa may gate namin. Ngunit imbes na lapitan ko siya ay naglakad lang ako at nilagpasan siya.
"Uy! Uy Fin!" sigaw niya saka ako hinawakan sa may braso. Nilingon ko naman siya at nagkunwaring hindi alam na naroon siya kanina.
"Oh Stanley! Bakit ka nandito?" tanong ko para mas effective yung pagkukunwari ko. Hehe~ Inalis niya ang pagkahawak sa braso ko.
"Uhmm, susunduin kita. Ako na magbubuhat sa bag mo." parang nahihiya pa siya na sabihin iyon. Agad niyang kinuha ang bag ko at saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Ako naman, si tameme nanaman! Ang awkwaaard talaga~
"Fin. ." tawag niya sakin. Sanay naman na akong marinig ang pangalan ko pero tila napakagandang musika ngayon ng pangalan ko sa pagkakabigkas niya. Nilingon ko siya habang patuloy parin kami sa mabagal naming paglalakad. Hindi kaya kami malate neto?
"Uhmm, nabasa mo ba yung sulat?" tanong niya, at hanggang ngayon ay nagkakahiyaan pa rin kaming tumingin sa isat-isa.
"Yung corny ba na suat na ginawa mo para sakin? Kailan ka pa naman natutong gumawa nang ganun kacorny na sulat? I mean, alam kong baduy ka talaga kaso talagang hindi ko akalain na level 100 ka na pala sa kabaduyan mo!" asar ko sakanya habang pinipigil ang tawa ko. Sa totoo lang, kahit na napakasweet ngayo ni Stanley, namimiss ko rin ang kakulitan niya.
"Kahit kailan naman talaga Fin oh! Kiligin ka naman kahit konti, hirap na hirap oa naman akong nag-isip nun!" inis niyang sagot sabay kamot ng ulo. Nakanguso siyang naglalakad habang ako naman ay tawa ng tawa.
Dumating kami sa school at dahil nga sabay kami at marami na rin ang may alam na nililigawan ako ni Stanley, rinig ko ang mga nakakarindi nilang AYIEEEEE. Nagulat naman ako nang makita si Stanley na magblush! Bakla ba siya? OMG! Ang bakla niya! Dapat ako yung kiligin diba? Kaso inunahan niya ako! Tch. Nakakapanbago rin dahil recite ng recite ngayon si Stanley at lahat ng teachers namin ay nagtataka sakanya. Tuwing tinatanong siya, nililingon niya ako sabay ngingitian. At dahil doon, ang mga nakakarindi naming kaklase na AYIEEE ng AYIEEE ay umeksena nanaman.
Ang pinakamalupit na ginawa niya ay nilibre ako ng lunch at para siyang utusan ko na tagakuha ng lunch ko. Si Candy naman, mukhang enjoy na enjoy :3 Dumating ang hapon at ang saya kase wala yung teacher namin. Si Stanley naman, may klase. Nandito naman ako sa may bench na duyan. Sinusubukan kong basahin itong libro na pinahiram sakin ni Candy. "Jeremy Fink and the Meaning of Life" ang title. Maganda naman siya kaso nakakatamad talaga magbasa lalo na't english ang librong ito. Nakakadugo ng ilong!!!
"Fin. . ." tawag sakin ng isang pamilyar na boses
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
RandomLove is when the other person's happiness is more important than your own.