DT C04 - Safe and Sound

493 17 2
                                    


"Bakit tayo nandito?! Bakit tayo nakatali?! Saka bakit ikaw ang kasama ko?!"
sunod sunod na tanong ko kay Stanley. Parang ang weird naman ng pangyayaring ito.

"Ang choosy mo naman! Saka punasan mo muna nga yang laway mo bago ka tanong ng tanong dyan! Ang baho kaya ng hininga mo!" walang kwentang sagot niya. Pinuna pa niya yung laway ko huh? Isang dyosa ko lang kaya ang may ganun kaprecious na laway! Saka hindi naman mabaho hininga ko eh, arte arte. Tsk!

"Hindi pwede mangarap?! Saka pano ko mapupunasan tong laway ko eh nakatali nga tayo dito?! Hmp." hangang sa pinunasan ko din. Paano? Ginamit ko ang balikat ko pangpunas. Parang pusa lang -.-

"Sino ba kasi ang may pakana nito?!" inis na tanong ko. Hello? Parang matatali naman kami sa punong to ng kami lang no? Wag niyo lang sabihin sakin na nabubuhay ang punong ito.

"Woooh! Sabihin mo, pakana mo to! Patay malisya ka lang dyan!" mayabang niyang sabi.

"At bakit naman ako gagawa ng ganitong eksena?! Huh?!" asar ko namang tanong. Ang kapal eh!

"Kase gusto mo akong masolo! Patay malisya ka pa dyan!" sure na sure siya habang sinasabi yun. As if naman no! Tsk.

"Mahiya ka nga sa sinasabi mo! Tumataas ang balahibo ko dyan sa mga pinagsasabi mo eh!"


"Tch. Kunwari ka pa! HAHAHA!"


"Tch."


Hindi na kami nag-imikan. Pano na to? Diba nangyayari lang to sa movies?! Saka bakit nakatali kami sa puno? Ang weird naman! Saka bakit si Stanley?! Diba sa movies yung Prince Charming mo ang makakasama mo?! Bakit ang wicked witch ang kasama ko? -.- Magkamukha kasi sila eh kaya siguro nagkamali. Hays! Dapat na atang bigyan ng salamin si Kupido, pumapalya ang mga plano niya para samin ni Seth eh.

Gusto ko ng matulog kaya naman ginalaw galaw ko ang sarili ko para makawala dito sa pagkakatali namin. Parang hindi ko ata kasi keri na matulog dito kasama ang ugok na to. Kakilabot!

"Bakit ba ang gulo mo?! Matulog ka na nga lang!" - Stanley

"Kung ikaw, ayos lang sayo na magdamag tayo dito. Sakin hindi! Kaya gagawa ako ng paraan!" saka ko ulit ginalaw galaw ang katawan ko. Masakit pero gusto ko na talaga mayakap ang precious kong kama. Miss ko na ang lambot nun T____T Bakit naman kasi ang higpit ng pagkatali samin.

"Tingin mo ayos lang sakin ang ganito?! Hoy babae! Ginawa ko na rin yan kanina pero wala ring nangyari kaya tumigil ka na. Nasasaktan ka lang para sa wala." cold na sabi niya

"Eh anong gagawin natin ngayon?!"

"Matulog. Arte arte! Matulog ka na!"

"Psh. Sungit! Parang babaeng laging may period!" bulong ko nalang.

Wala na akong iba pang nagawa kundi ang sumunod sakanya. Haaaay! Buhay nga naman oh. Parang ang hirap paniwalaan tong nangyayari sakin. Bangungot lang ata to eh. Tch. Ilang minuto ang nakalipas ay nakatulog din ako.

Nasa isang lugar ako kung saan maraming Pizza, Ice cream, Cookies, Burgers, Fries at madami pa. Heaven! This is heaven! Nakita ko ang Cookies and cream flavored Ice cream kaya naman agad kong nilapitan iyon saka kinain. Hmmm. . . Yumminess! Para akong nasa isang commercial ngayon habang kinakain ang ice cream na ito.

"Uy! Gising ka ba? Gising ka?"

Sunod kong pinuntahan ang maladagat sa rami na fries. Uwaaaa >.<! Hindi ko madescribe ang sarap ng fries na ito. Hindi din siya nauubos. Unlimited!

"Tulog ka ba? Natutulog ka?"

Pupuntahan ko na yung burgers. Yum yum yum! Malapit na ako sa burgers ng biglang yumanig. Teka, anong nangyayari?! Lumilindol ba?! Hanggang sa lumakas na ng lumakas ang pagyanig at nawala na isa isa ang mga pagkain. Uwaaa >.<!


"Gising ka? Uy! Ano? Gising ka ba?"
narinig ko ang boses ni Stanley. Kaya nagising ako mula sa napakaganda kong panaginip. Pero di ko padin minulat ang mata ko.


"Natutulog ka padin? Uy! Tulog ka ba?"
at hindi na siya tumigil.


"Tulog ako kanina pero ginising mo ko! Walangya ka!"
inis kong sabi sakanya.


"At ikaw pa ang naiinis huh?! Tignan mo nga to!"
saka niya iniangat ang balikat niya. "Natulog ka sa balikat ko kaya yan oh! Tignan mo! Parang bagong laba! Basang basa ng laway mo! Kadiri kang babae ka!"


"Ah eh. . . Ang arte arte mo naman! Tch. Matulog ka nalang!"


"Di ako makatulog eh!"


"Pake ko?!"


"Pag di ako nakatulog, di ka din dapat matutulog!"


"Bahala ka sa buhay mo!"


"Patulugin mo muna ako!"
parang bata niyang sabi sabay pout


"Ano ka? Bata?!"
sagot ko in disbelief


"Sige na!"
pagmamakaawa niya habang nagpapuppy eyes. Feeling niya ang cute cute niya sa ginagawa niya. Tch. Wala na rin akong nagawa dahil kilalang kilala ko na siya at alam kong kukulitin lang niya ako ng kukulitin hanggat di ko siya napapatulog. Kamalasan ko ngayong araw na ito.


"Kakantahan nalang kita."
at nag-umpisa akong kumanta.

Safe and Sound by Taylor Swift (Cover by Jayesslee)

I remember tears streaming down your face
When I said, "I'll never let you go"
When all those shadows almost killed your light

Nakayuko ako habang kinakanta yan. Medyo nahihiya kasi akong kumanta dahil di ako sanay na kumakanta sa harap ng iba. Naririnig ko ang gitarang tinutugtog dati ni kuya habang kinakanta ko ito. Naalala ko nanaman tuloy sila ni mama. Mag-isa nalang kasi ako ngayon, nasa ibang bansa si mama at si kuya naman ay naglayas na. Unti unting nasira ang pamilya namin. Ang lungkot lang isipin.


I remember you said, "Don't leave me here alone"

But all that's dead and gone and passed tonight

May naramdaman akong medyo malamig. Tinignan ko iyon at nakita ko ang kamay ni Stanley. Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sakanya. Patulog na siya. Kakaumpisa ko palang ng kanta ay makakatulog na agad siya. Napangiti nalang ako sakanya hanggsang sa tuluyan na siyang nakatulog. Ang amo niya pag tulog siya. Parang hindi siya ang Stanley na kilala ko.


Just close your eyes

The sun is going down

Hindi ako tumigil sa pagkanta kahit alam kong tulog na siya. Siya naman ang nakasandal sa balikat ko ngayon. Naamoy ko siya. Ngayon ko lang napagtanto na mabango pala siya. Kung iisipin lagi naman kaming nagkakasabatan at nagkakainisan pero parang ngayon lang siya nakita ng mata ko.


You'll be alright

No one can hurt you now

Hinawakan ko na rin ang kamay niya. Bakit ba kasi iba ang istura niya pag tulog. Lagi nalang sana siyang tulog. Nakita kong kumunot ang noo niya, nananaginip ba siya? Sinandal ko naman na ang ulo ko sa ulo niya. Ang lambot ng buhok niya. Para siyang si Seth ngayon. Napapangiti ako ng wala sa oras.

Come morning light
You and I'll be safe and sound

Nakapikit ako habang kinakanta yan. Inaantok na rin ako kaya naman nag-stay na kami sa ganung posisyon. Akala ko dahil si Stanley ang kasama ko ngayon ay puro kunsimisyon ang mararamdaman ko. Pero I felt something na matagal ko nang hindi nararamdaman. I felt like I was not alone anymore.


"I like you. . ." napatingin ako sakanya.


"I really like you Fin."

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon