DT C07 - Stanley Macfarlene

407 12 0
                                    

Fiona's POV

Bakit parang may mali? Hindi ko alam kung ano pero kakaiba talaga. Ang gulo!


Hay! Get your head together Fiona! Papasok na ako ng school. Ilang linggo nalang naman at bakasyon na kaya papasok na ako. Konting tiis nalang Fiona.

Tumatakbo ako ngayon dito sa hallway. Alam kong against the rules ang pagtakbo sa hallway pero malelate na talaga ako. Yung terror na teacher pa man din namin yung first subject ko ngayon. Buti nalang at walang staff ng school na nandito ngayon kaya safe naman ako. Napakaswerte kong bata ^_____^

*Toinks*

Akala ko ba swerte ako? Bakit nadulas ako?! Buhay nga naman oh! -.-


"Miss? Ayos ka lang?"
para akong nasa langit. Langit na ba ito?


"Fin? Ikaw ba yan?"


"Ah! Eh. . . " di na niya ako pinatapos. Tinulungan nalang niya ako. Kinuha niya yung mga nalaglag kong libro.


"Stanley?!" parang ngayon lang ako natauhan. Bakit ganito? Napagkamalan ko siyang si Seth. O napagkamalan ko nga ba talaga? Ewan!


"Wag ka ngang tumingin sakin ng ganyan! Akala mo maganda ka?!" saka siya tumayo habang hawak hawak yung libro ko kaya naman napatayo narin ako. Binigay niya sakin yung libro ko at lumakad na siya paalis. Maya maya ay huminto siya.


"Hindi ka ba sasabay sakin?"


"Bakit naman ako sasabay sayo?"


"Parehas lang naman pupuntahan nating klase! Utak neto!" inis niyang sabi. OO nga nuh? Kaya naman lumakad na ako at sumabay sakanya papuntang klase.


Maya maya pa ay nakarating na kami sa classroom. Patay -___-" Ansama ng tingin samin ng teacher namin. Nakalimutan ko na kaya pala ako tumatakbo kanina dahil malelate na ako. Bakit nawala sa isip ko yun? Para siyang may laser eyes habang tinititigan kami ni Stanley. Kaya naman pinarusahan kami. Hay! Bakit lagi nalang akong napaparusahan tuwing kasama ko tong unggoy na to? Tch.


Pinalo niya muna ang kamay namin bago kami pinalabas ng classroom at pinag-squat doon hanggang sa matapos daw ang klase niya.

"Psst." rinig k kaya napatingin ako kay Stabley. Alam kong siya yun pero nagkukunwari siyang wala siyang alam. Hindi ko nalang pinansin.


"Fin, narinig mo ba yun? Nakakakilabot! Parang may multo! Tumataas nga balahibo ko oh!" pananakot niya sakin. Parang ewan lang tong kasama ko, nakasquat na nga kami't lahat nakuha pang gumanyan.


"Wag ka ngang maingay." sabi ko nalang. Pero hindi siya tumigil sa pananakot sakin, tuloy tuloy lang siya. As if naman na matatakot ako ganun no! Ano ako? Bata? Tinignan ko siya ng masama at parang tuwang tuwa siya sa reaksyon ko. 


"Sabi ng wag kang maingay Stanley. Nagagalit siya kapag maingay." seryosong sambit ko. Kalma lang ang ekspresyon ko habang sinasabi iyon sakanya. Napatigil siya pagkatapos ko yung sabihin. Pagkatapos nun ay hinarap ko ang classroom sa may tapat namin. Abandunado na ito, puro mga dumi nalang ang naroon. Kitang kita sa binatana nito ang pagkamadilim ng kwartong iyon. 


"T-teka, s-sinong matatakot huh? S-sino? Tinatakot m-mo ba a-ako?" mautal utal niyang tanong sakin. 


"Hindi na daw po siya mag-iingay, tatahimik na po siya." sabi ko habang nakatingin pa rin sa abandunadong clasroom na iyon.

 
"H-hoy! S-sinong kunakausap mo huh? H-hindi mo ako mata-matatakot!" Psh. Hindi daw? Sa sobrang utal niya kulang nalang ay maihian niya ang salawal niya. Tumingin ako sakanya ng nanlilisik ang mata, tinitigan ko lang siya.


"Wag kang maingay." sabi ko gamit ang nakakatakot na tono ng boses ko.


"F-fin? I-ikaw pa ba yan?" takot na takot niyang tanong. Ipinikit ko ang mata ko at umaktong umaalis sakin ang espirito na kanina lang ay nakasanib sakin. Idinilat ko na ang mga mata ko saka inosente siyang tinitigan, nagkunwari akong nagulat ng makita siya sabay sabing. . .


"Stanley, nasa tabi mo siya!"


At tulad ng inaakala ko ay kumaripas siya ng takbo papunta sakin saka ako niyakap. Sa sobrang bigat niya at bilis ng pangyayari ay na-out of balance ako kaya natumba kami. Nakita kami ng teacher namin kaya naman pinagpapalo naman niya ang binti namin saka ulit kami pina-squat. Napatawa nalang ako sa nangyari habang inis na inis si Stanley. Haha~


*FASTFORWARD*


"Uwaaa >.<! Ansakit talaga ng binti ko!" daing ko habang hinihimashimas ang binti ko.


Kasalukuyan akong nasa rooftop. Ayaw ko munang bumaba dahi natrauma ata ako sa teacher namin. Ansakit talaga ng paa ko. Kasalanan to ng Stanley na yun eh! Buti pa siya walang masakit sakanya, sanay na daw siya eh. Lagi kasi siyang napapagalitan kaya laging ganun ang nangyayare sakanya.  Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal sa pader.


Ginulogulo ko ang buhok ko. May mga bagay kasi na naguguluhan ako simula kahapon. Ang gulo gulo! Inalog alog ko ang ulo ko, baka magka-idea ako. Sana ganun lang kadali.


Maya maya ay may narinig akong tumawa sa may tabi ko kaya naman napatingin ako dito.

"Stanley" tawag ko sakanya

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon