"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya
"Dinala ako ng paa ko dito eh! May problema ka?" masungit na sambit niya
"Tch. Kahit kelan ka talaga! If I know, paborito mo na yung Safe and Sound na kinanta ko sayo" pang-asar ko
"Ang kapal naman ng mukha mo! Ni hindi ko nga alam na yun yung titile nung kinanta mo eh! May ganun palang kanta?! Akala ko inimbento mo lang!" wala lang na sagot niya
"Woooh! Kunwari ka pa! Paborito mo na nga yun eh!"
"Ewan ko sayo! Mangarap ka lang diyan"
"Kunwari ka pa! Sinabi na nga ni Seth sakin!" napatingin siya sakin. Halatang gnagulat siya sa sinabi ko kaya naman mukhang tarsier yung mata niya ngayon. Binigyan ko siya ng isang develish smile.
"Ano huh? Hindi ka makaimik nuh?! Tch." asar ko nalang sakanya
Ilang minuto rin kaming walang imikan pagkatapos nun. Parang siyang namute pagkatapos kong sabihin yun sakanya. Ang awkward ng pagkatahimik namin. Ayoko din naman siyang makausap. Kaya mas okay na siguro to!
"Ano to? Ba't may dumi dito?" sabi niya sabay tingin sa pader kaya naman patingin din ako sa duming tinuturo niya.
OH NOOOOOOO! My precious kulangot >.<
"Ah eh, hayaan mo nalang! Andami mong napapansin!"
"Parang ang weird kasi ng duming to eh!"
"Hayaan mo nalang! Dumi na nga lang, pinapansin mo pa" pinipigilan ko ang kamay niya sa paghawak sa kulangot ko. Uwaaa >.<!
"Okay lang! Di naman ako maarte eh!" saka siya ulit umakto na hahawakan to
"Wag sabi eh!" pigil ko sakanya
"Alam mo ba kung ano yan?"
"Bakit ko naman malalaman kung ano yan?!"
"Eh gusto ko malaman kung ano yan eh! Kung alam mo, eh di hindi ko nalang hahawakan!"
*************
"Kadiri ka talagang babae ka!" sigaw sakin ni Stanley
"Bakit? Sinabi ko bang hawakan mo?!"
"Eh alam mo na ngang kulangot yun eh! Tch. "
"Akala ko ba hindi ka maarte?!"
"Kadiri ka talaga! Kung saan saan mo lang nilalagay ang kulangot mo!"
"Eh pake mo ba?! Remembrance ko yun para dito sa iskul?!"
"Kadiri kang mag-isip! Kulangot mo? Remembrance?"
"Eh sa gusto ko nga eh!"
"Babae ka ba talaga?! Huh?! I can't believe na hinawakan ko yung kulangot mo! At hindi mo pa agad sinabi sakin na kulangot yun?! Hinayaan mo pa akong bilog bilugin yun?! Ugh!'
"T-teka? Ba't nagsisigawan kayong dalawa?" Candy. Pano kase, sigawan ang conversation namin ni Stanley. Nakakainis kasi siya eh. Ako pa sinisi huh? Kaya taong bundok na kung taong bundok! -.-
"Siya kasi eh!" sagot namin ni Stanley sabay turo sa isa't isa
"Para kayong bata! Magbati nga kayo!" Candy
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
De TodoLove is when the other person's happiness is more important than your own.