Seth's POV
Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Nakatingin lamang ako sa kisame. Naaalala ko ang ngit niya.
"Alam mo yung tipong happy ending na kaso may umeksena pa!" naalala kong sabi ni fiona. Napapikit ako dahil naiinis ako sa sarili ko.
Nung araw na tinabihan ko siya sa swing set sa school namin habang frustrated siyang nagbabasa ng libro. Inakala pa niya na ako si Stanley nun at doon ko naconfirm na nililigawan na talaga siya ng kamabal ko.
Matagal ko na siyang napapansin noon. Kahit nung wala pa si Stanley sa school. Nacucutan lang ako sakanya. Kaso nakay Lucy ang atensyon ko ng mga panahon na iyon eh. I didn't know what kind of girl I was missing out.
Sa totoo nga eh, may crush ako sakanya. Naiinis ako sa sarili ko kasi parang tinataksil ko ang kapatid ko. Lalo na sa nangyari kanina pati na rin sa kwinento ng mama niya sakin.
Yesterday
"Naku iho! Mukhang magiging best buddies tayo! Namimiss ko na kasi ang anak kong lalaki kaso busy. Kaya ngayon, ikaw nalang muna ang anak ko. Tutal magiging brother in law ka naman ng anak ko sa near future!" masaya niyang saad sakin habang kumakain kami sa isang resto. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko ng marinig ko ang brother in law na sabi niya. Pero siguro dapat na rin akong masanay dahil paniguradong dun rin naman sila tutuloy.
"Ah eh." nalamang ang nasagot ko.
"Akala ko talaga noon ay ikaw ang magiging manugang ko. Akala ko kasi crush ka padin ni Fiona!" masayang sabi niya. Agad naman akong napatigil sa pagkain dahil sa sinabi niya.
"Crush?" kunot noong tanong ko.
"Abay hindi ba niya sinabi sayo? Crush na crush ka ng anak ko dati. Tuwing magkatawagan nga kami dati ay ikaw lagi ang bukambibig niya. Kaya akala ko talaga ikaw ang boyfriend niya." saad niya saka uminom ng ice tea.
Back to reality
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang iniisip na crush pala ako dati ni Fiona. Pero tulad nga ng sabi niya MAY UMEKSENA PA. Ano nga bang laban ng nakaraan kung saan wala akong ginawa sa kasalukuyan kung saan ginawa lahat ni Stanley?
Kung pinansin ko kaya si Fiona dati pa ay magiging baliktad ang sitwasyon?
*toktok*
"Pasok" malumanay kong saad. Agad bumungad sakin si Stanley na may dalang pagkain.
"Broooo~ salamat sa pagtulong mo kanina sa girlfriend ko ah." masaya niyang sabi habang palapit sakin.
"Hay! Medyo nag-alala ako kanina sakanya kaya salamat bro! At dahil dyan ay kumain ka at magpakabusog! Salamaaaat!" saka siya lumabas ng kwarto ko.
Tinignan ko ang pagkain na dinala niya. Mas lalo tuloy akong nagiguilty sa lihim kong pagtingin sa girlfriend ng kambal ko.
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
AcakLove is when the other person's happiness is more important than your own.