The next day. .
Nandito ako ngayon sa rooftop. Busy kasi si Candy sa pag-aaral. Ayoko namang sumama dun sa library, antahimik dun eh. Parang sementeryo.
Kaya naman dito muna ako mag-isa. Walang asungot. Di ko din naman makukunwaring mabangga si Seth kase may klase siya. Sayang.
Nakaupo lang ako sa may sahig dito habang nakasandal sa pader. At dahil bored ako ay naisipan ko munang mangulangot. Medyo nababara na itong ilong ko ng mga walang kwentang kulangot na yan eh.
Oh. Mukhang malaki ang isang toh. Medyo cannot be reach kaya naman ginamit ko ang air ng ilong ko kaya ayun, nakalabas din. Tinitigan ko yung kulanot ko, anlaki huh?! Kaya ko palang magproduce ng ganun kalaking kulangot? Halos kalahati ng kuko ko ang laki. Haha! Inikot ikot ko nalang yun gamit ang daliri ko at dinikit sa may pader.
"Isa kang palatandaan na galing dito ang isang Fiona Saphira Faulkner!" sabiko sa kulangot ko.
"Sinong kausap mo diyan?" nagulat ako ng marinig ko ang boses na iyon. Uwaaa >.<! Anong ginagawa dito ni Seth?! Lumapit siya sakin saka aakmang uupo sa tabi ko pero tumayo na ako bago pa niya magawa yun.
"Ah eh! Tara sa canteen! Nagugutom na ako! tara!" pag-aaya ko sakanya.
"Pero mas maganda dito, tahimik."saka ulit siya umakmang uupo doon. Naku! Wag please! Pag umupo ka diyan, makikita mo ang kulangot ko Madali lang yun makita kasi malaki T____T
Hinawakan ko ang kamay nya "Tara na dun! Gutom na kasi talaga ako!" saka ko siya hinila paalis doon. Hindi naman na siya nagpumiglas pa. Woooosh! Nakahinga rin ako ng maluwag doon. Muntik ka na Fiona!
*Fastforward* Lunchbreak / Sa canteen
"HAHAHAHAHAHA" Candy
"Sige tumawa ka pa diyan!" inis na sabi ko kay Candy. Pinagtawanan ako pagkatapos kong ikwento yun. Hmp. Death defying kaya ayun no?
"Paano naman kase HAHAHAHA! Kadiri ka bespren!" saka ulit siya tumawa
"Para namang di ka nangungulangot diyan!" saka ako nagcross arms sabay pout.
"Naalala ko tuloy nung unang beses na akala mo meron ka na. Akala mo nun dalaga ka na! Yun pala may almuranas ka lang noon! HAHAHA!" at pinaalala pa niya yun? Hays! Sakit sa ulo!
"HAHA! Mamatay ka sana diyan kakatawa!" bulong ko nalang habang pinanggigigilan ko ang pagkain ko. Sa pagkain ko nalang ilalabas lahat ng hinanakit ko.
"Oh Fin! Badtrip ka ata diyan?!" biglang tumabi samin si Stanley.
"Hindi ba halata?! Bobo." bulong ko nalang
"Ganito kasi yan Stanley! HAHAHA! Si fion- Ah, I mean, badtrip siya ngayon kaya wag mo na asarin!" buti nalang nakuha ko sa tingin si Candy.
"Alam mo Fin, may hawig pala kayo ni Anne Curtis." biglang sabi ni Stanley.
Hinarap ko siya saka pinatong ang baba ko sa likod ng mga palad ko saka ngumiti. "Meron ba?" saka ko ginilidgilid ang mukha ko at nagbeautiful eyes.
Narinig kong tumawa sila ng mahina ni Candy.
"HAHAHAHA >.<! Meron nga! Di naman yung artista yung sinasabi ko eh!" naalis ang ngiti ko saka umayos ng upo at tinignan siya ng seryoso.
"Eh sinong Anne Curtis ang sinasabi mo diyan?" tanong ko
"Anne Curtis kasi ang pangalan ng bago naming aso! HAHAHA ><! Magkamukhang magkamukha kayo Fin!HAHAHA >.<!"
"Haha! 'Meron ba?'" Candy habang iniimitate yung ginagawa ko kanina.
"Ugh. Nakakainis kayong dalawa! Pag naging kami ni Seth, ipagtatanggol niya ako sainyong dalawa! Bleh :P" sabay dila ko sakanila.
Nagulat naman ako kase biglang umalis si Stanley.
"Problema nun?" tanong ko kay Candy
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
RandomLove is when the other person's happiness is more important than your own.