Anim na buwan na ang nakakaraan simula ng niligawa ako ni Stanley. Kahit na ang tagal tagal na niyang nanliligaw sakin ay araw araw lagi parin siyang may surpresa sakin.
College na nga kami ngayon, at aba! Sinundan talaga ako ng loko! Hahaha! Hindi ko nga alam kung manliligaw ko nga ba talaga siya o isang stalker. Haha! Sa wakas ay nakawala na rin ako sa highschool, pero mas mahirap pala ang college. Trisem kasi kami, pero hindi ako nagfufull load. Para pess hassle! Sabi nila tamad daw ako pero para sakin wais ang tawag dun! Hehe~ Kaya lang naman ako pumunta sa school na ito kasi walang entrance exam. Yung ivang school kasi bagsak ako kasi nga kailangan pa ng entrance exam, buti nga at walang exit exam eh! Hahahaha!
Ngayon, ako naman ang gustong sumurpresa sakanya. Dahil, tingin ko handa na akong sagutin siya. Hihi~
Tatlong araw ko na siyang hindi pinaoansin at ilang texts at missed calls na ang narecieve ko sakanya. Alam mo yung tipong kahit na miss ko na rin siya ay pinipilit ko parin na iwasan muna siya para siya naman ang masurpresa ko.
"Nandito ako sa rooftop, may importante akong sasabihin sayo." I texted him.
After a minute ay dumating na siya. Pawis na pawis siya at halatang pagod na pagod. Tumakbo siguro siya agad papunta dito. Kahit kailan talaga!
Lumapit siya sakin saka ako tinangkang yakapin, pero iniwasan ko siya. Hehe, ang galing galing ko talaga umacting! Tinignan ko siya sa mata saka ko iniwas ang tingin ko. Nararamdaman ko na napapansin niya na may problema akong sasabihin sakanya.
STANLEY'S POV
Hindi ko alam kung bakit iniiwasan ako ni Fin, tatlong araw na eh. Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako iniiwasan. Ano kayang nagawa ko? Ngayon lang yun di namansin eh. Dati kasi kapag may ginawa akong di maganda, sasabihin niya agad sakin. Pero ngayon, ako yung nanghuhula kung ano ba ang nagawa ko. At hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na dahilan kung bakit.
Nagulat nalang ako ng bigla siya nagtext. Hindi ko alam kung matutuwa o matatakot ako sa kung ano ang ibig sabihin ng text niya. Basta ang alam ko gusto ko na siyang makita dahil miss na miss ko na siya.Tumakbo agad ako papuntang rooftop, hinihingal na ako ng makaakyat ako pero nawala lahat ng pagod ko ng makita ko siya. Nilapitan ko siya, sobrang namiss ko ang babaeng ito. Yayakapin ko sana siya kasi iniwasan niya ang yakap ko. At nararamdaman ko na na may problema talaga.
"S-stanley. . " she stuttered as she said my name. Hinawakan ko ang braso niya.
"May problema ba?" tanong ko sakanya. Ramdam ko ang lungkot sa aura niya. At tingin ko ramdam niya rin ang lungkot sa boses ko.
"S-stanley, wag mo na akong ligawan." pakiusap niya sakin saka ako tinitigan at umiwas ng tingin. Nagulat ako sa sinabi niya. Yun bang ayaw tanggapin ng utak ko yung sinabi niya kaya parang di ko maintindihan. Para akong estatwa na walang magawa. Binitawan ko lang siya sa pagkakahawak ko sa braso niya.
"Ayaw ko na eh, hindi na ako masata sa ganito." pagrereklamo niya. Gusto kong magalit pero di ko kayang magalit sakanya. Hanggang sa di ko na napigilan anv sarili ko na yakapin siya. Pinipilit niyang kumawala sa yakap ko pero hindi ko siya pinayagan.
"Diba sabi ko sayo, kahit na ipagtabuyan mo ako, hinding hindi ako aalis sa tabi mo. Tutuparin ko ang sinabi ko sayo na babantayan at proprotektahan kita." papupumilit ko.
"Kaya nga eh, ayaw na kitang maging manliligaw. Tigilan mo na ang panliligaw mo sakin!" inis na sigaw niya. Tinitigan ko siyang mabuti
"Yan ba talaga ang gusto mo?" tanong ko sakanya. Tumango lang siya. Sa pagtango niya, para akong binagsakan ng isang truck na puno ng acid. Napaiwas ako ng tingin sakanya.
"Kasi sinasagot na kita." napatingin agad ako sakanya na ngayon ay sobrang laki na ng ngiti. Seryoso ba siya? Hindi ko na napigilan ang saya. Niyakap ko agad siya.
"Sa susunod nga wag mo akong pakabahin ng ganun. Tinatakot mo ako!" paglelecture ko sakanya.
"Eh, gusto ko masusurprise ka eh!" napakacute na sabi niya.
" Ang galing talaga mag-acting ng girlfriend ko!" Proud na proud kong sabi. Hehe, girlfriend ko na siya eh.
________________________
AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER.
THE END.
HEHE, joke lang po.
__________________________
FASTFORWARD
Masaya kaming naglalakad ni Stanley habang palabas ng school. Syempre with matching holding hands ^___^ Keleg much!
Pansin naming dalawa ang pagsunod ng tingin ng mga tao samin. Mga echoserang froggy talaga oh! Chismosa here, chismosa there! Hanggang sa nasalubong namin si Seth, napatingin siya sa kamay namin ni Stanley saka kami tinignan na dalawa.
"So, after a long wait, kayo na pala. Congrats bro!" saad ni Stanley sabay ng pagngiti niya samin. And yes, hanggang ngayon magkaschoolmate padin kami ni Seth, pero di na ako adik sakanya. I'M SO PROUD OF MYSELF!!
Pagkatapos ng mga eksena sa school ay hinatid na ako ni Stanley sa bahay, tulad ng lagi niyang ginagawa.
"Hoy ikaw mokong! Kapag ikaw, hindi mo na ginawa lahat ng kasweetan na pinaggagawa mo nung nanliligaw ka, makikipagbreak ako sayo!" paglelecture ko sakanya ng pabiro. Kasi kahit naman siguro di na niya gawin yun, di ko magagawa yung sinabi ko. Pero syempre, mamimiss ko yun. Ang haba kaya ng hair ko kapag ginagawa niya yun. Talo ko si Rapunzel! :P
"No, I'll never get tired of doing something for you." napakasweet na sabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko. Pinagdikit niya ang noo namin saka niya tinitigan ang labi ko. Ilang segundo rin ang nakalipas bago niya ako halikan sa noo. Dahil hanggang ngayon, ramdam ko parin ang respeto niya para sakin.
May kinuha siya sa bulsa niya saka inisnuot sa wrist ko. Isa itong silver bracelet na may design na elepante at blue rose. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang tinitignan ito. Inilabas niya rin ang kanya pero kwintas naman ito, at syempre mas manly tignan kesa sa suot ko.
"Alam mo ba na pwedeng ikamatay ng elepante ang pagkakaroon ng nasawing puso?" tanong niya sakin. Nilingis ko ang ulo ko bilang sagot, nginitian nalamang niya ako.
"At alam mo ba na para akong isang elepante?" tanong niya.
"Malaki at mataba?" nang-aasar na tanong ko habang pinipigilan ang pagtawa. Ang corny niya kasi pero kinikilig naman ako! Nubayan! Ang baduy ko tuloy!
"Kahit kailan ka talaga!" inis na sambit niya. Akala ko itutuloy niya ang mga line niya na corny pero di pala -__-! Naasar na talaga! Hehe~
Nang papasok na ako ng bahay ay agad bumukas ang pinto. At laking gulat ko ng makita ko si mama. A-anong ginagawa niya dito? Agad akong lumapit sakanya at niyakap siya. Nguniy bumitaw siya sa yakap ko at tinignan pataas at pababa si Stanley.
"Ah Ma, siya po pala si Stanley, ang boyfri-" hindi niya ako hinayaang matapos amg sasabihin ko.
"Paano mo siya naging boyfriend?! Hindi ko nga siya kilala! Halika na sa loob!" sigaw ni mama saka ako hinatak paloob at sinaraduhan ng pinto si Stanley.
"Maaaaa! Bakit mo ginawa yun?! Nakakahiya!" inis na sabi ko kay mama sabay may kasamang dabog. Kararating lang niya pero dinadabugan ko na agad, kasi naman eh! Kaasar! Kelwg mats na nga eh! Umupo ako sa upuan saka sumimangot. Agad niya akong nilapitan saka niyakap.
"Anaaaaak! Ang gwapo ng boyfriend mo! Naku! Ang galing ko talaga umacting! Dapat makita ko effort nya. Hindi porket pogi siya ay approve na ako sakanya. Peri ang swerte mo anak! Manang mana ka kasi sa ganda ko eh! Hihihi!" nagagalak na sabi niya. Agad akong napanganga sa lahat ng sinabi niya
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
De TodoLove is when the other person's happiness is more important than your own.