DT C01 - Fiona Saphira Faulkner

837 23 2
  • Dedicated kay Jessica Mae Aganon Noriesta
                                    

Fiona's POV

"Fioooooooooooona!" tinakpan ko ang tenga ko at nagtaklob ng kumot.

"Bumangon ka naaa! Ilang araw na nga lang ang pasok at bakasyon na pero ayaw mo paring bumangon diyan!" saka niya hinihila ang kumot mula sakin.

"Ang sarap sarap pa ng tulog ko Candy eh! Magkikiss na kami ni Seth! Patapusin mo muna akong halikan siya bago mo ko gisingin!" hinihila ko din ang kumot ko mula sakanya.

Tumigil siya kaya happy na ulit ako at maitutuloy ko na ang panaginip ko tungkol samin ni Seth. Sa panaginip na nga lang mangyayari ang mga ganung bagay eh, ayaw pa akong pagbigyan ni Candy.


"Aaaaah! Ano ba Candy?!"
sigaw ko sakanya saka bumangon mula sa kama ko. Buhusan ka ba naman kasi ng napakalamig na tubig! =___=


"Oh? So ready ka nang pumasok?"
taas kilay niyang tanong.


Hays! Wala na rin ako nagawa! Hindi naman ako makapalag sa bestfriend ko na to eh.


*Fastforward* Sa School


"Uy Fin! Haha!" sigaw ni Stanley


"Tinatawa tawa mo diyan? Abnormal!"
sigaw ko


"Mas abnormal ka! May tumigas ka pa na laway sa gilid ng labi mo! Kadiri ka! Hahaha!"
agad ko namang pinunasan yun. Hays! Nanalo nanaman siya. Siya si Stanley ang mortal kong kaaway =__=" He was born to make my day worst. At ang pinaka worst naman sa lahat ay siya ang kambal ng crush ko at ng pinapangrap kong soon-to-be-husband.


Hindi ko nalang siya pinansin at nakinig nalang ako sa teacher namin, atleast medyo may naintindihan pa ako.


Nawala ang concentration ko ng may bumato sakin ng papel, nilingon ko ang likod ko at nakita ko si Stanley na nagpapatay malisya pa. Halatang halata namang siya ang nagbato sakin nun. Kaya binato ko ulit sakanya yung papel kaso. . .


"Bakit ka namamato? Problema mo?"
pakunwari niya pero di naman niya maalis ang ngisi niya.


"Ikaw ang unang namato eh!"
sigaw ko naman


"Miss Faulkner! Ano nanaman to?!"
galit na sambit ng teacher namin. Matandang dalaga ang teacher namin at halatang may gusto siya kay Stanley kaya naman wala akong laban. Landi kasi eh.


"Binato niya po ako ng papel! Hindi ko naman siya inaano!"
parang bata na nagsusumbong si Stanley. Wala akong ibang nagawa kundi biyan siya ng isang death glare +_____+


"Miss Faulkner! Detention now!"
sigaw nung teacher namin saka ko inirapan si Stanley at umalis na. Uuuuurgh! >.<!


Detention Room


"Humanda ka sakin Stanley! I'll make your life miserable! Isang araw habang nagpapakasaya ka ay itatali kita saka kita ipapakagat sa mga langgam! Ipapakalmot kita sa mga pusa at bubuhusan kita ng soda habang nakapatiwarik ka! At hindi pa matatapos dun ang paghihirap mo!" sinasabi ko yan sa sarili ko habang papunta sa detention room. Naisahan nanaman kasi ako nung isang yun! Pinanganak ba yun sa mundong ito para guluhin ako? Ugh! -___- I hate him! I hate him the most! Pagbabayaran niya to! Dahil sakanya madedetention ako!


Binuksan ko ang detention room at parang magic. . . Lahat ng galiit at inis ko sa Stanley na yun ay nawala. Umupo ako sa isang upuan malapit sakanya saka nakinig dun sa parang tulog na nagsasalita na teacher sa harap.


"Oh? Naligaw ka ata?"
tanong niya. Nginitian ko lang siya dahil speechless talaga ako pagdating sakanya.


"Ah! Si Stanley ano?"
he leaned over me ng tanungin niya yan. Tumango nalang ako as a response.


"I thought so."
bulong niya.


"Eh ikaw? Parang mas nakakapanibago sayo na nandito ka."
narinig ko nalang a sinabi ko yan


"Napaaway ako eh."
tipid niyang sagot. Napaaway? Hindi naman siya nakikipag-away huh? Alam ko dahil crush ko siy at dahil nga sa crush ko siya ay MEDYO iniistalk ko siya. Medyo lang naman.


"Kanino? Bakit?"
tanong ko. Uchusera genes! Naku! Ayaw niyong tumigil >.<!


"A-ah. Basta."
sabi nalang niya.


Nagkwentuhan nalang kami doon. Halos wala naman akong maintindihan dun sa sinasabi nung teacher sa harap eh. So why bother diba? Nilagay ko na rin sa "Things to do today" ko ang pasalamatan si Stanley. Kung hindi dahil sakanya, hindi ko makakusap si Seth. Ayos din pala siya. Haha >.<! Kaya ipagpapaliban ko muna ang pagsasalvage ko sakanya.

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon