DT C15 - How To Court

321 7 2
                                    

"So, paano ka ba ligawan?" tanong niya. Bigla akong napangiti habang pinipigilan ang tawa ko. Hindi lang kasi ako makapaniwala na si Stanley Macfarlene talaga ang kaharap ko. Kinuha ko ang bag ko saka iniabot sakanya sabay tayo. 

"Anong gagawin ko dito?" tanong niya sabay tayo.

"Ang mga manliligaw, hinahatid ang nililigawan nila pauwi habang buhat buhat ang bag niya." taas noo kong sabi.

"Kaya mo namang buhatin eh!" inis na reklamo niya

"Nagrereklamo ka?" mataray na tanong ko.

"Ah, hindi po. Sabi ko nga eh, kung gusto mo buhatin na din kita!" tanong niya.

"Wag na, manananching ka lang eh!" saka hakbang palayo.

"Saglit lang! Hintayin mo naman ako!" binilisan niya ang paglakad para masabayan ako.

Siguro nga kailangan ko siyang bigyan ng chance. Parang wala din naman kasing patutunguhan ang pagnanasa,  I mean pagtingin ko kay Seth. Sabi nga ni Billy, minsan pag sinasabing tumingin tayo sa kaliwa ay napapatingin tayo sa kanan, nagbubulag-bulagan tayo.

(Billy is a character from my One Shot Story "The Girl In His Songs". Magkapagparinig lang! *wink*)

Hindi kaya si Stanley ang nasa kaliwa? Pero para makita kung papasa nga siya ay kailangan ko siyang pahirapan! Habang naglalakad kami pauwi ay salita ng salita si Stanley habang ako ay nagbibingibingihan. Sabi nga ni. . .  Sino na ba nagsabi nun? Basta ang sabi niya, Kailangan ng tiyaga para may nilaga! Hahaha :D Ang talino ko atah ngayon! Ang dami ko nasasabi >.<

"Hoy! Nababaliw ka na ba? Ano nanaman pinag-iisip mo at para kang nakainum ng droga kung makangiti diyan?" tanong niya kaya agad kong itinago ang pagkakangiti ko at nagseryoso ang mukha.

Dumating kami sa bahay ng iabot niya sakin ang bag ko at sinabing "Goodnight, Alis na ako" habang may napakasarap na ngiti ang ibinigay niya sakin. Halos mawala ako sa sarili sa ngiti niyang iyon, buti nalang at natauhan ako. Hindi pa siya nakakalayo ng tanungin ko sakanya. . .

"Saan ka pupunta?"

Agad siyang napalingon. Halata sa mukha niya ang pagtataka.

"Akala ko ba gusto mo akong ligawan?" tanong ko. Humakbang siya palapit sakin.

"Kung gusto mo akong ligawan, dapat kay kuya mo tanungin. Wala si mama kaya siya ang kausapin mo." pilit kong pinipigilan ang ngiti ko. Hindi naman sa makaluma ako pero gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang kakayanin niya. Halata sa mukha niya ang pagkagulat, bukod siguro sa una DAW niyang manligaw at maging seryoso ay sa isa pang loko loko na tulad ko siya napunta. Hihi~ Bawi naman sa ganda ih!

 Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at kahit hindi ko pa siya inaayang umupo ay nagfeel at home pa ang loko. Dapat kinakabahan siya diba? Nakakaloko naman toh! Mahirapan ka naman! 

"Oh Stanley! Kamusta ka bro?" sabi ni kuya sakanya sabay high five. Umupo si kuya sa tabi niya na para bang magkapatid sila. So ganun? Ako ang maiitsapwera dito? Ganun? Akala ko pa naman kakampi ko si kuya!

"Ayos lang naman kuya!" KUYA? Capital K-U-Y-A?! Makakuya feeling close?!

"So bakit ka napapasyal?"

"Ah. .  Eh. .  kukunin ko sana ang permission mo kuya na ligawan si Fiona" napalunok si kuya at napatingin sakin kaya naman agad akong nagtago. 

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon