DT C16 - Kuya's Answer

329 7 0
                                    

"HAHAHAHAHA!" rinig kong tawa ni kuya.

"Sigurado ka ba sa pinapasok mo bro?" tanong ni kuya kay stanley habang tumatawa. Ano nanaman kaya ang pinag-iisip nitong kuya kong ito at tinwanan ang manliligaw ko? I mean, soon to be manliligaw ko :3

"Oo naman!" taas noong sabi ni Stanley. OMG, medyo kinilig ako dun ah ^___^/

"Kahit na mukha siyang big foot!" dagdag niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko at lumapit sakanya.

"Talagang pinagkumpara mo ang mukha ko sa paa? Sa malaking paa?!" inis kong sigaw sakanya. Saan ka ba nakakita ng gustong manligaw na nilalait ka? Urgh! -.-\

"HAHAHA! Diba ang magandang relasyon ay nagsisimula sa trust? Dapat hindi ako nagsisinungaling para I can earn your trust." paliwanag niya at nagtangkang hawakan ang kamay ko pero dahil hard to get ako ay inilayo ko ang kamay ko sakanya. 

"Pinapayagan na kitang manligaw Stanley!" nakangiting sabi ng kuya ko sabay tapik sa may balikat ni stanley.

"Huwaaaat?! Pagkatapos niya akong laitin, pabor ka sakanya?" inis na tanong ko

"Totoo naman kasi ang sinabi niya!" depensa ni kuya

"Na mukha akong paa?" inis kong tanong. Akala ko, finally mawawala na ang pangbubully saking ng lokong stanley na ito, pero mukhang nakahanap pa atah siya ng kakampi.

"Maiwan ko na muna kayo, hahahaha!" sabay alis ni kuya. Iiwan pa alaga ako sa mokong na ito? Tch, sarap imurder ng lalaking ito. Napaka-bipolar. Ang sweet kanina eh, okay na sana.

Tumayo si Stanley at nilapitan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero para siyang multo, kasi tumataas ang balahibo ko habang papalapit siya. At parang nasa freezer ngayon ang mga kamay ko. Inilapit niya ang labi niya sa may tenga ko.

"So, paano ba yan? I'm officially courting you." bulong niya at ramdam ko ang pagngit niya habang sinasabi ito. Hinarap ko siya at saka binigyan ng matamis na ngiti. Tinitigan ko siya sa mata at tulad ng ginawa niya ay inilapit ko rin ang labi ko sa may tenga niya.

"You know what Stanley, hindi kailangan pang patagalin ang panliligaw mo eh." bulong ko.  Nanlaki ang mata niya sa gulat at tinignan lang ako. Tila naghahanap ng sagot, nginitian ko nalamang siya.

"Ang ibig mong sabihin, tayo na?" tanong niya ng may napakalaking ngiti. Nagmukha tuloy siyang aso :3 HAHAHA

Kumunot ang noo ko at nagkunwari akong nagtataka "Ha? Bakit magiging tayo?" tanong ko. At tulad nga ng inaakala ko ay mas lalo siyang naguluhan.

"Diba sabi mo hindi na kailangan pang patagalin ang panlilgaw, edi sinasagot mo na ako, diba?" nagtatakang tanong niya.

"Ikaw talaga, kung ano ano iniisip mo! Bakit pa ba kasi papatagalin panliligaw mo kung babatedin din kita, diba? Kaya you're officially basted!" nang-aasar kong sabi sabay lakad palayo pero agad niyang nahawakan ang braso ko.

"Niloloko mo ba ako?" tanong niya na parang tuta XD

"Yun na nga eh, ayaw kitang lokohin kaya basted ka na!" asar ko ulit sakanya.

"Umayos ka nga!" inis na sabi niya.

"Alam mo kasi Stanley, ang gusto ko, hindi sinasabing manliligaw siya. Dapat ginagawa. Saka hindi kita masasagot kasi di maganda boses mo, ang gusto ko yung haharanahin ako. Kaya Minus pogi points na yun sayo." totoo lahat ng sinabi ko sakanya.  Binitawan niya ang pagkakahawak sa braso ko.

"Ah, ngayon alam ko na." malungkot niyang sabi saka umalis. Kahit na totoo lahat ng sinabi ko, sobrang guilty ko kasi I think I went too much. OMG!!! Bakit ba kasi sobra kong fineel ang pagpapahard to get? -.-

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon