DT C03 - Tied Up

502 16 4
                                    

"Problema nun?" tanong ko kay Candy.

"Ay! Hindi ko alam kung sino sa inyong dalawa anng may topak eh! Kung ikaw ba o siya!" sagot naman niya. Uhm, okay?

"Connect? Gulo mo din kausap Candy! Hmp. Baka natatae lang yun! Ayaw niya sabihin kase nahihiya siya! Tas umalis siya kase di na niya talaga mapigilan! HAHAHA"

"Hays! Ang manhid mo talaga bespren!" napafacepalm nalang si Candy

"Teka, pano naman nasali yung pagiging manhid? Connect na naman nun?! Ganyan ba talaga pag masyadong nag-aaral! Ganyan ang side effect?! Buti nalang at-" di ko na naituloy pa ang sasabihin ko.

"Hay! Ewan ko sayo!" ang weird naman ng babaeng to ngayon! Nakadrugs ba siya?

Candy's POV

May POV agad ako! Ayieee! Mahal na mahal talaga ako ni mama author. Anyway, hindi lang ako isang typical na bespren sa kwentong ito. Dahil ang hindi nila alam ay gustong gusto kong naglalaro. I wanna play games. Parang yung game na ginawa ko kay Saraficka Grey, inis ako sa babaeng yun eh kaya naisip ko si Knight Anderson, ang Playboy ng school.

( That's my other story. "FORBIDDEN CRUSH". Check it out )

Ito namang bespren ko masyadong obsess kay Seth. At dahil I wanna play games, mukhang mas masaya kung magiging sila nalang ni Stanley. Hehe ^___^ Don't hate me readers! Saka feeling ko naman may gusto rin sakanya yung mokong na yun, nagpapaka-astig lang para di mabisto.

Hindi ko talaga magetslalu ang mga tao ngayon. Ang hihirap nila ifigure out. As in, kung gusto mo, then go! Bakit andami nilang pakeme keme? Pinapahirapan lang nila ang mga layf nila ey! Nababakla na tuloy ako dahil sakanila.

Kaya naman ngayong hapon ay naisipan kong makagawa ng paraan para maunpisahan ko ang plano ko. Yung silang dalawa lang ang matitira. Walang ibang tao sa mundo kundi sila lang. Now I know cliche na ang malalockan sa pinto o kaya naman mai-stranded kase umulan kaya ayoko nun, I want something unique pero effective. Wag niyo akong isusumbong kay Fiona huh?! Hehe! Satin satin lang ito.

Fiona's POV

"Fiona! Fiona! Tikman mo toh! Ang sarap!" sigaw sakin ni Candy sabay subo nung. . . Ano ba tong pinakain niya sakin? Ang sama ng lasa. Pwe!

"Masarap ba? Masarap?" tanong niya

"Uhmmm. . ." hindi ko pa siya nasasagot ay bigla nalang akong nahilo. Grabe naman, sa sobrang sama ng lasa nito nahihilo na ako. Umiikot na ang paligid ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

-.O

Minulat ko ang mata ko at nakita ang soccerfield namin. Gabi na at ang tanging ilaw nalang ay ang mga poste dito sa iskul. Buti nalang may katapat na poste itong pwesto ko. T-teka?! Paano ako napunta dito? Tatayo sana ako pero di ko magawa. Tch. Bakit ako nakatali?! May dumukot ba sakin?!

"Tulungan niyo ako! Tulooooong!" sigaw ko

"Tumahimik ka nga! Ang ingay ingay mo! Para kang palaka diyan!" nagulat nalang ako ng isigaw sakin ni Stanley yun. Nasa tabi ko pala siya?! Bakit pati siya nakatali?! Bakit sa lahat ng pwede kong makasamang makatali siya pa? The last person I'll ever think of pa. Susmaryosep naman oh!

Bakit ba kami nakatali sa puno?!

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon