YL 6

252 103 11
                                    

WHO YOU?

Ayen's POV

Kriiiiiiiiiiiiiiiiing!! Tunog ng alarm ko.

Umaga na naman pala. Kaya bumangon na ako at dumeretso sa banyo para maligo. Nang makaligo na ako, nag-ayos na ako ng sarili at bumaba ng hagdan para mag-almusal.

Pagkatapos kong mag-almusal, umalis na ako sa bahay.

Ang bilis talaga ng panahon. 2 months na pala ang lumipas magmula nang makilala ko ang taong bumighani sa puso ko, ang taong umiba ng buhay ko, ang taong pinakaaadikan ko at ang taong hinihintay ko ang kanyang sagot na "Oo". Pero joke lang yun! Paano ko siya mapapasagot ng "Oo" kung ni Hi/Hello, 'di ko pa masabi sa harap niya. Natotorpe eh! Problema naming mga gwapo. Kaya intindihin niyo na lang ako.

Pagkarating ko sa classroom namin sakto naman kararating rin ni Sir de Lara.

Pagkaupo na pagkaupo ko bigla namang nagsalita si Sir sa harap.

"Okay class! Bring-out a ¼ sheet of paper. Magququiz kayo today about sa klinase natin kahapon. Okay number 1. Blah...Blah...Blah..." Mr. de Lara

Nung mapatingin ako sa tabi ko. Hala wala pa si Drey.

"Sir! Wait lang! Wala pa si Drey." Sabi ko sa isipan ko. Nahihiya kasi akong sabihin kay Sir eh.

After ilang minuto, dumating rin sa wakas si crush at dali-dali siyang umupo. Nakita niya kami sigurong nagququiz. Haha.

But there's something that bothers me, kanina pa 'tong katabi ko na hindi mapakali. Ano kayang hinahanap niya? Kanina pa kasi siyang halungkat ng halungkat sa loob ng bag niya.

"Ano ba naman 'yan? Ngayon pang kailangan kita, ngayon ka pa nawala. Kainis naman!" Pabulong niyang sabi habang naghahalungkat sa loob ng bag niya. May papel na naman siya? Ah baka ballpen yung hinahanap niya. Tama! Ballpen nga siguro.

Kaya bilis ko naman kinuha yung extra ballpen ko sa bag ko. Pasalamat siya Boy Scout ako. Laging handa! Hahaha.

"Oh! Gamitin mo muna ito." Pabulong kong sabi sa kanya.

"Salamat!" Sagot niya naman sabay abot ng ballpen na binibigay ko.

"Hindi man lang niya ako tinignan. Ansaket! Ang sakit-sakit. Huhuhu." Huy Ayen! Anong kadramahan yan? Para kang bading. Umayos-ayos ka nga. Baliw! Hala! Si konsensya, umeksena?

Mabuti na lang at mabait si Mr. de Lara at inulit niya yung mga questions na hindi naabutan ni crush kanina. Pagkatapos ng maikli naming pagsusulit, nagpatuloy na si Sir sa pagdi-discuss ng aming lesson.

"Okay class please listen, hindi ko na 'to uulitin pagnasabi ko na." Sir

Haist! May hindi ko na 'to uulitin pang nalalaman si Sir. Ba't di na lang niya sabihing natatamad lang siyang i-repeat yung sinabi niya kanina. Tsk! Kaya tumahimik na lang kami agad.

"Dahil sa malapit na ang First Periodical Exam niyo, eto ang magiging project niyo this grading period." Sabi ni Sir de Lara habang nagdi-distribute ng flyers.

Nako! Eto na naman ang kinaiinisan ko. Project!? I hate doing projects.

"Okay para mas maintindihan niyo. You will be having a group project. Yun nga lang it should only consist of two members. Kaya ako na lang ang mape-pair sa inyo. Is that clear?" Sir

"Yes Sir!" Sagot namin.

"Okay! Kung ganun malalaman niyo bukas ang magiging kapartner ninyo. About naman sa project niyo. Gagawa kayo ng isang scrapbook na naglalaman ng mga pictures, sketches, etc.. ng mga Physicist at ang kanilang naicontribute. Basahin niyo lang yung ibang instructions sa flyer na binigay ko. Okay. You're dismissed." Mr. de Lara

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon