PHYSICAL FITNESS TEST
Ayen's POV
Hanggang ngayon hindi ko aakaling magre-reply si Drey. Ni hindi ko nga sinabi kung sino ako. At dahil sa excitement na aking nadama kagabi, hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Kaya sa huli hindi ko siya nareplyan. Buti na lang at hindi ko siya nareplyan kasi hanggang ngayon 'di ko pa alam kung ano itetext ko. Psh!
Don't worry Ayen my next time pa naman. Tiwala lang. Sabi ng konsensiya ko. Buti pa 'tong konsensiya ko suportado sa mga ginagawa ko.
What if I will tell the truth na ako ang nagtext sa kanya? Is she going to text me back? O kaya nama'y sasabihin ko na lang yung about sa project namin? Ang hirap kasing mareject noh? Lalo na kung ang taong nangreject sa iyo ay ang taong gusto mo. Rejection is another form of not giving you any importance. Haist! Kung anu-ano mga sinasabi ko.
Oo, tama, yun na lang. Sasabihin ko na lang yung about sa project namin para hindi niya mahalata na may isa pa akong gustong gawin para sa kanya at iyon ay ang tinatawag kong "Operation: Please Love Me Drey". Ang corny noh? Bakit ba? Trip ko, pipigilan niyo. Suportahan niyo na lang ako. Please! At tsaka kaya ko talaga pinakuha yung cellphone number ni Drey kay Angelo ay para sa project talaga namin. Ang gulo ko!? Tssk!
Mabuti na lang at nakisama ang tadhana at kami ang pinagsama. Oh di ba magkarhyme? Hahaha. Matagal ko na rin kasing gustong hingin yung cellphone number niya but sad to say, nahihiya ako eh o kaya naman ay talaga lang na natotorpe ako pagdating sa kanya. Tssk! Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko? Parang hindi ako 'to ha?
Pagbangon ko sa aking kama, dumeretso na ako sa banyo at naligo. After taking a bath, nag-ayos na ako at bumaba na ako sa hagdan pagkatapos para pumasok sa eskwelahan.
Ayen! Halika! Kain ka muna. Sabi ni mama. Nakita niya siguro akong pababa ng hagdan.
Hindi na Ma, sa school na lang ako mag-aalmusal. Male-late na kasi ako eh. Sabi ko na lang at bumeso sa aking ina tsaka ako pumanik papunta sa aking kotse.
-----
Oh my! Girls! Nandito na si Papa Ayen! AAAAAHHHHHHH!!!!! Sigaw ng isang babae habang papasok ako papunta sa aming classroom. Pati na rin yung ibang babae nakisabay na rin sa pagtili. Ba't kasi ang layo-layo ng room namin dito sa gate? Ayan tuloy nag-i-ingay na naman 'tong mga Higad-chii. Nakakasira sila ng araw. Bwiset! Hanggang sa makapasok na rin ako sa aming classroom, dun lang sila tumigil sa pagtili.
Pagka-upong-pagka-upo ko nakita ko naman agad si Drey na nakapatong ang ulo sa arm chair ng kanyang inuupuan. Pareho pala kaming takaw-tulog! Hahaha. Meant-to-be kami siguro.
Habang tinititigan ko siya, may naalala naman ako bigla. Kaya kinuha ko na. TADA!! Ang mahiwaga kong cellphone. Rereplyan ko na siya. I will conquer my fear. Fear of rejection. Hahaha.
To: Drey <3
Hi! Good Morning :-)
*sent*
Ayun! Naisend ko na. Nakita ko naman si Drey na kinakapa ang kanyang bag. Natanggap na niya siguro yung text ko. At dahil sa nakita ko bigla naman akong kinabahan. Ano kayang irereply niya? Say "NO" to rejection.
Drey's POV
Until now, there's no reply from the person who texted me last night. Eh tinatanong ko lang naman kung sino siya. Ano bang mahirap sa tanong ko? "Who you" lang naman yun. Buti sana kung "Give me the history of your name, 5 - 10 sentences, in paragraph form." ang tinext ko, kahit 'di na siya magreply. Okay lang sa akin. Pero yung "who you?" lang? My gosh! He's/She's getting into my nerves.
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionHindi nagsisi na lumipat ng paaralan si Andreya Cortez dahil dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang puso, si Ayen David Sarmiento. They are in love with each other until there's a problem came into their relationship that made a big chan...