YL 3

433 108 16
                                    

FLASHBACK

Drey's POV

Sige pa Higad-chii girls, tili pa! Maputol sana yang mga vocal chords niyo kakatili. Sakit na sa eardrums ha. Hindi pa ba kayo nagsasawa sa kakatili? Ha? Buti sana kung mala-Mariah Carey kayo sa pagtili, edi kahit bukas pa kayo tumigil. Okay lang sa'kin. Sa'min.

Sakto namang napatingin ako sa pintuan kung saan yung mga HCG. At maypapasok na....

"Oh my gulay..Tsalap..Tsalap.." Pabulong kong sabi. Kaya naman pala sila nagtitili. Sorry HCG for the words. Haha. Sana sinabi niyo nalang kanina para hindi na ko nakapagsalita ng masama laban sa inyo. Pardon me. Hehehe. Edi sana, nakijoin force na rin ako. Para mas malakas. Haha

"Oh! Ba't ka natulala diyan?" Pambabasag na tanong ni Alex sa akin na natulala.

"Ah? A-Anong tulala-tulala ka diyan? Sinong natulala? Ako?" Maang-maangan kong tanong sa kanya. Hello! Siya kayang makakita ng napakagwapong nilalang. Baka maglalaway na rin siya noh. At tsaka, oo, friends na kami ni Alexander Castro. Mabait naman siya, hindi boring kausap at masarap kasama, ano pa ang hahanapin ko sa isang kaibigan nasa kanya na lahat.

"Oo" Sagot niya naman.

"Tignan mo nga oh pati panty mo nahulog na. Hahahaha" Pinagsasabi nito? Napatingin naman agad ako sa paanan ko. OMG! Tama siya, yung panty ko nahulog. Hala! Nakakahiya. Kaya binilisan kong pinulot para wala ng makakita pa. Hahaha. Pero joke lang yun. Paano mahuhulog yun panty ko aber? Eh nakashorts ako.

"Arrouchhh!!! Combination of aray and ouch. Bakit mo ko binatukan hah?" Reklamo ni Alex.

"Bagay lang sa'yo yan! May papanti-panty ka pa kasing nalalaman diyan. Eh nakashorts ako!" Pagsusuplada kong sago

"Eh ba't mo tinignan sa baba kung nakashorts ka nga?" Tanong niya.

"Para sure. Malay mo nahulog talaga. Hahaha" Sabi ko sabay tawa. Hindi ko na napigilan. Oo nga no? Bakit ko kaya tinignan? Tanga lang!

Back to reality. Ayun si Mr. Handsome oh papunta dito. Oh mamay! Hindi ko na kaya! I want to release this hotness of mine that circulates into my body na. Eto na siya! Malapit na siya sa akin. One meter away ng... oh my... oh my...

"AAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!" Napatili na ako.Hindi na kinaya ng katawan ko. Hihihihi. And take note, nasa akin na naman ang atensyon ng lahat. Certified attention getter nga naman. Triple check.

"Bullsh1t! What a loud voice! Ansaket mo sa tenga. Bwisit!" Pagmumura ni Mr. Handsome.

OMG! Kinausap niya ako. I'm gonna die! Kinikilig ako. Hihihih.

"S-S-orry!" Nahihiyang pagpapaumanhin ko with blushing face.

Eskandalosa Queen! Ako na yata 'yan! Sa sobrang hiya ko, lumabas na ako sa canteen. Sumunod naman sa akin si Alex. Pero napi-feel ko pa rin yung init sa mukha ko. Hhihihih. Nakakahiya talaga yung ginawa ko.

♡♡♡

Ayen's POV

"Ang gwapo niya talaga bes!"

"Oo nga bes. Hihihi"

"Swerte naman ng girlfriend niya noh."

"Hallerr! Ako kaya girlfriend nyan."

"Spell ASA girl!"

Ang hirap talaga maging gwapo. Tsssk. Ganyan na lang parati yung mga naririnig ko. Wala na ba silang alam na sabihin? Nakakasawa na.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon