SLEEPING TIME!
"Drey may hindi ka ba nasasabi sa akin tungkol sa inyo ni Ayen?" Tanong ni mama nang makaalis na si Ayen sa harapan namin.
Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay mama. Baka pagalitan niya ako. My gosh! Drey ano 'tong pinasukan mo?
"Ummm... M-ma... So....sorry." Sabi ko sabay yuko. Nahiya ako bigla. Naramdaman ko namang may yumakap sa akin.
"Ba't ka naman nagsosory anak? Masaya nga ako eh na kayo na ni Ayen. Lalo pa't siya ang nagsabi sa akin. I really loved Ayen for you. For sure, aalagan ka niya at poprotektahan. Kaya okay lang. Wag kang magsorry anak." Nakakatouch naman si mama. Akala ko papagalitan na niya ako. Mabuti na lang hindi. Kaya mahal na mahal ko si siya eh.
"I love you ma!" Sabi ko sa kanya at hinalikan sa pisngi. Kahit yun man lang ang magawa ko to say my 'thank you' for her.
"I love you too anak. Basta kung saan ka sasaya, dun din ako." Mama said.
"Nakakainggit naman kayo." Singit ni kuya na galing sa kusina.
"Halika dito Andrei, sali ka." Aya ni mama sa kanya. Agad namang lumapit si kuya at sumali sa yakapan namin. Namiss ko 'to. Sana meron din dito si papa. Namimiss ko na siya.
"Matulog na kayo. Nandiyan na si Ayen." Sabi ni mama pagkatapos naming magyakapan.
"Sige ma, good night!" Sabi ko sa mama ko and gave her a quick kiss on her cheek. Ganun din sa kuya ko. I missed my kuya so much.
Agad namang sumunod si Ayen sa akin paitaas. Pero wait san naman 'to matutulog?
"San ka matutulog Ayen?" I asked him. Syempre baka kasi tatabi siya sa akin eh di pa ako ready. Este di ko gusto noh, baka kasi pagagalitan ako ni mama. At saka isa pa, nandun na yung mga friends ko. Crowded na yung room ko.
Guest room! Tama sa guest room na lang siya. Ang talino ko talaga. Mabuti na lang naisip ko yung guest room. Napakalawak yung ngiti ko sa naisip ko, mabuti na lang talaga, pero bago ko pa siya masabi sa kanya yung naisip ko sumagot na siya na nakapagbago sa aura ko. Hindi maaari!
"If you don't mind sa kwarto mo ako matutulog at aware na si mama dun." Sagot niya at nauna na siyang pumasok sa kwarto ko. Ano kayang pinakain niya sa mama ko at napapayag niya? Hay! Nakakasakit ng ulo. Paano na ito?
Pwes! Magpapatulong ako kay kuya. Yes! Tama! Si kuya siguro ang makakapagpaalis sa kanya sa kwarto ko. Ang talino ko talaga. I can find ways para mapaalis siya. Agad naman akong nagtungo sa kwarto ni kuya. Syempre kumatok ako no. Nakakahiya naman kung papasok na lang ako na hindi nagpapaalam. Sign of respect din yun. Privacy ganun! Nang marinig ko yung approval ni kuya na pwede na akong pumasok edi pumasok na ako. Alangan namang susunduin pa niya ako sa labas ng kwarto niya. Ako na nga 'tong mang-aabala sa kanya. Hay! Sakit sa ulo kasi yang Ayen na 'yan eh.
"Anong maipaglilingkod ko sa maganda kong kapatid?" Bungad niyang tanong. Ako namang si ateng mabilis na maniwala, ayun naging pabebe ako. Haha. Syempre minsanan lang 'yang kuya ko kung mag-appreciate.
"Thank you kuya. Kaya lalabs kita eh." Sabi ko at mabilis na yinakap ang kapatid ko. Pero si kuya, tawa nang tawa. Ano naman ang nakakatawa aber?
"Naniwala ka naman? HAHAHA" Ani niya at lalo pa siyang tumawa nang tumawa nang tumawa nang tumawa. Ayun nawalan ng hangin ang lungs niya, patay! Buti nga sa kanya. Hahaha. Pero biro lang.
Bigla naman siyang tumigil nang makita niyang seryoso na ang mukha ko. Ready to cry! Ipapakita ko sa kanya ang acting skills ko. Haha. Para tumigil na siya. At ayun effective naman. Haha. Sinong sira ngayon? Belat!
![](https://img.wattpad.com/cover/28945287-288-k356286.jpg)
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionHindi nagsisi na lumipat ng paaralan si Andreya Cortez dahil dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang puso, si Ayen David Sarmiento. They are in love with each other until there's a problem came into their relationship that made a big chan...