YL 22

96 67 2
                                    

Talk in Private

Monday again. As usual, nakapapansin mode na naman ulit ako. I can't make myself na tutunganga na lang sa isang tabi without doing anything lalo na't until now, wala pa ring improvement sa pagcha-chase ko kay Ayen.

Manhid ba siya? Hindi niya ba nakikita ang mga ginagawa ko just to get him back? Or he's giving up on me? Wala na ba talaga? Kahit ayoko mang isipin, parang yun ang nakukuha kong sagot sa mga actions niya.

But...

I'll still chase him. Kahit nabubwisit na siya sa akin. Mahal ko siya kaya gagawin ko ang lahat.

"Bes, you're spacing out again. Ilang araw ka nang ganyan." Lei said in a concerned tone. Buti pa sila, walang problema. Kung bakit natamaan kasi ako nang husto sa lalaking yun e. But I'm glad of it kung di dahil sa kanya hindi magiging ganito ang buhay ko ngayon, mas inspired sa pag-aaral.

"Si Ayen na naman ba?" Tanong ni Yohan. Tumango na lang ako bilang sagot. I don't have the power to speak. Wala ang nagbibigay ng lakas sa akin ngayon.

"Don't worry sis... he's okay. Katext ko nga o." Alex said and show his phone to us. Meron nga siyang text. Buti pa 'to ni-rereplyan niya. Ako na girlfriend niya, hindi. He's being unfair na huh.

"Buti ka pa." I said at tumayo na and leaving them. I can hear Yohan tease Alex but I don't care. Nagseselos ako. May time siyang magreply sa iba pero sa akin wala.

"Why did you left us in the cafeteria huh?" Samantha asked ang makarating sila dito sa classroom namin. Tapos na rin kasi ang lunchbreak.

I just ignore her the way Ayen ignores me. Damay-damay na 'to. Just kidding. Ayoko namang idamay ang mga friends ko sa kung anong meron sa amin ni Ayen ngayon.

"Wala lang. What will I do there? Tapos ko na rin naman yung kinakain ko kanina. And one thing more, ang iingay niyo. I want a quite place to think." I answered.

"To think, what? To think on how to chase Ayen?" She said at lumapit siya sa akin.

"Halika dito Drey. Let me help you. Hihihi." Samantha added with excitement in her voice.

"How?"

"Atat naman nitong babaeng 'to." Reklamong sagot ni Samantha. Syempre, gusto ko nang malaman para maisagawa ko na yun.

At ayun sinabi ni Samantha yung ideas niya on how to chase Ayen, pero ayoko. I will never ever do the things she said.

-----

"Drey bilisan mo. Hinihintay ka na ni Grae sa labas." Tawag sakin ni mama sa labas ng kwarto ko. At ano ang sabi ni mama? Si Grae nasa labas? Bakit?

"Ang tagal mo naman anak. Kaya pinapasok ko muna si Grae dito." Sabi ni mama nang makababa na ako galing sa kwarto ko. Totoo nga, nandito si Grae.

"G-Good Morning An-An." Bati sa akin ni Grae nang magtama ang aming mga mata. I just give him a timid smile.

"What are you doing here?" I asked him.

"I'm going to petch you. From now on, ako na ang maghahatid at susundo sayo to school." He said with full smile. Ngiting-ngiti huh. Anong meron?

"Thanks. Pero wag na. Nakakaabala pa ako." I said.

"Hindi. Ano ka ba." Sabi niya sabay hampas sa akin. Lintik ang walang ganti kaya binatukan ko siya. Ang sakit kaya nang hampas niya.

"Ano let's go?" Tanong niya sa akin after akong makakain ng agahan.

Ah alam ko na kung bakit... kung bakit siya nandito, para makikain. Naku si Grae talaga. Sinabi na lang sana niya sa akin para hindi na ako tumanggi sa alok niya. Kapalit sa kakainin niya yun. Sasabihin ko na lang mamaya sa kotse na papayag na ako sa alok niya. Libre gas rin yun. Hindi pa ako mang-aabala ng driver namin.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon