PROJECT
DREY'S PoV
"Drey.....Ma.....Ma"
Eto na! Eto na! Sasabihin niya ng mahal niya ako. Hihi. Sabihin niyo sa akin panaginip lang 'to. Kinakabahan ako. Eto na talaga. Pag-aamin na siya, sugod agad. Hahaha
Dapat wala tayong sinasayang na pagkakataon.
"Drey... M-May muta ka. Hahahahaha." Ayen said while laughing. Palakang may paa! May muta? Ako? Oh my, nakakahiya! Akala ko pa naman mahal na niya ako. Sasabihin lang pala niyang may muta ako? Asan ang hustisya dun?
Ayoko na! Ayoko ko ng mag-expect. Expectation kills nga naman. Ansaket sa bangs!
"A-Ahmm.. Wa-Wala naman ha." Sabi ko sa kanya habang pasimpleng tinatanggal yung muta ko. Tama siya, may muta nga ako. Eeeeh! This is so embarrassing!
"Meron kaya.. kanina. Hahahahaha. Bago mo tinanggal. Hahaha." Wow ha. Bubulong na nga lang maririnig ko pa. Haay buhay!
"Sige tawa ka pa." Seryoso kong sabi. Kala naman niya natutuwa pa ako sa mga sinasabi niya. At tsaka hindi pa kami close no kaya 'wag siyang ganyan.
Ano ba kasi sasabihin nitong mokong na 'to?
"Ano ba kasing sasabihin mo at pinapunta mo pa ako dito?" Tanong ko sa kanya. If I know gusto lang niya akong makita. Hahaha.
Opps! Drey magtigil-tigil ka diyan. Di ba sabi mo wag mag-expect? Panindigan mo. Expectations may lead into disappointments.
"Wala ka bang naaalala?" Tanong niya. Naaalala? Tatanungin ko ba siya kung may naaalala ako? Hindi ko naman birthday, hindi rin naman niya birthday. Mas lalong hindi naman namin monthsary ha. Di pa nga siya nanliligaw, monthsary agad? May gudnes greysyus! Ano kaya?
"Pwede ba sabihin mo na lang? Sumasakit na 'tong ulo ko kakaisip." Pagsusuplada kong sagot.
"Okay fine. Yung project natin sa Physics. Ano nakalimutan mo na?" Sabi niya. Ay oo nga no? Oh shocks. Buti na lang pinaalala niya. Malapit na rin pala yung deadline nun.
"Ay oo nga no? Hehe. Buti na lang at ipinaalala mo sa akin. Eh! Ano ba gusto mong mangyari dun sa project natin? Like anong ilalagay? Yung cover, ano ang gusto mong gamitin? Or are we going to buy na lang yung ready made na scrapbook? Para less gastos? Ano?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.
"Wait! Can you slow down from asking questions? Mahina ang kalaban." Sabi niya.
"Okay fine." Sagot ko.
At ayun, napagdesisyonan naming kami ang gagawa sa cover, everything! Para naman maipamalas namin yung pagiging creative namin. Haha Sayang naman kung 'di namin magagamit yung ibinigay ng Diyos samin na talento. You know!
"Drey, nandito na tayo." Ayen said after niyang pinark yung kotse niya sa gilid ng kalsada. Kaya lumabas na ako sa kotse niya. Infairness, mabango yung loob ng kotse niya.
Nang makalabas na ako, I was stunned sa nakikita ko ngayon. Ang ganda! Ang ganda ng bahay nila at ang laki-laki pa. Mayaman talaga sila. Kung sabagay, kutis palang niya parang di pa nakakagat ng lamok eh.
"Oh natulala ka diyan!" Sabi niya. Hello! Sinong di matutulala pag ganyan makita mo. Nakakahiya kayang tapakan yung floorings nilang napakakintab. Hahaha
"Ah eh. Hindi ah. Hahaha" Sabi ko na lang. Tumawa pa ako, edi sinong baliw ngayon? Edi ako! Hahahaha
Habang papasok kami sa loob. Kinakabahan ako. Hindi ko alam parang nakakatakot kasi yung mga nakatira dito eh. Malay niyo baka kasi hindi ka pa nakakapasok sa main door ng bahay nila pinapaalis ka na nila. Edi nakakahiya pag ganun.
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionHindi nagsisi na lumipat ng paaralan si Andreya Cortez dahil dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang puso, si Ayen David Sarmiento. They are in love with each other until there's a problem came into their relationship that made a big chan...