FIRST MONTHSARY
I'm so excited for tomorrow. I don't know what to do. Wala akong kaide-idea kung ano ang gagawin ko sa first monthsary namin ni Ayen. Yeah! What you read awhile is right! We're going to celebrate our first monthsary tomorrow. Ang bilis ng panahon, ano? Kaya magpapatulong ako sa mga friends ko. Gusto ko kasi siyang sorpresahin. I know na marami ng nangyari sa isang buwan naming pag-iibigan. May tampuhan ng naganap pero mas marami ang kiligan. Kaya nabansagan na kaming 'Sweetest Couple' sa aming eskwelahan. Meron na rin kaming fans club. Hindi ko nga alam kung bakit nagkaroon eh simpleng estudyante lang naman kami. Hindi sa nagpapakahumble ako ha pero yun ang pagkakaalam ko. Pare-pareho lang naman kami nang ibinabayad na tuition fee sa cashier. Pero ang pinagtataka ko talaga is, ba't meron kaming bashers? Kung gaano karami ang fans namin ganun din karami ang mga bashers namin. Insecurity reigns with an ugly heart and ugly mind nga naman. Isama mo na rin ang ugly face nila. Duh! As if magpapaapi ako sa kanila. No way, highway!
"So anong plano natin guys?" Alex asked. Nandito pala sila ngayon sa bahay. Pagpaplanuhan na namin ang gagawin bukas.
"I have an idea na but I don't know kung gusto niyo." Sabi ni Samantha.
"Just spill it Sam. We're here to share our plans and suggestions para sa first monthsary celebration nina Ayen and Drey." Lei said. Eto naman ako nakatunganga lang dito sa may gilid. I'm waiting for their final plan. Wala naman kasi akong alam diyan. Of course, first bf ko kaya si Ayen. Kaya hindi ko pa na-e-experience ang magcelebrate ng monthsary.
"Okay fine! Easy lang guys." Protesta ni Samantha sabay taas ng kanyang kamay na parang sumusurrender dahil nakatingin na parang mangangain na ng buhay sina Yohan, Lei and Alex sa kanya.
"As I was saying, eto ang naisip kong gagawin natin bukas." Nagreklamo naman 'tong si Maxene dahil sa hindi itinuloy ni Sam yung sinasabi niya. May pabitin effect pa kasi siyang nalalaman. Tapos yung tingin niya parang nang-aasar. Haist! "Eto naman. Di na makapaghintay."
Buti naman nakauwi na rin yung mga maiingay kong friends. At salamat at natapos din namin yung plano para bukas. Ay mali pala, sila lang pala kasi hindi naman ako tumulong sa pagplano. Nakinig lang ako. Pero sa susunod na monthsary, ako na. Ako na ang mag-iisip ng plano. Nakakahiya naman sa mga kaibigan ko kung every month na lang silang magproblema kung anong gagawin ko para sa monthsary namin.
Pero may problema ako para bukas. Ang baliw ko kasing kaibigan na si Yohan, nagsuggest ba naman ng ikikiss ko daw sa lips si Ayen. Tapos sinang-ayunan naman ng mga sira-ulo kong kaibigan. Haist! Nakakastress! Eh yung paghalik nga niya sa akin nung nakitulog sila dito, hindi na nasundan. Nakakahiya kasi e. Kaya hanggang cheeks na lang siya. Pero bukas may part two na ang pagkikiss namin sa lips? Ehhh. Ayoko! Nahihiya talaga ako. Hindi ko kasi alam e kung mabango yung hininga ko. Okay lang sana kung magmamouth wash muna ako. Haha.
Hoy! Wala akong bad breath para sa kaalaman niyo. Puro kasi seafood yung ipe-prepare namin bukas na kakainin sa date namin.
Hindi ko alam kung may galit yung mga kaibigan ko sa akin. Ang papangit kasi yung mga sinuggest nila. Pero dahil sa mabait ako. In-approved ko na lang lahat.
By the way, dito lang sa bahay yung venue namin. Tamang-tama na wala si mama bukas. Para walang epal.
Back to the topic. Kiss. Ayoko naman na pagdating niya, ikikiss ko na agad. Baka sa kwarto ko ang ending kaya walang kiss muna. Hahaha.
Tama na ang pagproblema ko dito at itulog ko na lang. Maaga pa ako bukas for the preparation. Kaya bahala na ang magagawa ko sa kanya bukas. Pero wala talagang kiss. Good night!
-----
Sunday. September 07, 20XX
HAPPY FIRST MONTHSARY!
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionHindi nagsisi na lumipat ng paaralan si Andreya Cortez dahil dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang puso, si Ayen David Sarmiento. They are in love with each other until there's a problem came into their relationship that made a big chan...