YL 23

97 65 3
                                    

I LOVE YOU

Alex's POV

Ang bilis talaga ng panahon, 4th year na kami. Konting kembot na lang, magmamartsa na kami with the toga and gown sa UA Theatre. Excited na ako!

But what excites me more is, merong naidagdag sa grupo naming magaganda, si Drey. Hindi ko alam kung paano basta one day friend na namin siya. Ganun talaga siguro, walang pinipili ang pakikipagkaibigan. Basta ikaw ay totoo pasok ka sa banga.

Pero naiinggit ako... naiinggit ako kay Drey. Buti pa siya may tinatawag ng lovelife. Ako, nganga. Ang manhid kasi ni crush. Kahit anong gawin ko, wala, wala siyang pakialam. Kahit yata magbigti ako diyan sa tabi, wala pa rin. Eto na yata ang tinatawag nilang one sided love. MU = Mag-isang Umiibig.

Love will make you crazy. Siguro nga pero who cares! As long as mahal ko siya, I'll do everything. Kahit na magmukha akong tanga.

Pero hindi ko alam, nahawaan ko na yata si Drey. Kasi this past few days, nababaliw na yata siya sa pag-ibig, she's making papansin kay Ayen. Oh by the way, Ayen was one of my crushes in the academy. Take note 'was' past tense na so meaning 'di ko na siya crush. Binigay ko na siya kay Drey. Like hello, kung 'di ko siya ginive up, for sure nasa tabi ko pa rin siya. Joke lang. Ilusyon pa more Alex.

Back to the topic, si Drey. Hindi ko alam what happened sa date nila nung first monthsary nila. Basta after nun, hindi na pinapansin ni Ayen si Drey. Nagselos yata ang loko. Based kasi sa kwento ni Drey, nakita daw siya ni Ayen na nakayakap kay Grae. So yun lang? Hindi na pinapansin ni Ayen si Drey.

May iba eh, parang may iba pang rason kung bakit umiiwas si Ayen sa friend ko. I need to find out. Alangan namang yun na yun? Dahil lang sa isang yakap, 'di na papansinin ni Ayen si Drey. May iba siyang rason for sure. I will help them fix this problem they're facing right now. Team DreYen kaya ako. Kaya tutulong ako. Ang sarap kaya nilang panooring magkatabi. Makikita mo sa mga mata nila na mahal nila ang isa't-isa. Sana ganun din kami ni crush kasi mahal ko siya. Ang sakit lang isipin na manhid siya. Hay move on muna ako. Ay mali, i-set aside pala kasi kung move on, 'di ko magagawa yun. Tutulungan ko muna ang friend ko. After nun , saka ko aasikasuhin ang lovelife ko. Hahaha. Wait for me, darling. Tutulong lang ako. By the way ano ang salitang 'move on'? Meron bang ganun? Biro lang.

----

As I'm walking at the corridor. May naririnig akong nagtitilian. Naku, mga Higad-chii girls talaga. Idinadaan ang kilig sa tili. Ayaw paawat. Basta may gwapo, kilig, may macho, kilig. Pero 'pag pangit, nginig? Ang unfair talaga. We should be equal in all aspect. Dapat pantay-pantay lang. Kasi sa mata ng Diyos, we are all equal. Ganun din sana tayo.

Dahil sa likas na tsismosa ako. Tiningnan ko kung sino ang tinitilian nila. At ayun naman pala, si Ayen. Siya na naman ang rason kung bakit nag-iingay ang mga 'to. At sa unahan niya mga sampung metro ganun, I saw Drey and Grae.

In all fairness, consistent si Grae ha. Consistent sa pagsama kay Drey. Kung di ko lang alam na magbestfriend sila, mapagkakamalan ko silang mag-on. Parati silang magkasama eh, since nung 'di pinapansin ni Ayen si Drey. Pero hindi kaya may gusto si Grae kay Drey? Meron ganun 'di ba?

Nakita kong may sinabi si Drey kay Grae, tumango naman siya at umalis. Iniwan niya si Drey na nakatayo. Parang may hinihintay. And I conclude na si Ayen ang hinihintay niya at tumpak, siya nga.

Wow, maganda 'tong panoorin.

Nang magkalapit na sila sa isa't-isa. Ayun di pinansin ni Ayen si Drey. As usual.

So Drey grabbed Ayen's arm. Kaya magkaharap na sila and they talked something, hindi ko marinig.

Super kilig ako sa pinapanood ko. Wala na yata akong maitutulong pa. Dahil sa kiligness overload na nadarama ko di ko napansin na paalis na pala sila. Saan kaya sila pupunta? For sure magiging okay na sila after this. Kailangan lang talaga nilang mag-usap. Yun ang kulang sa kanila. Good communication.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon