YL 12

271 98 8
                                    

PANAGINIP LANG

Krooooouuuukkk!!!!!!! Shooooooooossshhh!!!!!!! Krooooouuuukkk!!!!!!!

Ano kaya yun? Nagmadali akong pumasok sa room niya. Ano kaya yung tunog na yun? Parang galing sa kamang yun ah! Hahaha! Sabi ko na nga ba eh, humihilik pala 'tong si Drey, ang cute niya talaga. Pati hilik niya nakakahumaling.

♥♥♥

DREY'S POV

Sino kaya 'yan? 'Yang lakad ng lakad dito sa kwarto ko? Si Mama na naman siguro 'to. Istorbo naman talaga oh! Hmm.. Antok pa ko eh, sige pikit muna Drey. I don't care if she's goin' to yell at me. Bakit ba? Wala pa naman kaming pasok ngayon? At saka ang aga-aga pa naman. Tsss!

"Ang cute talaga ng hilik niya. Hihi."

"Ummm!" Hinaing ko. Ang ingay talaga ni mama, pabulong na nga magsalita, rinig na rinig pa rin! Pasalamat siya, mabait ako, 'di ko siya binubungangaan ngayon. Di ba may kasabihan na biruin mo na ang lasing, 'wag lang ang bagong gising. Hay! Just ignore na nga lang.

Ang lamig na rin pala, ang lakas kasi ng aircon eh! Nakalimutan kong hinaan kagabi.

Dahil sa linalamig na talaga ako, I asked the person who's here in my room, na siguradong-sigurado ako na si Mama. "Ummm? Mamalabs, pakihinaan nga yung aircon, linalamig na ko, please!"

Naramdaman ko namang humina na, ayan makakatulog na ko ng mas mahimbing.

"Thanks! Love you!" I whispered after she lowered down the coolness of the aircon.

"Love you too." Sagot niya. Napapaos na ata 'tong si mama, para na siyang boses lalaki tuloy! Hahaha

"Hihihi."

Hala! Lumalandi na rin tong mama ko? Makatawa parang inipit ng dalawang naggwagwapuhang lalaki.

Lights on...

Lights off...

Ano ba tong nakikita ko sa panaginip ko? Langit ba to? Parang ang liwanag ng lugar na to ah! At saka sino tong nakatalikod na lalaki sa harap ko?

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.

Unti-unti siyang lumingon. He looks familiar, parang nakita ko na siya before. May dala pa siyang DSLR. Wow! Photographer ang peg!

-Flash-

Aww! Sakit sa mata naman yang flash na yan!

Napapikit ako sa liwanag na yun. Tapos unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Nabigla ako sa aking nakita.

Oh my Ayen!

Sana totoo na lang ito!

"Drey." Tawag niya sakin.

"Yes?" Pabulong na sagot ko naman sa kanya.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ito, kaya lang.."

Kaya lang? Ano yun Ayen? Ano ba yung gusto mong sabihin sakin?

"..sa tuwing nakikita kita, natotorpe ako eh. Di ako makaamin."

Ano ba yung dapat mong aminin Ayen! Sabihin mo na kasi! Kinakabahan na ko sa mga pinagsasabi mo!

"Aaminin ko na sayo, sa harap mo mismo."

Ano ba yun? Aminin mo na ang dapat mong aminin. Aaminin mo ba na may gusto ka sakin? O aaminin mong wala kang gusto sakin? Wag naman sana!

"Inaamin kong may gusto na ako sayo."

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon