CELLPHONE NUMBER
Ayen's POV
"Huy Ayen! Anong iniisip mo diyan? Parang ang lalim-lalim ha." Pang-aagaw atensyon na tanong ni Angelo sa akin.
"H-Hah? Ah wala may naalala lang ako. Hehe" Aniya ko sa kanya.
"Oh! Pagkain mo. Binilhan na kita kanina habang nagde-daydream ka. Hahaha" Sabi niya sabay abot ng pagkain. Hala! Pinagtawanan pa ako.
Nung tapos na kaming magrecess ni Angelo. Pumunta na kami sa susunod naming klase. Sakto namang kadarating lang rin nung teacher namin.
Habang kami ay nagkla-klase. Hindi ko talaga maiwasang mapatingin kay Drey. Ganun rin naman siya eh. Kaya. It's a tie. Hahaha. Ang ganda niya talaga, lalo na 'pag malapitan. Kung exam lang siguro ang pagtitig kay Drey, naperfect ko na.
Hanggang sa matapos ang klase namin sa araw na ito. Ganun ang ginawa ko. Pasulyap-sulyap at patitig-titig.
♡♡♡
Drey's P.O.V.
Hoooh! Ang bilis dumaan ang araw. Magdadalawang buwan na ako sa linipatan kong school. So far, so good naman ang pakikisama ng mga classmates ko. May barkada na rin ako sa wakas. Isa na dun si Alexander. Yung iba naman, don't worry makikilala niyo rin sila in the near future. Hahaha. At syempre si Mr. Handsome, classmate ko pala. Hihihi. I'm so kinikilig na naman. Hindi lang yan, magkatabi pa kami ng seats.
Yun nga lang, siya pala si Nerd. Pero okay lang, atleast, siya na ngayon si Mr. Handsome. I'm so kinikilig talaga.
Pero the sad part is, hindi ko siya nakaka-usap. Nahihiya ako eh. Hihihi. Alam niyo naman siguro na hindi dapat girls ang magpe-first move, di ba?. Dapat push ang pagiging Maria Clara natin noh! Kaya eto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim. Joke lang. Kaya eto ako ngayon, naghihintay ng pagkakataon. Pagkakataon, kailan ka dadating? Hindi na ako makapaghintay. Please naman oh, pakibilisan naman.
Ang dami ko na namang nasabi. Pero sa mga nagtatanong kung ano na ang ginagawa ko ngayon. Eto oh! Nagmamadaling papuntang school. Late na naman. Kaya diyan muna kayo
Pagdating ko sa school. Tinakbo ko na papuntang classroom. Super late na kasi ako. Kayo kasi eh, kung hindi lang kayo nakitsismis sakin kanina edi hindi sana ako na-late. Tsss! Biro lang!
Nang makapasok na ako sa room namin. Hala si Sir de Lara, nagpapaquiz. Kaya dali-dali na akong umupo. Pero sa kasamaang-palad 'di ko mahanap yung ballpen ko. Hindi na nga ako nakapagbasa ng notes wala pa yung ballpen ko.
"Ano ba naman 'yan? Ngayon pang kailangan kita, ngayon ka pa nawala. Kainis naman!" Pabulong kong sabi habang naghahalungkat sa loob ng bag ko. Nang bigla namang may nag-abot sa'kin ng ballpen.
"Oh! Gamitin mo muna ito." Pabulong na sabi ng katabi ko.
"Salamat!" Sagot ko sa kanya sabay abot ng ballpen niya.
Buti na lang mabait si Sir at rinepeat niya yung mga questions na hindi ko naabutan kanina. After our quiz, nagpatuloy na si Sir sa pagdi-discuss ng aming lesson.
"Okay class please listen, hindi ko na 'to uulitin pagnasabi ko na." Sir
Tumahimik naman kami.
"Dahil sa malapit na ang First Periodical Exam niyo, eto ang magiging project niyo this grading period." Sabi ni Sir de Lara habang nagdi-distribute ng flyers.
"Okay para mas maintindihan niyo. You will be having a group project. Yun nga lang it should only consist of two members. Kaya ako na lang ang mape-pair sa inyo. Is that clear?" Sir
"Yes Sir!" Sagot namin.
"Okay! Kung ganun malalaman niyo bukas ang magiging kapartner ninyo. About naman sa project niyo. Gagawa kayo ng isang scrapbook na naglalaman ng mga pictures, sketches, etc.. ng mga Physicist at ang kanilang naicontribute. Basahin niyo lang yung ibang instructions sa flyer na binigay ko. Okay. You're dismissed." Mr. de Lara
Sino naman kaya ang magiging kapartner ko?Tssss.
8 hours later......
Buti naman uwian na. Kaya naman umuwi na ako. Alangan namang maglalakwatsya pa ako. Pagdating ko sa bahay deretso kwarto na ako.
Kinaumagahan, dali-dali na akong nag-ayos ng sarili. As usual, late na naman ako. Haha. Binilisan ko na rin naglakad papasok sa classroom. Buti na lang wala pa si teacher.
Ay oo nga pala, ngayon pala sasabihin ni Sir yung kapartner namin. Sino naman kaya ang kapair ko? Okay lang kahit sino, hindi naman ako mapili eh.
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na rin si Sir.
"Good Morning class! Eto na ang list ng mga magkakapair sa inyong project." Sabi niya habang winawagayway niya ang papel.
"Sasabihin ko na lang sunud-sunod ha? Okay..
Angelo - Samantha......
Reynalyn - Josh......
Lhester - Jessica......
Love Joy - Lei......
Yohan - Erwin......
Camille - Maxine......
Sharlene - Arvin......
Glory - Charlene......
Janette - Ting......
Nieva - Anthony......
Mitchelle - Alvin......
Kathrina - Donna......
Leomar - Jacob......
Isazen - Richelynne......
Alexander - Janssen......
Shaariichan - Janelle......
and the last pair is......
Andreya - Ayen... Kuha niyo na?" Sir
"Okay Sir!" Sagot namin.
Oh my! Tama ba ang narinig ko? Si Ayen? Ka-pair ko? Dapat lang. Chance ko na 'to no. Baka ito na ang sinasabi kong pagkakataon. Pagkakataon, thank you, ang bilis mong mag-grant ng wish.
Pagkatapos i-announce ni Sir yung kapartner namin itinuloy na niya ang paglelecture. Sa kalagitnaan ng pakikinig ko bigla namang may kumalabit sa akin at nang mapatingin ako kung sino yun...wala lang.. Hahaha. Joke. Si ano.... Si...
"Drey, can I get your cellphone number, if it's okay?" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Young Love
Novela JuvenilHindi nagsisi na lumipat ng paaralan si Andreya Cortez dahil dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang puso, si Ayen David Sarmiento. They are in love with each other until there's a problem came into their relationship that made a big chan...
