Ayen's POV
Nagtext si Drey.
Fr.: Drey <3
Who you?
Who you na naman? Hindi na ba siya nagsasawa sa pagrereply ng who you?
Agad ko naman siyang rineplyan. Bahala na kung anong magiging reaksyon niya.
To: Drey <3
Ako 'to. Si Ayen.
*sent*
Bigla namang kinuha ni Drey yung phone niya at yung ngiti niyang pagkalawak-lawak bigla na lang nawala. Sabi ko na nga ba eh. Ayaw niya sa akin. Dahil sa reaksyong nakita ko sa kanya, 'di ko na namalayan na tapos na pala yung klase namin kay Sir de Lara. Nakakawalang gana!
Lumabas na lang ako sa room at dumeretso sa canteen. Ni hindi ko na nga pinansin pa si Angelo eh.
" Bro naman, ba't di mo ko hinintay?" Sabi sa akin ni Angelo na naghahabol pa ng hininga nang maabutan niya ako dito sa canteen.
"Sorry bro, hindi kasi kita narinig kanina eh." Pagpapalusot ko na lang.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ah wala naman. May tatanungin lang sana ako sayo." Sabi niya.
"Ano naman yun?"
"Tatanungin ko lang sana kung tapos niyo na yung project niyo sa Physics." Ay oo nga pala, nakalimutan ko na.
"Ah hindi pa bro. Di ko pa kasi nakaka-usap si Drey about dun."
"Ah okay."
"Kayo? Nagawa niyo na?"
"Oo, kahapon pa."
"Buti pa kayo. Sino ba kapair mo?"
"Si Samantha."
"Ah okay."
Nang matapos na kaming mag-usap ni Angelo, pumunta na kami sa counter at nag-order ng makakain.
-----
P.E. Class na naman. Late na ako. Si Angelo kasi eh, di pa niya ako hinintay sa Locker Room.
Papunta na ako ng Gymnasium nang makita ko si Sir Nicks sa labas nito. Kaya binilisan kong naglakad.
Nang malapit na ako sa Gymnasium, nakikita ko na yung pinapagawa ni Sir sa mga classmates ko. Physical Fitness Test,... Na naman!? 4th year na kami, may physical fitness test pa rin? Ako na lang yata yung walang kapair ha. Kaya binilisan ko pa yung paglakad ko.
"Ayen!" Tawag sa akin ni Sir Nicks. Kaya agad naman akong lumapit sa kanya.
"Bakit sir?" Tanong ko naman.
"Bakit ka late?" Sasagot na sana ako nang bigla na naman siyang nagsalita.
"O siya, ano pa man yang rason mo okay lang. Magpi-PFT kayo ngayon kaya punta ka na dun at umpisahan niyo na ang test. Teka lang tatawagin ko lang yung kapartner mo. Pasok ka na lang." Sabi ni sir.
"Drey! Halika na dito." Tawag ni sir sa kapartner ko. Teka lang! Tama ba yung narinig ko? Drey daw? Kaya pumasok na ako sa gym.
"Bakit sir?" Tanong ng taong tinawag ni sir.
"May kapair ka na." Sabi ulit ni sir.
Nang mapatingin siya sa gawi ko, bigla na lang siyang ngumiti. Anong meron? May dumi ba sa mukha ko? Tsssk!

BINABASA MO ANG
Young Love
Fiksi RemajaHindi nagsisi na lumipat ng paaralan si Andreya Cortez dahil dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang puso, si Ayen David Sarmiento. They are in love with each other until there's a problem came into their relationship that made a big chan...