YL 5

374 100 11
                                    

REPLY

Drey's POV

Sa kalagitnaan ng pakikinig ko kay Mr. de Lara bigla namang may kumalabit sa akin at nang mapatingin ako kung sino yun...wala lang. Joke. Si ano.... Si...

"Drey, can I get your cellphone number, if it's okay?" Sabi niya.

"Sure!" Tipid kong sagot sabay abot sa cellphone ni Angelo. Pagkatapos kong ilagay yung cellphone number ko sa phone niya, itinuon ko na yung atensyon ko kay Sir. Mahirap na, baka mabokya ako sa exam namin.

Mabuti na lang at natapos rin yung klase namin kay Sir. Susunod na ang pinaka-favorite naming subject, recess.

Papaalis na sana ako sa room namin nang makita ko yung mga barkada ko. Anong meron? Ba't di pa sila umaalis? Matanong nga.

"Mga bes! Hindi pa ba kayo lalabas?" Tanong ko sa kanila.

"Ah, hindi pa bes. May gagawin pa kami." Sagot ni Maxine.

Para sa hindi pa nakakakilala kay Maxine or Lhea Maxine Dunes. Isa siyang beauty title holder. Siya ang reigning Miss Umm Academy. Hindi lang yan, naging Miss SK rin siya sa probinsya nila. In short, maganda siya. Pero mas maganda pa rin ako noh. Mga dalawang paligo. Ganun!

"Kung gusto mo sumabay ka na lang sa'min kung okay lang sa'yo?" Pagsisingit ni Lei.

Information about Lei. Her full name is Roxanne Lei Calepho. Siya ang pumapangalawa kay Angelo in terms of academics but rank 1 in extra-curricular activities. NBSB 'yan kaya kung may balak kang ligawin siya, you better quit, wala kang mapapala. May hinihintay kasi siya

"Oo nga Drey, tsaka wala na naman tayong klase. According to my source, may emergency meeting daw lahat ng teachers kaya okay lang kahit mamaya na tayo magmeryenda. Alam mo naman na matagal mag-adjourn ng meeting yung principal natin,  diba? Kaya halika muna dito." Uso ba ngayon ang sumisingit? Tssk. Sa mga nagtatanong kung sino yun. Si Yohan yun.

Yohannah Roham ang buo niyang pangalan. Isa siya sa mga debaters ng school namin. Halata naman diba? Hahaha. May pagkasungit rin yan. Once na may marinig lang siyang mali na information, ikokorek na niya. Wala yang sinasanto lalo na kung mali ang ginagawa ng isang tao. Kaya alam niyo na kung sino ang iiwasan ninyo.

"TAMA!!! HA-HA-HA!!!" Pagsisingit na naman ng isa kong barkada. Si Samantha.

The noisiest member of the group. Ang babaeng nakalunok  ng megaphone. Pero okay lang sanay na kami. Hahaha. Pero wag niyo siyang maliitin. Siya lang naman ang dating Miss Umm Academy before kay Maxine. Siya rin ang Editor-in-Chief ng school paper namin. Kung sino 'tong siya? Siya lang naman si Samantha Dhanica el Real. May Spanish blood siya kaya el Real ang surname niya.

Oh! Kilala niyo na kung sino-sino ang mga barkada ko. Ay teka nakalimutan kong i-introduce si Alex. Hahaha. Si Alexander Castro. Simple. Masarap kasama.Yun lang.

Hindi na lang ako sumagot tas deretso upo malapit sa kanila. Ano ba kasi yang ginagawa nila? Tssss!

"Ano ba kasi yang ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Ini-stalk na naman nila siguro yung mga crushes nila. Harot alert! Gaawwwd!" Sabi ni Alex na parang nandidiri. Lakas rin ng trip nito ha.

"May pagawwd pagawwd ka pa diyang nalalaman bakla ka ha. Kung igadgad ko kaya yang mukha mo sa floor. May magagawa ka pa? Ha!?" Sarcastic na sabi ni Yohan. Oh! Tignan niyo. Na-activate na naman ang kasungitan niya. Sakit sa bangs ang mga 'to. Tsss.

"Oh siya! Bahala kayo sa mga buhay niyo. Matutulog nga muna ako. Gisingin niyo na lang ako kung pupunta na tayo sa canteen ha." Sabi ko sa kanila. Sabay patong ng ulo ko sa upuan.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon