IS IT OFFICIAL?
This is it! Kararating ko lang galing eskwelahan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Ayen sa akin kanina. Salamin? Humarap ako sa salamin? Paano kung may magpapakitang duguang babae sa salamin? Eh di mamamatay pa ako sa atake sa puso? Putspang Ayen kasi na 'yun. Ba't di na lang niya kasi sabihin nang harap-harapan kung mahal niya ba talaga ako o hindi, para naman hindi na ako umaasa dito.
"Hello anak! Dumating ka na pala." Bungad na sabi ni mommy sa akin. Hindi pa Ma, picture ko lang 'to. Susunod daw yung katawan ko after 20 minutes. Hay! Si mama talaga.
Bumeso na lang ako at pumunta na sa kwarto ko. Hindi ko na 'to patatagalin pa. Ayoko ko nang mag-assume, ang sakit na eh, mag-e-expect na lang ako. 'Yung mga nagsasabing tanga ako dahil pareho lang naman yung meaning ng expect at assume, bakit ba? Trip ko pipigilan niyo. Suportahan niyo na lang ako. Kung saan ako masaya, sana dun din kayo para happy tayo together.
Pero come to think of it, hindi naman talaga magkapareho yung kahulugan ng assume at expect. Nagkataon lang na may similarities sila sa isa't isa. Di ba sabi ng iba, expecting is one way of hurting yourself? But that's a big mistake because expecting doesn't hurt us... assuming does.
If you expect, it means that you are looking forward for something that will happen. While if you assume, then it means that you're expecting something not because it will happen but you want it to happen.
Ang panget naman tingnan kung mag-a-assume ako, at sa huli, hindi rin pala ako mahal ng taong mahal ko. Kaya mag-e-expect na lang ako. Malay niyo yung ine-expect ko magkatotoo. Ang saya kung ganun.
Nasa harapan na ako ngayon ng salamin. Hindi ko pa kayang imulat yung mga mata ko. Nagdadalawang-isip pa ako kasi nga baka may magpakita. Nakakatakot kaya.
Inhale... exhale... inhale... exhale...
Okay! This is it! At the count of three, imumulat ko na 'tong mga mata ko.
Relax lang Drey... think positive! Mukha mo ang makikita mo sa salamin. Kaya wag kang kabahan. Sabi ng utak ko.
"One..."
"Two..."
"Three..."
"Aaaaaaaahhhhhhh!!!" Sigaw ko.
Agad akong tumakbo sa kama ko at nagtalukbong sa blanket ko. Sh1t may multo. Tama ang hinala ko. Hindi nga ako ang mahal ni Ayen. May mahal siyang iba. Sana di ko na lang siya pinayagang manligaw sa akin. Edi sana wala na akong mararamdaman pang ganito.
Bigla namang may tubig na pumatak sa aking mga mata. Ito ba ang luha? Luha ng nasasaktan? Bakit ako umiiyak? Mahal ko ba talaga siya?
*tok* *tok* *tok*
"Drey, anak! Papasukin mo ako." Nag-aalalang sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko. Pinunasan ko naman agad yung luha ko saka ako tumayo at binuksan yung pinto.
"Bakit ka sumigaw anak?" Tanong ni Mama na kita mo sa mga mata niya ang pag-aalala. Umiling na lang ako na nakayuko. Ayokong makita ni Mama na umiyak ako. Ano na lang sasabihin niya kung malalaman niya ang rason kung bakit ako umiyak? Nakakahiya naman, ni hindi pa nga kami iniiyakan ko na siya. Ang babaw ko no?
"Sige. Akala ko kung ano na ang meron dito." Sabi niya. Kung alam mo lang Ma, nagpakita yung taong mahal ni Ayen sa akin kanina.
"Oh siya nga pala, magbihis ka na at kakain na tayo ng hapunan. At isa pa, buksan mo na yung ilaw dito sa kwarto mo. Ang dilim na oh." Dagdag niya. Ilaw? Ay oo, hindi ko pa pala nabubuksan yung ilaw dito sa kwarto ko. Ang dami kasing gumugulo sa isipan ko eh.

BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionHindi nagsisi na lumipat ng paaralan si Andreya Cortez dahil dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang puso, si Ayen David Sarmiento. They are in love with each other until there's a problem came into their relationship that made a big chan...