TULALA
Drey's POV
"AAHHH!!!!!!" TILI ng mga kaklase kong babae.
I want to judge them but I don't have right to do it. So, I will just keep my mouth shut. Pero sobra naman kasi sila, bakit nila tinitilian 'yan? He is just an ordinary boy for me. There is no extra-special thing about him.
"Kindly shut your mouth girls." Pagpapatigil ni Sir sa kanila and they did.
Nang mapatingin ako sa tabi ko, he's there sitting. So, it means that he'll be my seatmate the whole school year? It can't be! He's a nerd, I don't like it.
Wala na bang mangyayaring maganda sa akin today? Except for me, given na ang pagiging maganda ko, 'no.
"Okay Miss, umpisahan mo nang magpakilala," sabi ni Sir na nakatingin sa'kin. Kaya naman napabuntong-hininga ako't tumayo na.
"Hi. I'm Andreya Cortez. Just call me Drey. Fifteen years of age. From #322 Block A, Domingo Subdivision," pagpapakilala ko.
Pagkatapos ko, sumunod naman si nerd.
"Hello po. Ako po si Ayen David Sarmiento. Ayen for short. Labing-limang taong gulang. Nakatira sa #122 Block D, Domingo Subdivision," confident niyang sabi.
So, magkasubdivision kami? Sabagay bagong lipat lang naman kami."Magka-subdivion pala tayo?" tanong ko sa kaniya pero ang mata ko ay nakatuon sa harap.
"Hindi ba obvious?" tanong niya pabalik.
Siya pa lang ang na-meet kong bastos at supladong nerd. Kainis! Sira na talaga ang araw ko.
Sa pagkainis ko 'di ko na rin namalayan na tapos na pala ang mga classmates ko. Bahala na! Magtatanong na lang ako mamaya. Bwisit kasing nerd na 'to. At isa pa sa kinaiinisan ko, tingin siya nang tingin sa akin. Naiilang ako. Kung sabagay, baka ngayon lang siya nakakita ng dyosa.
Nag-discuss na si Sir about sa Rules and Regulation ng school. After niyang mag-discuss, he dismissed the class. Kaya naman mala-palengke na naman ang room namin. At heto ako ngayon, nakatunganga. Wala naman akong kakilala at saka nakakahiya kayang ako 'yong mag-f-first move na makipagkaibigan sa iba. Baka sabihin pa nilang feeling close ako 'no. Itulog ko na lang ito.
Minutes passed. Hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha ang tulog ko. Ikaw ba naman ang matulog sa maingay na classroom. Makalabas na nga lang.
Dinampot ko na ang bag ko at lumabas na.
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang may makita akong bench. Ang hirap palang maging loner. Nang makarating ako sa bench, umupo na ako. Mabuti na lang at ako lang mag-isa rito. Makakatulog na rin sa wakas.
Wala pa sigurong sampung minuto ang nakalipas nang may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa taong kumalabit sa akin.Oh see. Yung classmate ko palang bading.
"Mag-isa ka yata?" he asked.
"Ah oo, ang ingay kasi sa classroom natin e," pag-aamin ko.
"Pwedeng maki-upo?" Hindi pa ako nakakasagot nang umupo siya. Kaya inayos ko na lang ang pagkaka-upo ko.
"Ako nga pala si Alexander Castro, Alex for short." Pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay.
Halatang binabae siya dahil sa kanyang pagsasalita at pilantik ng kanyang mga daliri."Drey," Matipid kong sagot sabay abot ng kanyang kamay.
Sa dami ng napag-usapan namin, hindi na namin namalayan ang oras. Uwian na pala. So, I texted my brother to pick me.
After 10 minutes dumating na rin si Kuya.
"Oh Drey, kamusta naman ang first day mo sa Umm Academy?" tanong ni Kuya.
"Okay naman kaso kaninang umaga na-badtrip ako," sagot ko.
"Bakit naman?" intriga niya.
"Basta," play safe kong sagot. Alangan namang sabihin ko sa kanya?
"O, sige. Magpahinga ka muna," ani ni Kuya saka niya pinaandar ang kotse.
Pagdating namin sa bahay, sumalubong agad si Mama na abot-langit ang ngiti. Anong meron? Ba't parang ang saya naman niya?
"Anong meron, Ma?" kuryoso kong tanong.
"Wala lang. Nasisiyahan lang ako para sa 'yo. Kumusta naman ang araw mo?" ani ni Mama.
"Okay lang," tipid kong sagot at nagmano.
Nang makapasok na ako sa bahay, dumiretso na ako sa kuwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kong magpalit ng damit, bumaba rin agad.
Binuksan ko ang telebisyon namin at nanood.
"Drey, kain na tayo," tawag sa akin ni Mama.
Gabi na pala. Hindi ko na namalayan na naka-idlip pala ako kanina sa sobrang pagod. Nakakapagod rin palang umupo maghapon 'no?
Nang matapos na kaming kumain pumunta na ako sa kuwarto't natulog."Drey, gising na. Late ka na," tawag ni Mama.
7 o'clock na pala ng umaga. OMG! I'm late. Kaya binilisan ko nang maligo at nag-ayos ng sarili. Hindi na rin ako nag-almusal.
"Bye Ma!" pasigaw kong paalam sabay sakay sa kotse.
"Oh sige, ingat kayo mga anak."
Pagkapasok ko sa gate ng school, tinakbo ko na papuntang classroom namin. Mabuti na lang at wala pa si Sir de Lara.Pagkalipas ng ilang minuto, dumating rin siya. Nag-discuss si Sir ng lesson namin. Take note absent si nerd. At nang mag-break sabay na kami ni Alex na pumunta sa canteen.
Kaunti pa lang ang mga estudyante dito sa canteen kaya mabilis lang kaming nakabili ng snack. Free sitting pa.While we're eating, bigla namang nagtitili 'yong mga babaeng maiingay. Ano na naman kaya ang tinitilian ng mga 'yon? Kahapon pa sila tili nang tili ha.
Sakto namang napatingin ako sa pintuan kung saan sila nakatingin.
My jaw dropped as I saw the guy standing at the door.
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionHindi nagsisi na lumipat ng paaralan si Andreya Cortez dahil dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang puso, si Ayen David Sarmiento. They are in love with each other until there's a problem came into their relationship that made a big chan...