YL 9

231 98 9
                                    

DATE?

Drey's POV

"DREY!" She said and hugged me. Eto talagang si Samantha ang ingay-ingay. Akala mo naman matagal na kaming 'di nagkita.

"Okay ka na ba talaga Drey?" Lei asked. Super duper concerned naman nila. How sweet!

"Oo, syempre. Thank you pala ha." I said.

"Para saan?" Sabay-sabay nilang tanong. Ang i-slow naman 'tong mga 'to. Hindi nila mapick-up yung gusto kong iparating sa kanila. Syempre, magte-thank you ako sa pag-aalala nila sa akin kanina. Hello!

"Sa pag-aalala sa akin, sa nangyari sa akin kanina." Sabi ko.

"Naku maliit na bagay." Maxine said. I smiled to them tapos nagsalita naman 'tong si Samantha.

"Dahil diyan, ilibre mo kami ng lunch. Nakakagutom kayang mag-alala." Ay ganun!? So may kapalit pa yung pagiging concern nila. Hay naku! Talagang kakaiba rin 'tong trip nila ha.

"P-pe....Halika ka na." Samantha said sabay hila sa kaliwang kamay ko. Ano pang magagawa ko, magdadahilan pa sana ako eh. Tsss!

-----

"1-pc Chicken and double rice sa akin bes, samahan mo na rin ng coke float and mango pie." Sabi ni Samantha sa akin. Nasa counter kami ngayon dito sa canteen.

"Same with us." Lei said at tinuro niya yung dalawa pa naming kasama na si Maxine and Alex. Talagang tinodo na nilang magpalibre ha. 'Di porke't libre, inaabuso niyo na yung laman ng wallet ko.

"Okay fine! Ano pa nga bang magagawa ko." I raise my left eyebrow, kunwari magmamaldita ako. Haha

"Oh! Eto yung bayad." I gave the money to Samantha. "Bayaran niyo na lang. I-orderan niyo na rin ako gaya ng sa inyo. Okay bye! Dun na ako." Sabi ko sabay turo dun, malapit sa bintana. "Sunod na lang kayo ha." I said and left them. Kaya na nila yun.

After a couple of minutes, buti naman at dumating na rin sila. Ba't ang tagal nila? Konti lang naman yung inorder namin ha kompara sa ino-order namin kapag umaatake yung sakit naming katakawan.

"Ba't ang tagal niyo?" Pagsusuplada kong tanong.

"Madami kasing kaagaw sa pila eh." Lei answered my question.

"So, kasalanan ko pa ngayon?" I said.

"Ai ganun? Di ba pwedeng magsorry Senyora? Naku, naku! Etong Drey na'to kung makapagdemand kala mo hindi mahirap djfjffggu kdjcjvfk." Oh ayan! Ano ka ngayon Alex? Andame mo pang sinasabi. Buti na lang at chicken yung ulam edi may instant noise controller na. Hahahaha.

We laughed in unison. Hindi lang pala instant noise controller ang chicken, instant entertainment rin pala. Hahaha

"Okay! Tama na ang lokohan. Kain na tayo." Sabi ko. Mabuti na lang at sumunod naman tong mga kasama ko.

Nang matapos na kaming kumain, tumambay muna kami sa may garden.

Ang sarap talaga dito! Sariwang hangin at syempre hindi masyadong maingay. Magagawa lahat namin ang gusto namin no. Haha

"Drey ano ba talaga yung nangyari sayo kanina dun sa may oval?" Tanong ni Alex.

"Nagswimming! Nagswimming ako. Ba't 'di ka kasi sumabay?" Sarcastic kong sagot. Hay naku Alex, shunga lang? Sa pagkakaalam ko hindi naman vitamins ang kashungahan a, ba't niya kaya inaaraw-araw?

"Ah ganun ba? Sorry bes, naiwan ko kasi yung bathing suit ko sa bahay eh." Alex said. Naku! Naku! Alex talaga! OO! Talagang nakisabay pa.

"AYOKO NA! A-YO-KO NA!! Huy Alex! Tigil-tigilan mo ko ha? Wag mo akong pinagloloko diyan." Inis kong sabi. Hindi ko na mapigilan talaga mapigilang yung inis ko sa kanya.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon