ADMISSION
AYEN'S POV
"Ayen!? Gulat na gulat? Hahaha." Tignan mo 'tong si Mama kung makatawa parang wala nang bukas. Syempre magugulat ako, sino ba naman ang hindi magugulat. 'Yung Mama mo nandito rin? Tsaka 'di ko naman sinabi na pupunta ako ngayon ha. Tssk! Kainis naman oh. Paano ako makakadiskarte kung meron si Mama. Malilimitahan na naman yung mga galaw ko nito. Hay buhay nga naman.
"U-Ummm..." bago pa ako makapag-isip nang sasabihin. Inunahan na ako ni Mama.
"Don't worry anak. Hindi si Drey ang binibisita ko, ang Mama niya. Kaya kung namomobrelama ka diyan na aagawin ko ang atensyon niya sa'yo, wag kang mag-alala. Sayung-sayo siya. Di ba Drey?" Butaktak ni Mama tsaka niya tinignan si Drey na nagtataas baba yung kilay. Naku si Mama talaga. Para namang may topak sa ulo yung pinagggagawa niya. Bigla namang namula yung taong nasa side ko. Kinikilig ba siya? Si Mama kasi eh, kung anu-ano yung mga pinagsasabi.
"A-ahhh.. Opo Tita. Hehehe." Sumang-ayon namang 'tong isa. So meaning, she wants me to be with. Putspang puso oh.. bigla namang tumibok nang pagkabilis-bilis.
"Naku! Naku kang bata ka ha! 'Di ka man lang kumyeme diyan. Opo agad Drey.. Opo agad? 'Di ba sabi ko sa'yo magmala-Maria Clara ka? Anyare? Nasa harapan mo lang si Ayen, nawawala ka na sa wisyo ng pag-iisip. Ganun?" Naku.. Patay! Akala ko ba boto si Tita sa akin? Bakit niya ngayong pinapakain ng words of wisdom si Drey. Nakakaawa naman si Drey. At ayun, napayuko na lang si Drey ko. Drey ko talaga. Idinideklara ko nang akin siya. Akin lang siya. Wala ng iba pang nagmamay-ari sa kanya kundi ako lang. Akong-ako lang. Kung sino man ang aagaw sa kanya, malilintikan sa akin talaga.
"Biro lang anak. Hahaha. Kinabahan ka naman agad. Hahahaha" Dagdag na sabi ni Tita kay Drey. Wala ngang pinagka-iba si Mama at ang Mama ni Drey, pareho silang may saltik. Hahaha. Ano naman kaya yung favorite na pinapanood ni Tita? Cinderella rin kaya? Hahahaha.
"Halina na kayo sa kusina para makapag-almusal na tayo." Aya ni Tita Karla.
Tapos na rin kaming mag-almusal pero hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita si Drey. Ano kayang nangyari sa kanya? Nandito na pala kami sa sala nila naglalaro ng kanya-kanya naming phone. Si Tita at Mama naman, ayun, nasa garden nila Drey. Namiss daw nila kasi ang isa't-isa.
"D-Drey... M-May problema ka ba?" Uutal-utal kong tanong. Hindi na talaga ako mapakali. Para kasing may mali eh.
"Wala!" She answered timidly.
"Sabahin mo lang 'pag may problema ka ha. Nandito lang ako, handang makinig." I said. Tumango naman siya at tipid na ngumiti. I'm a good listener kaya. And I can give advices para naman may idea ang mga ina-advice'n ko kung paano nila sosolusyonan ang kanya-kanya nilang problema. Ang mahirap lang, I can give advices to others but to myself, I cannot. 'Yun ang masaklap. Pero ganyan talaga ang buhay, atleast nakakatulong ako sa iba.
A moment of silence had passed. Hanggang sa wala na. Nakafocus na lang kami sa kanya-kanyang naming phone. Eto talaga ang disadvantage ng technology sa panahon ngayon. Umaagaw ng oras imbes na magkamoment kami ni Drey, eto, eto kami't nakikimoment sa kanya-kanya naming phone. Kahit gustuhin ko mang makipag-usap sa kanya. Wala eh, seryoso siya sa linalaro niya. Lintik na Clash of Clans na yan. Lets*!
"Ummm. A-Ayen, may tanong ako sa'yo." Sabi ni Drey sabay baba ng phone niya.
"Ano yun?" I questioned. Baka sasabihin na niya 'yung bagay na nanggugulo sa isipan niya.
"A-Ah... 'wag na lang pala. Hihihi." (^_^)v Sagot nito.
"Okay!" Sabi ko at saka ako tumayo.
Hindi sa naiinis ako sa sagot niya kundi naiihi na talaga ako. Kaya pumunta na lang ako sa CR nila.
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionHindi nagsisi na lumipat ng paaralan si Andreya Cortez dahil dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang puso, si Ayen David Sarmiento. They are in love with each other until there's a problem came into their relationship that made a big chan...