YL 19

105 71 3
                                    

Q & A

"All's set... Alis na tayo baka malate pa tayo sa school." Sabi ko nang makita kong nakaayos na lahat sila.

Sa sasakyan namin kami sasakay lahat, kasi nga baka maissue kami ni Ayen kung hihiwalay kami at sa car niya kami sasakay. Alam niyo naman ang mga friends ko, magaling mang-asar.

Until now, hindi ako makapaniwala na wala na. Nawala na ang pinakaiingatan kong virgin lips. Pero okay lang, mahal ko naman siya. I can give all what he wants but the problem is, nasa kanya na naman lahat. So ano pa ang ibibigay ko? Pagmamahal na lang. Okay na naman. Right? In fact, I'm ready to give my precious...

...email address and password to him. Para naman hindi niya sabihing may itinatago ako. But I think, 'wag na lang pala. Nagbago na ang isip ko because if he really loves me, he should trust me.

Back to reality...

Sa wakas nakarating na rin kami sa school. As usual, nagtitilian na naman yung mga Higad-chii girls. Of course, sino ba naman ang hindi mapapatili kung may makita kang walking hot-and-sexy guy tapos kasama pa ako. E di magtitili talaga sila. Yung iba nga nagbubulung-bulungan pa. Dahil sa malakas ang pandinig ko, ayy! let me rephrase it, dahil sa malakas silang bumulong, narinig ko sila.

"Sila na ba?"

"Gaga! Tingnan mo nga yung kamay nila oh. Magkahawak!"

"Hindi pwede! Akin lang si Papa Ayen."

"Wag ka nang umepal, Berbula. Ang cute nga nilang tingnan o."

"Basta I don't like it!"

Kitams! May bitter, meron din namang sumasang-ayon sa pag-iibigan namin ni Ayen. Hihihi. Kinikilig me!

"Wow besty! Talk of the school kayo ni Papa Ayen." Alex said na ngiting-ngiti pa.

"'Tol! Don't call me Papa. I'm not your father." Napatawa naman kami sa sinabi ni Ayen. Kaya si Alex, ayun, napahiya. Hahaha. May pa-papa-papa pa kasing nalalaman.

"Why Papa Ayen? Ayaw mo ba? I can give what you want!" Ani ni Alex kay Ayen sabay kawit niya sa braso nito. Naku! Si Alex talaga. Naka-activate na naman ang pagkaflirt niya.

"Eto gusto mo?" Tanong ni Ayen sabay pakita ng kamao niya. Kaya agad naman lumayo si bakla.

-----

"Musta ang exam niyo?" Tanong ni mama nang makauwi na ako galing school.

"Ok naman po." Sagot ko. Ang i-easy naman yung mga exams namin. Buti na lang talaga at matalino ako. Kahit di ako masyadong nakapagbasa ng notes ko kagabi, may naisagot pa rin ako. Thanks to my stock knowledge.

"Oh ikaw Ayen?" Tanong naman niya sa kasama ko. Oo, sumama muna siya sa akin dito sa bahay. Wala naman daw siyang gagawin sa bahay nila. Kaya eto siya ngayon. Manggugulo na naman siya dito. At saka, nandito pa kasi yung sasakyan niya.

"Ok lang naman po. May naisulat din kahit papaano."

"Hahaha" Hala! Si mama, natawa? Saan? Sa sagot ni Ayen? Hindi naman nakakatawa ha? May sapi na naman 'to, for sure.

"Oh siya, magmeryenda muna kayo sa kusina." Sabi ni mama sa amin.

Pumunta agad kami roon. Syempre! Nakakagutom din naman ang mag-take ng exam noh. Yung naka-upo nga, napapagod na ako, what more sa pagtake ng exam. Double job. Sitting while thinking. Oh di ba, nakakapagod?

Heto na naman po tayo sa Question-and-Answer segment ni mama. Inuumpisahan na naman niyang tinatanong si Ayen. Ba't hindi na lang kasi Developmental Communication or kaya'y Journalism ang kinuha na degree ni mama nung siya ay nasa college. Hay! Ako kaya? Let me think of it pa. Haha. Architecture, Civil Eng'g or Accountancy. 'Yan ang natitipuan ko as of now. Sa mga susunod na buwan ko na lang poproblemahin yan. Ang poproblemahin ko muna ngayon ay si Ayen. Baka kasi kung anu-ano ang maisagot niya sa mama ko. Kaya tututukan ko ito. Haha.

"Paano ka sinagot ni Drey, anak?" Tanong ni mama kay Ayen. Ano naman kaya isasagot niya? Sa pagkakaalam ko, hindi ko siya sinagot. Basta naging kami na lang. Ang galing niya kasing umeksena. Kaya aa huli, naging kami in instant.

"Po?" Ayan, mamroblema ka ngayon. Hahaha Inulit naman ni mama yung tanong niya.

"Ah yun pala. Hahaha. Ano po. Ummm. Noong naghuhugas po kami sa kusina niyo last sunday, tinanong ko siya kung pwede nang maging kami. Nag-oo naman po siya. Kaya ayun po. Kami na." Sagot niya. For real? Naku Ayen! Gumawa ka naman ng sarili mong story. May future ka sa pagsusulat. My gosh! Ano ng pinagsasabi niya sa mama ko. Ang layo! Sa pagkakatanda ko, ligaw lang yung in-ask niya sa akin noon. Tapos kami na agad? Ang galing mo Ayen. Haha. A+ ang grade mo sa akin sa creative storytelling. Hahaha.

Sa sagot ni Ayen sa mama ko, parang di naman makapaniwala si mama. Ano kaya ang masasabi ni mama sa akin? Baka sabihin niyang easy-to-get ako. My gosh! I can't be!

"Akala ko ligaw muna? Yun kasi sinabi ni Drey sa akin eh." Packing tape naman oh. Nasama pa ako. Napatingin naman si Ayen sa akin na nakangisi. Ano naman kaya nginingisi-ngisihan niya? I just give him a look saying 'Gusto mo ng suntok?'. Agad naman niyang iniiwas ang tingin niya sa akin. Hahaha.

"Yun ang sabi niya po sa'yo?" Wow Ayen! Nashock? Gunggong ka! Tumango naman si mama.

"Ang sakit Drey! Ikinakahiya mo ba ako sa mama mo?" Hala nagdrama. May pahawak-hawak pa siyang nalalaman sa tapat ng puso niya. Hay! Ayen you're making me crazy!

"Tsk. Amards!" I gasped. Amards means drama. Binaliktad lang. Haha. Natutunan ko siya kay Alex bading.

Si mama naman pabaling-baling lang yung tingin niya sa amin ni Ayen. Naghihintay siguro ng further explanation. Kaya I've dicided to compose my own version na rin ng pagsagot ko kuno kaya Ayen.

"Well ma, the truth is sinagot ko nung sunday. Ang kulit niya kasi sa school. Ayaw niya akong tigilan sa pangungulit kaya ayun sinagot ko na lang. Kahit labag sa kalooban ko." Sagot ko na natatawa sa isipan ko. Labag sa kalooban? Hahaha. Si Ayen, kunot noong nakatingin sa akin. Ang cute niya. Nagpeace sign na lang ako sa kanya. Magpapaliwanag na lang ako later kung wala na sa harapan namin si Boy Abunda este si mama pala.

"Sige... aalis muna ako. May pupuntahan lang." Pagpapaalam ni mama sa amin. Ngayon pang matanda na si mama, ngayon pa niya naisipang gumala.

"Sige ma. Ingat!" Saad ko. May oras pa kami ni Ayen para ano... para mag-usap.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon