YL 17

125 80 2
                                    

REVIEW! REVIEW DIN 'PAG MAY TIME!

Love is full of surprises... kaya ayun nasorpresa ako kay Ayen. Paking tape na yun, nagkaboyfriend ako in instant. Haist! okay na, tanggap ko na. Pero paano ko kaya 'to sasabihin kay mama?

"Besty, do you want to join us later?" Alex asked me.

"Where?"

"Group study. Yung nga lang wala pa kaming place. Ano join ka?" Sagot naman niya.

"Sure. Kung gusto niyo sa house na lang namin." I said na agad naman silang pumalakpak sa saya.

"Sabi ko sa inyo eh. Oh diba! Hahaha." Bulong ni Alex na nakikipag-appear pa kila Maxene. Para namang hindi ko siya naririnig. Baliw na Alex talaga.

"Buti na lang mabilis siyang magdesisyon. Hihihi." Ani naman ni Maxene sa kanya na may pangiti-ngiti pa. Hay! may topak na mga 'to.

"So, ano ang plano?" Singit naman na tanong ni Yohan. Napahawak naman bigla si Alex sa baba niya na parang nag-iisip. As if naman may utak siya. Joke lang.

"Uhmmm... sleepover? Bet? Okay lang Drey?" Tanong nito. Tumango na lang ako.

"Sige... sige... sasabihin ko na lang kay mama mamaya. By the way, what time are coming ba? Para mai-prepare ko na lang yung gagamitin natin." I said.

"Anytime bes. Surprise na lang. Di ba gusto mo naman ang nasusorpresa? Hihihi." Ani ni Samantha na sinang-ayunan naman nang barkada.

"Okay! Sige balik na tayo sa room. Tapos na rin naman kayong maglunch." Sabi ko sabay tayo. Sumunod naman sila.

"Drey!" Tawag sa akin ni Lei na may kasamang kalabit. Agad naman akong tumigil sa paglalakad at hinintay siya at itinuloy ang paglalakad.

"Why?"

"I have noticed, where's your boyfriend? Ba't di siya sumama ngayon?" Ngayon? As if naman sumasama siya sa atin 'pag lunch. Kaninang break lang naman siya sumama ha? At isa pa, pake ku dun.

"Malay ko. Di ko naman siya boyfriend." Denial queen! Ako na! Hahaha. Hindi naman naririnig ni Ayen eh kaya pagbigyan niyo na ako. Last na 'to. Promise!

"Di daw boyfriend, weh?"

"Oo, promise, di ko siya boyfriend." Paninigurado ko.

"Boyfriend? Sino ang hindi mo boyfriend Drey?" Tanong ni A...Ayen??? Sh1t! Patay! Paano na 'to? Ba't kasi nasabi ko yun. Inulit ko pa. Hayyy. Drey naman.

"U..ummm... s-si... si Alex.. oo, tama, si Alex nga. Hihihi" Sabi ko na agad yumuko sa kahihiyan. Naku Drey ano na lang sasabihin ng lalaking 'to? Baka magbreak agad kami. Hmmm. I need to do something. At saka, sana lang makisama si Alex bading sa akin. Kaya agad ko naman siyang pinandilatan para sabihing makisama siya. Please Alex! Makisama ka.

Agad namang nakuha ni Alex ang gusto kong sabihin kaya agad naman notong kinalabit si Ayen.

Hay! Kinabahan ako dun.

"Uhmmm... Ayen sorry. Linoloko kasi namin si..."

Bigla naman napatigil si Alex sa sinasabi niya nang sumingit si Lei.

"Ayen! Ikaw daw." Kumunot naman ang noo ni Ayen sa sinabi ni Lei. Naku Lei, pahamak ka.

"Ako? Ako ang?" Tanong nito kay Lei.

"Oo, ikaw daw ang hindi niya boyfriend." Naku Lei, pahamak ka talaga. Tingnan mo tuloy masama na ang tingin ni Ayen sa akin. Napakagat na lang ako sa labi ko at yumuko. Oh my! Magbebreak na kami.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon