YL 15

144 86 3
                                    

TRANSFORMATION

 Drey's POV

"MA!" Tawag ko sa Mama ko. Kadarating ko lang galing sa school. I'm so tired. Pagod sa pag-iisip kung itutuloy ko ba yung pagtatransform ko. Idagdag pa ang mga kaibigan kong deadma sa plano. Akalain niyo yun, hindi sila sumasang-ayon sa gagawin ko. Hay! Nakakastress!

Tinanong ko kasi sila kanina bago ako umuwi about sa transformation ko pero ang nakuha ko lang na sagot sa kanila ay 'Seryoso!?'. Tumango naman ako ng tipid. Pero talagang ayaw nila yung gagawin ko. Buti na lang meron si Alex na nangcheer up sa akin. Siya lang ang pabor sa gagawin ko. Hanggang ngayon di ko pa nakakalimutan yung sinabi niya eh.

"You know what gurl, if I were you, I'm going to do what my heart says. Wag mong isipin ang sinasabi ng iba. Bakit sila ba ikaw? Hindi nila hawak ang iyong kaligayahan. Kaya gora besty! I know magtatagumpay ka sa gagawin mong 'yan. Nandito lang ako na susuporta sayo. Tiwala lang! Hayaan mo 'yang mga babaitang mga 'yan. Naiinggit lang sila sa'yo." He said while rolling his eyes to them. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakakalakas ng loob na gawin.

Hindi naman kinaya nila Yohan 'yung sinabi ni Alex kaya yumuko na lang sila. Syempre Alex 'yan, hindi nila kaya. Haha

Kaya heto ako ngayon, desidido na akong ituloy.

"Bakit anak?" Tanong naman ni Mama galing yata sa garden namin. Sa mga hindi nakakaalam nasa likod ng bahay namin yung garden namin. Nandoon din yung gazebo at pool namin.

Nagmano ako sa kanya nang makalapit na siya sa akin.

"Ma, diba alam mong magtahi?" Tanong ko kay Mama. Tumango naman siya na may pagtataka.

"Bakit ano ba ang ipapatahi mo?"

"Yung mga skirts ko Ma." Kumunot naman bigla yung noo niya sa sinabi ko.

"Hmmm. Ano kasi Ma.. May pupunta kasi sa school naming mga visitors, eh dahil sa likas na maganda ako, napili ako. Napili na isa sa mga usherettes. Kaya ayun, ipatahi daw namin yung skirt namin." Pagsisinungalangin ko sana bumenta sa Mama ko. I badly need it Ma, so please pumayag ka. Pllleeaaasssseee!!!

"Okay, get your skirts na." She said. Napangiti naman ako. Haist buti na lang bumenta.

Dali-dali ko naman kinuha yung mga skirts ko sa closet ko. Hihi. This is it.

"Anak! Suot mo nga kung okay na yung taas sayo." Mama said. Kasalukuyang tinatahi niya yung mga skirts. Ako naman, eto nagyu-youtube ng 'How to apply make up'. Alam ko namang magmake-up pero gusto ko yung fabulosa kung tingnan. Yung scrambled na smokey effect ganun. Para lalong mainlove si Ayen sa akin.

"Ma itaas mo pa. Mga 2 inches pa." Sabi ko nang makita ko yung itinaas nung skirt. Wala kasi masyado pinagbago eh. Yung normal skirt kasi namin is knee level lang. Eh yung itinaas nung tinahi ni Mama is wala pang 1 inch kaya ipapataas ko pa. The higher, the better. Hahaha

Nagtahi na naman si Mama, pero hindi pa rin ako masatisfy sa taas nang pagkakatahi niya kaya pinataas ko pa.

"Hoy Drey! Kung magpanty ka na lang kaya pumasok bukas? Ano ba gusto mo? Ha? Ang taas na nito a." Inis na sabi ni Mama. Kulang pa kasi eh.

Hmmm. No choice! Okay na nga yan. Kinuha ko na lang baka mainis pa si Mama edi wala nang magtatahi sa mga iba ko pang skirts.

"Ma, okay na. Ang galing mo!" I said na lang sabay yakap sa aking ina. Para naman ganahan siyang magtahi sa natira ko pang skirts na di pa tapos. Hihi.

——-

"Drey gising na." Tawag ni Mama sa akin. Bumangon na ako at nag-inat. Sinabi ko kasi sa kanya na gisingin niya ako nang alas-singko ng umaga. Para magkapagpepare ako nang maayos.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon