YL 1

711 111 25
                                    

NERD

Drey's POV

KAINIS! TUMUNOG na ang alarm clock ko. So, it means that I need to get up from my bed kung hindi ay ang human alarm ko na ang susunod.

"Hoy Drey gumising ka na!" as my human alarm, my mother, shouted outside my room. Sabi na nga ba, e.

"Hoy Drey gumising ka na. Kung 'di ka pa babangon diyan bubuhusan na talaga kita ng malamig na tubig. First day na first day mo pa naman sa bago mong school. Bangon na! Bilis!"

Wow mommy, you're demanding now. Ang dami na naman niyang sinabi. Pero kahit ganito siya palagi, I still love her. No matter what happens.

"DREY!" she shouted.

"Heto na po, babangon na," mabilis kong sagot at bumangon na.

Pagkatapos ng maraming seremonyas sa loob ng aking banyo, nagbihis at nag-ayos na ako at bumaba na para makapag-almusal.

"O, ayan na pala ang pinakamaganda kong kapatid," ani Kuya.

"Wow kuya! Umagang-umaga nambobola ka na naman."

"Buti alam mo!" He's bad. Akala ko pa naman nagsasabi na siya ng totoo. Binilisan ko na lang kumain. Nabadtrip na 'ko. Babawi na lang ako mamaya sa lunch.

Umm Academy

Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ng bago kong school. All eyes! Kala mo ngayon lang sila nakakita ng tao. Kung makatitig, wagas!

Simple lang naman akong babae pero bakit nila ako binibigyan ng ganitong atensiyon. Simple in a sense that I'm pretty, sexy and quite tall.

"Shit! pare ang ganda!"

"Hindi lang maganda pare, sexy pa."

"Oo nga. Sarap sigurong maging GF 'no."

"Ligawan ko nga."

"Ang lakas n'yong bumulong mga kuya," pabulong kong sabi. As if naman gusto ko sila.

Nakarating din ako sa classroom namin. Mabuti na lang at wala pa ang guro namin. Pero naba-bother ako sa mga bago kong classmates, ano kayang tinda nila? Ang iingay kasi 'kala mo nasa palengke. Pasalamat sila at transferee ako, kung hindi, baka nakatikom na ang mga bunganga nila ngayon. Hello! Ako? Tatalunin nila sa daldalan? NO WAY! Hindi ako makakapayag.

Sana dumating na ang guro namin. Hindi ko na kayang magtimpi. Nangangati na ang bunganga ko. Please teacher, dumating ka na. Please!

"GOOD MORNING SIR!"  bati namin ng may dumating na guro. Kaya natahimik na rin ang mga kaklase ko.

"Okay. Please be seated. Dahil sa first day n'yo ngayon as a senior year student, i-introduce n'yo ang inyong mga sarili. Pero lalagyan natin ng konting kaartehan. Let's make it...uhm," sabi niya habang nag-iisip ng twist kuno.

"I knew it. Mag-i-introduce kayo na parang sa isang pageant. Kuha n'yo?" masigla niyang sabi at biglang may tumayong lalaki sa harapan namin, ay mali, bakla pala na pumapalakpak pa sa tuwa.

"Ay bongga! Bet ko 'yan Sir," my gay classmate seconded.

"Okay I'll start. I'm Mark de Lara and I will be your adviser this whole school year. Don't mind my age, I'm still fresh and juicy. Okay! I'm done. Kayo naman and you will start..." He said while roaming his eyes until it stopped on me. "...you," he said, pointing at me.

"Me??" tanong ko kay Sir sabay turo sa sarili. "Yes, you," he replied.

"Pero wait, before that I'll arrange first the seating arrangement," he added.

Akmang tatayo na kami nang magsalita na naman siya.

"'Wag na kayong tumayo. Diyan na lang kayo sa inuupuan n'yo. Tumayo lang kayo pag-trip ko kayong ilipat ng upuan. Get it?" he clarified.

"Yes Sir," we answered.

"Okay."

At inumpisahan na ni Sir ang pagre-reshuffle ng seatmate. Sa huli, binakantehan niya 'yong upuan sa tabi ko. May galit siguro si Sir sa'kin. Just kidding.

"From now on, 'yan na ang permanente n'yong upuan. Mas madali kasing magcheck ng attendance 'pag ganiyan. Okay, let's continue what we're doing awhile back...miss." Sabay tingin sa akin ni Sir de Lara.

I made myself not to look nervous in front of my classmates, so I breath in and out. When I'm about to speak, there's someone who entered our classroom.

"AAHHH!" tili ng mga kaklase kong babae.

Are they crazy? Ano'ng meron sa pumasok para ganito ang mga reaksyon nila? Isang hamak na nerd lang naman. Mga baliw!

Well, I need to adjust from my new environment. Siguro ganito talaga sila. Masanay na ako. Hopefully, makayanan ko ang trip ng mga estudyante rito sa susunod na araw.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon