Chapter Twenty Three

614 42 6
                                    

It's been a week since we went back from Isla Fortalejo. Akala ko okay na kami dahil mas pinili niya akong alagaan kaysa ang samahan si Clarissa. But reality hits me again right in my face. Sila pa din ang palaging magkasamang dalawa at nagkataon pa na nagkaharap-harap kami ngayon sa isang car show.

Kinuha kasing ad agency ang LP-Miller dahil nag-organize ng car show ang mga kumpanyang may kinalaman sa mga auto supply at mga car dealers at isa na roon ang kumpanya ni Decks. Sila ang nagsu-supply ng mga imported car parts dito sa Pilipinas. Mayroong office din sila dito kaya maaaring dito siya mamalagi at hindi sa Amerika.

Alas dos ng hapon nagsimula ang car show at maraming tao ang pumunta. Both Ate Tara and I are wearing car racer suit na nakababa ang mga zipper sa harapan para ipakita ang kaunting cleavage. Kasama iyon sa marketing strategy para makahikayat ng mga taong bumili ng sasakyan, o ng mga spare parts o para ipa-tune up ang kanilang mga sasakyan.

Naalala ko na ganito ang naging suot ko noon para sa sportswear nang sumali ako at nanalo bilang Miss SIU ng Highschool Dep. Kung noon ay agaw-pansin na ako dahil suot ko iyon ay mas lalong nakaka-agaw ako ng atensyon ngayon. My boobs were now much bigger and fuller and my body has the right curves that men want. Kaya naman marami ang lumalapit para magpapicture.

Sanay na ako sa ganito at hindi na alintana ang mga tingin ng lahat lalo na ng mga kalalakihan kahit parang hinuhubaran na ako sa tingin. Ayos lang basta walang mambabastos. Ayos lang kahit sino ang dumikit ngunit biglang nag-iba ang pakiramdam ko dahil sa paninitig niya.

Nanunuuot sa buto ko at kulang na lang ay manginig ang buong katawan ko lalo na ang tuhod ko. Pakiramdam ko tuloy ay may mali sa ginagawa ko ngayon kahit wala naman.

"Oh, Nicolette!" Kunwari'y masayang bulalas ni Clarissa para kuhain ang atensyon ko. "I didn't know you were here." Sabay tingin sakin simula ulo hanggang paa at pabalik habang nakataas ang isang kilay. "I see that you're... a model." Parang may panlalait sa tono niya. "Ito pala ang trabaho mo?"

"Yes." Maarte kong balik. "I was a model for Vogue magazine before." Pagmamalaki ko.

"Oh really? Then why did you end up here? Pang international ka na pala eh bakit ka nauwi sa ganito ka-" at tumawa pa nang bahagya. "I'm not going to say cheap pero parang ganun na nga." Na muli na namang tumawa.

"Cla." There's a warning tone from Deckard.

"Sorry." Pinipigilan pa kunwari ang sarili sa pagtawa. "What I meant was, you're an international model so why do you have to go... local?" Naroon pa rin ang mapang-asar na ngiti.

"Because I want to work with the people close to me, with my friends." Iyon naman ang totoo.

"Oh, okay." Parang bale walang sagot ng bruha bago bumaling kay Deckard na matamang nakatingin naman sa akin. "Let's check out our competitors." Sabay hila sa binata.

Kulang na lang ay mabasag ang ngipin ko sa kakakagat nang madiin dahil sa pinipigilang inis. Alam kong ipinapamukha sa akin ni Clarissa na pagiging modelo lang ang narating ko samantalang siya ay COO na ng kumpanya ng pamilya niya.

Sumagi na rin naman sa isip ko noon ang magtayo ng sariling brand ng mga damit at magdesign para sa mga sikat. Ngunit hindi pa ako handa dahil natatakot akong sumugal at matalo. Kahit na nakatapos ako ng fashion designing ay hindi pa rin ako ganoon ka-confident sa mga sarili kong design. So I opted to stay in modeling because I'm used to this, I already got the hang of it so it was easy for me to execute my work.

"Wala ka ba talagang gagawin para rendahan yang mapapangasawa mo?" Biglang sulpot ni Ate Tara sa gilid ko. "Malapit na kayong ikasal pero nakikita pa din siyang kasama ang ibang babae. People still recognize Clarissa as his girlfriend and if ever lumabas ang kasal niyo sa madla, for sure ikaw pa ang magiging kontrabida. Magmumukhang inagaw mo siya sa babaeng haliparot na yun."

This Time, it's ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon