Masakit umuwing mag-isa lalo na dahil umasa ako na may magbabago na sa relasyon namin dahil sa business trip na iyon noong nakaraang linggo ngunit nganga pa din pala. Hindi ako ang pinili niyang makasama kundi si Clarissa kaya't para akong nasampal ng araw na iyon.
Mabilis lumipas ang araw at namalayan ko na lang na malapit na pala akong ikasal. Ewan ko ba, parang hindi naman ako ikakasal dahil parang walang preparasyon masyado. Lahat minamadali at lahat ako lang ang nasusunod.
Sobrang busy na kasi ngayon ni Decks dahil nga sa pagkakaroon ng panibagong business kasama si Clarissa. Naging maayos naman ang meeting nila noon sa Hong Kong at napabalik nila ang mga nagback-out na mga investors.
Sa akin niya iniwan ang lahat ng mga desisyon tungkol sa preparasyon sa kasal. Masaya sana ang ganito kung nahihingian ko din siya ng mga suggestions pero palagi na lang niyang sinasabi na bahala na ako. Kaya pakiramdam ko ay wala talaga siyang pakialam.
Sa bahay niya gagawin ang kasal dahil garden wedding iyon. Ayaw na niyang sa simbahan o sa iba dahil gusto nga niya na kaunting tao lang ang iimbitahan. Nasabihan ko na din ang parents ko at talagang na-shock sila.
They couldn't believe that I'm getting married in two weeks. But what's more surprising for them was the fact that the groom is none other than Deckard. Kaya grabe ang pangungulit nila para magkwento kung paano daw kami ulit nagkita at nagkaroon ng relasyon na nauwi sa pagpapakasal.
Siyempre hindi ko sinabi ang totoo. Yes, I lied to them about our real score. And I don't have any plans on telling them about our deal. Kaya eto, uuwi na sila sa susunod na linggo para tulungan ako ni Mommy at para makasama daw nila ako bago naman daw ako mapunta sa magiging asawa ko.
Napalingon ako sa bedside table ko nang tumunog ang telepono ko. I'm doing my make-up in front of my vanity mirror.
Pangalan ni Decks ang nakita ko sa screen na tumatawag.
"Are you done? I'm at the parking lot already." Halos mapamura ako dahil hindi pa ako tapos mag-ayos.
"Almost." Sabi ko habang naglalakad pabalik sa harap ng salamin. "Give me ten minutes." Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag.
"Ang aga naman niya kasi eh." Sabi ko habang nagmamadali na.
Ngayon kasi dadalhin sa opisina niya ang mga invitation na pinagawa namin. Limited lang naman ang guests gaya ng napag-usapan namin noong una kaya madali lang ipamigay iyon.
Lakad-takbo na ang ginawa ko paglabas ko ng elevator sa may parking lot ng condo ko dito sa may Makati. Alam na niyang dito ako nakatira dahil sinundo niya ako noong nagfood tasting kami noong nakaraang araw.
"Sorry." Sabi ko pagkasakay ko sa loob ng sasakyan.
"Tss. Sanay na ako. Simula bata ka pinaghihintay mo na ako palagi tuwing susunduin kita." Masungit niyang balik sakin bago niya pinaandar ang sasakyan. "I have a meeting at ten kaya ikaw na ang bahalang makipag-usap dun sa gumawa ng invitation."
"Sure." Sagot ko na umikot pa ang mata sa ere dahil ako naman mag-isa ang bahala.
Kahit nga noong nagfood tasting kami ay ako ang nagdesisyon sa lahat ng pagkaing ihahanda sa mga bisita. Kumbaga wala siyang naiambag kundi pera lang dahil siya ang nagbayad at gagastos sa lahat para sa kasal.
What can I expect from the man who made this deal in the first place, right? He wants to get this done because this is just for a show.
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil ito ang unang beses na makakapunta ako sa opisina niya sa may QC. Pagbaba ko ay magalang kaming binati ng guard sa may harapan ng building. Limang palapag lang ang taas ng gusali at nasa ika-limang palapag ang opisina ni Decks.

BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
General Fiction"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."