Nakatulala ako habang nasa gitna kami ng meeting sa office. Hindi pa din ako makapaniwala na pumayag ako sa alok ni Decks. Na pumayag ako na ikasal sa kanya sa susunod na buwan.
Bakit ba kasi ang bilis kong pumayag? Ni hindi man lang nagpa-kipot kahit kaunti man lang. Parang sa isang iglap, nakalimutan ko na ang mga masasakit na bagay na nagawa niya sa akin. At higit sa lahat ay aasa na naman ako na may magagawa ako para mahalin na niya ako.
You're pathetic Nicolette!
Pagmamaliit ko sa sarili dahil sa katangahan.
"Don't you think you're too old for daydreaming, Niks?"
Doon lang ako nagising dahil sa pagpuna sa akin ni Kuya Linc. Saka ko lang din napansin na lahat ng tao sa conference room ay nasa akin ang atensyon. Nang balingan ko si Trix ay naroon ang pag-alala sa mukha niya at siguradong magtatanong yan mamaya. Ayaw ko pang magkwento muna dahil ayaw ko mag-alala siya.
"I don't think so, I'm still young, boss." Sabi ko sabay kindat para makabawi sa hiya.
Umiling lang si Kuya at nagpatuloy sa pagsasalita. Kaming dalawa ni Ate Tara ang kukuhaan ng mga shots sa Isla Fortalejo kaya babalik kami ng Cebu sa makalawa. Baka isang linggo ang itatagal namin roon kaya makakapagpahinga na din muna ako pati ang isip ko sa panibagong kahaharaping sitwasyon.
Pagkatapos ng meeting ay kaagad akong nilapitan ni Trix.
"Is there something wrong? You look like something is bothering you. What is it?"
I'm not yet ready to tell him anything so I just shook my head.
"Nothing, I'm just tired." Sagot ko habang nag-unat pa.
"Bakit kasi nag-over night ka lang sa La Fortalejo nung weekend? Eh diba three days two nights naman ang ibinigay sa atin na complimentary accommodation ni Abraham? You could've added two more nights to get some rest."
"May multo kasing nagpakita eh." Wala sa sariling sagot ko.
"What?! There's a ghost in their hotel?" Gulat na tanong ni Trix. "May namatay ba sa hotel nila Abe? Parang wala naman akong nabalitaan na ganyang pangyayari."
Kung alam lang ni Trix kung sinong multo ang tinutukoy ko ay maiintidihan niya ang ibig kong sabihin. Nagkibit-balikat na lang ako at saka tumayo na din mula sa upuan para lumabas ng conference room.
"See you later for the brief discussion on our Cebu project." Paalam ko at kumaway na sakanya para makatakas na ako sa mga tanong niyang hindi ko pa kayang sagutin.
Sa office ni Yara ako dumirecho na katulad ko ay mukhang may pinoproblema din dahil hindi maipinta ang mukha.
"Ayos ka lang ba, Yar?" Untag ko dahil hindi niya namalayan na naroon na pala ako sa harapan niya.
"Y-yeah." na umayos na sa pagkakaupo. "I'm just thinking if these are okay for the online advertising of Isla Fortalejo." At ipinakita pa sakin ang mga gawa niya sa kanyang computer.
"That's not okay, that's brilliant!" Sabi ko dahil maganda ang pagkakagawa niya. Artistic talaga siya kaya naaastigan kami sa kanya ni Maple. "Ang ganda ng pagkaka-execute mo."
"I just designed the outline but Trix did the tricks in capturing beautiful photos of that island. Yung mga pictures talaga niya ang nagdadala dito eh." Tapos ay itinuro pa niya ang isang litrato doon na may sunset sa tabi ng dagat.
And there, I saw a woman sitting on the sand while watching the sunset. It was beautiful and Trix did capture an amazing shot. But I know that Yara wasn't after the beautiful photo, she was after the subject of that photo. Coz the woman in that picture is nonother than me.
![](https://img.wattpad.com/cover/214740660-288-k215348.jpg)
BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
Beletrie"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."