I blinked twice to see if he was joking. I waited for his next reaction but it seems that he is waiting for me to react to his words first.
Ano daw? Kailangan naming magpakasal sa susunod na buwan?! Aba, nasiraan na ata to ng ulo!
Patuloy lang ako sa pagkausap ko sa aking utak habang naghihintay sa kanya pero hindi pa rin siya nagsasalitang muli. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil mukhang seryoso siya roon.
"Did I heard it right?" Tanong ko na itinagilid pa ang ulo para ipakita sa kanya na nagkamali ata ako nang pandinig. "You want us to get m-married next month???" Paniniguro ko.
"I don't want to but we need to. There's no other choice but to do this." Aniya na mas lalong hindi ko nagustuhan.
"Hindi mo gusto pero kailangan mo?! Ano bang pinagsasasabi mo?! Are you playing with me?!" Mariin kong salita habang kinokontrol ang emosyon ko dahil ayaw kong makagawa ng eskandalo roon.
"Let's eat first and then we'll go up and discuss it later at my suite."
Mahinahon niyang balik sa akin.Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam bakit nag-aaksaya pa ako ng oras para kausapin at pakinggan ang 'deal' na sinasabi niya. Dapat nga umiiwas na ako sa kanya at huwag nang kausapin pa dahil baka mas lalong bumuka ang sugat na tinamo ko sa kanya noon.
Ngunit may mumunting bulong akong naririnig sa kaibuturan ng aking puso na nagsasabing pakinggan ko ang kanyang paliwanag.
Tahimik na lamang kaming kumain pareho. Kung kanina ay nagugutom na ako, ngayon ay biglang nawalan na ako ng gana.
"Ganyan ba talaga kapag isang modelo? Halos hindi na kumakain?" Napaangat ako ng tingin sa kanya at nahuli ko siyang tila pinag-aaralan ang itsura at galaw ko. "You look a little skinny. Try to eat more."
I immediately scoffed at his remarks.
"Skinny?" Ulit ko. "You think I'm skinny?! Does this body look skinny to you?!" At talagang iminuwestra ko pa ang katawan ko gamit ang isang kamay. Sinimulan ko sa dibdib pababa para ipakita na nagkakamali ata siya ng tingin. "Look around you, men are ogling at me. They are staring at my body because it is not SKINNY like the way you described it!"
Sinunod nga niya ako at inikot ang mga mata sa paligid namin. Totoo naman ang sinabi ko, talaga namang nakatingin sila at halos mabali ang mga leeg sa kakalingon sa akin. Lalo na dahil nakasuot ako ng puting midriff tank top na tinernuhan ng pulang pencil skirt. Hapit na hapit iyon kaya naman kitang kita ang hulma ng katawan ko sa suot ko.
"Are you done eating?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. Nagkibit lang ako ng balikat dahil wala naman na akong ganang kumain. Hindi ko man lang nakalahati ang pagkain ko at dahil iyon sa kanya. "Then let's head to my suite upstairs." Aniya sabay tayo na.
Nagpaka-gentle man pa nang hinila ang upuan ko nang tumayo ako.
"Don't you think you're already too late to be a gentleman?" Sarkastikong tanong ko nang lingunin ko siya at pagkatapos ay inirapan at saka nagpatiuna na sa paglalakad palabas ng restaurant.
Ewan, basta naiinis ako sakanya! Para ba kasing walang nangyaring masama sa amin noon kung makaasta. Ni hindi man lang niya ako kinamusta sa nagdaang mga taon, at bigla bigla lang niya akong aalukin ng isang deal na parang nakikipagnegosyo lang.
But how did he know that I am a model?
Natanong ko bigla sa isipan. Pero kaagad ding sinagot ang sariling isip na baka naikwento na ni Monique ang tungkol sa trabaho ko. Hindi naman kasi ako sikat na modelo gaya ng pinsan ni Ali na si Ivory Krause na isang sikat na lingerie model ng Victoria Secret para mabalitaan niya sa media.
![](https://img.wattpad.com/cover/214740660-288-k215348.jpg)
BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
Fiksi Umum"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."