Chapter Three

870 56 5
                                    

Ilang beses kong kinurap ang mga mata ko para maging malinaw na ang  aking paningin. Kita ko ang kulay pink and lavender na wall paper kaya't alam kong nasa loob ako ng aking kwarto.

Sinubukan kong gumalaw pero pakiramdam ko ay nanghihina ako. Para akong nahahapo, iyong tipong maghapon akong naglaro sa labas ng bahay nang walang pahinga.

Paglingon ko sa aking gilid ay nakita ko si Mommy na natutulog habang naka-upo siya at nakayuko sa aking kama. Hinaplos ko ang kanyang ulo dahilan para siya ay magising.

"Oh baby!" Sabay akap niya nang mahigpit sa akin habang umiiyak. "Thank God that you're okay. I'm so sorry." Habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Why are you crying, Mommy?" Tanong ko sa kanya, na parang naging bulong lang dahil sa parang napaos ang  boses ko.

"I though I lost you." At saka niya ako pinakawalan at hinawakan ang aking mga pisngi. "I'm sorry for not taking good care of you. Dapat hindi kita hinahayaan na mawala sa paningin ko. Dapat palagi akong nakabantay sayo. I don't know what I'm gonna do if I lost you. I'm going to die for sure." She kissed me on my forehead.

"I'm not going anywhere, Mommy. I'm not going to leave you, so please stop crying." Pilit ko siyang pinapatahan habang pinupunasan ko ang kanyang mga luha.

"I'm really sorry, Baby. I just love you so so much. Nung nakita kita kaninang maputla na at walang malay ay halos himatayin na ako."

Napakunot ako ng noo. Hindi ko naiitindihan ang sinasabi niya. What did just happened?

"I don't understand you, Mommy. What happened po ba?" Paos talaga ang boses ko at di ko alam kung bakit.

"You don't remember?" Tanong niya sa akin na inilingan ko. "You fell in the pool and drowned."

Saka lamang biglang nag-play sa isipan ko ang nangyari. Simula sa pagpapalayas sa akin dahilan para tumakbo ako at madulas sa pool, hanggang sa pagpipilit kong makalangoy at makaahon ngunit nahirapan ako at unti-unting napagod at lumubog na sa ilalim.

"I remember now. I was trying to call for help, I was trying to swim and pull myself up, but I failed." Malungkot kong pagkukwento sa nangyari. "I got tired and just let go. I thought I'm going to die, Mommy."

Muli na naman akong niyakap ni Mommy at umiyak muli, kaya't pati ako ay naiyak na din.

"Luckily, Decks found you on time and saved you."

Kumalas ako sa pagkakayakap dahil sa narinig.

"D-Deckard s-saved me?" Nautal kong tanong dahil hindi ako makapaniwala.

"Yes, baby. Tumalon agad siya sa pool nang makita ka niya roon. He saved you. He's a real hero."

Totoo pala ang narinig ko at hindi iyon gawagawa ng aking imahinasyon. I heard him calling for my name before I passed out. Mommy is right, he's a hero. My hero.

Pakiramdam ko talaga ay siya na nga ang prince charming ko o ang knight in shining armor dahil palagi niya akong inililigtas. Palagi siyang andyan para tulungan ako at ilayo sa panganib.

Bigla namang pumasok roon si Daddy at kaagad yumakap sa akin. I know I made him worry too, just like my Mom. Kaya naman niyakap ko din siya nang mahigpit.

"I am so happy that my little girl is okay." At pinaghahalikan niya ang ibabaw ng aking ulo.

Tumawa naman ako sa ginagawa niya ngunit naputol lang iyon nang makita ko kung sino ang sumunod na pumasok sa aking kwarto.

This Time, it's ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon