Chapter Twenty Two

630 47 2
                                    

I don't know If I can go out of his bathroom knowing that he's just outside waiting for me. Naiilang ako dahil tanging bath robe lang ang suot ko. Wala akong damit dahil nasa Villa ko ang mga gamit ko at gusto kong bumalik na sana para makapagpalit.

Medyo mabigat ang ulo ko at naka-ilang bahing na din ako kaya alam kong magkakasakit ako pag ganito na ang nararamdaman ko. This isn't good.

After a few more minutes and a few more breathing exercises, I decided to come out. As soon as I felt the cold air from the air-conditioning, I shivered. Mas lalong nadagdagan ang panginginig ko nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Come here." Utos niya sabay tapik pa sa kama kung saan siya nakaupo.

Naglakad ako at dahan-dahang umupo sa tabi niya. Nang makaupo na ako ay siya naman ang tumayo at saka lumuhod sa harapan ko.

Mabilis kong naipagdikit ang dalawa kong binti dahil sa pagkabigla. I'm not wearing any undies and that made me uncomfortable.

"Relax." His tone was serious. "Let me treat your wounds."

Itinaas niya ang paa ko kung nasaan ang malalim kong sugat.

"Wait-" awat ko sana ngunit mas malakas siya kaya't wala akong nagawa.

My legs were exposed at kapag pinilit ko pang lumaban sakanya ay baka mas lalong ma-expose ang pinaka-iingatan ko. I stiffened when I felt his fingers again, caressing each cut and bruises on my legs.

Nang sinimulan na niyang gamutin ang mga sugat ko ay may kaunting hapdi akong naramdaman lalo na doon sa may talampakan kung saan mas malalim ang naging sugat.

Napalunok ako nang hipan niya upang mabawasan ang hapdi. I felt something different from the pit of my stomach. Something foreign, something I never felt before. Ni minsan ay hindi ko ito naramdaman kay Trix.

Before, whenever Trix and I got into an intimate moment, I always feel anxious and reserved. Like I was not ready to go beyond kissing. I was scared and I have these doubts within me.

But right now, it felt different. Like I am anticipating something. Something exciting and thrilling at the same time. And that made me nervous. Nervous but not scared.

Napatulala lang ako sa ginagawa niya. Ni hindi ko na naramdaman ang hapdi at natauhan lang ako nang dahan dahan na niyang ibinaba ang aking paa. May sasabihin sana ako ngunit muli akong napalunok nang hawakan niya ako sa may leeg.

"Mainit ka." Aniya na mas lalong inilapat ang kamat niya sa aking leeg at pati sa noo. "You're having a fever."

Dahil sa ginagawa niya ay nakakalimutan ko na na masama ang pakiramdam ko at mahapdi ang mga sugat. Maybe he's the only one I needed to be okay, to be free from pain and illnesses. Siya lang pala ang gamot ko.

"Nagkasakit ka dahil nababad ka sa ulan kanina. Ang tigas kasi ng ulo mo. Tinatawag kita pero para kang walang naririnig at dire-direcho ka lang sa pagsakay at pagharurot palayo ng jet ski. Talagang walang balak magpa-awat. Kaya tingnan mo ngayon ang nangyari sayo." Pangaral niya sa akin na nginusuan ko lang.

Kung alam lang niya kung bakit ako nagdesisyong magpakalayo. Kasalanan naman niya kaya ako umalis dahil naiinis at nasasaktan ako. Ngunit hindi ko kayang isatinig iyon ngayon.

I just shrugged my shoulders.

"Lagnat lang to. It's not a big deal. I'll just go back to my room and take a rest. Bukas okay na ako." At akmang tatayo na sana nang pigilan niya ako.

This Time, it's ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon