Chapter Eight

640 48 9
                                    

I've been practicing for a week and I memorized every step of our dance routine. Masakit na nga ang katawan ko kakasayaw at kaka-tumbling pero okay lang, gora lang. Ang mahalaga kasi ay mas maging pulido ang galaw namin para naman hindi kami magkamali.

Ngayong araw na kasi gaganapin ang cheerdance competition kaya naman medyo kabado ako. Walang klase sa lahat ng antas dahil simula na din ng mga palaro.

Si Yara ang sumali sa amin sa volleyball at isa sa representative namin sa Highschool department. Binalak ko din noon na sumali kaso nga lang ay mahihirapan ako na pagsabayin ang parehong practice sa cheerdance kaya hindi na lang.

"Niks, start na tayo magpa-make up." Untag sakin ni Ate Tara pagpasok niya.

Nasa loob kasi kami ng isa sa mga vacant classroom para gawing dressing room ng department namin. Kasama ko si Mommy dahil siya na ang nag-volunteer na magmake-up sa aming lahat kesa sa magbayad pa daw kami ng make-up artist tapos pipitsuging make up lang daw ang ipapahid sa mukha namin. My mom can be very mean at times but she's just protecting me.

"Sige Ate, paunahin mo na yung iba." Sagot ko habang tinuturo kung saan nakapuwesto si Mommy. "Lalabas lang ako saglit, babalik din ako agad." Paalam ko at saka tuluyan nang lumabas.

Balak kong hanapin si Decks para tanungin kung manonood ba siya mamaya sa cheerdance. Di ko na kasi siya naabutan kanina dahil maaga daw umalis sabi ni Lolo.

"Bakla, goodluck mamaya ha!" Ani Max nang makasalubong ko siya. "I-cheer ka mamaya ng buong klase."

"Thank you." Sabi ko at saka kumaway na dahil nagmamadali ako.

Natanaw ko pa nga sina Yara at Maple sa may cafeteria na kumakain kaya kaagad akong lumapit.

"O, bakit di ka pa nag-re-ready?" Si Yara habang susubo pa lang ng carbonara.

"Madami kaming me-make-up-an ni Mommy kaya pinauna ko na yung iba kasi may pupuntahan lang ako saglit." Sagot ko sabay tusok sa squid balls na kinakain ni Maple.

"San ka naman pupunta?" Si Maple na inalok din sakin ang sago at gulaman niya.

"Hahanapin ko lang si Decks." Habang umiinom.

"Bakit? Andun sila sa may soccer field, nagmi-meeting, kasi bukas na yung laro nila laban sa Engineering department." Sagot ni Yara na inalok din ako ng carbonara pero tumanggi ako.

"Pano mo nalaman?" Takang-tanong ko.

"Kagagaling ko lang dun kanina kasi nagpahatid si Kuya Linc ng damit niya. Kaninang umaga pa kasi sila nagpa-praktis sa basketball."

"Ah okay." Sagot ko na tumango-tango pa. "Sige puntahan ko na muna." Paalam ko. "Kita na lang tayo mamaya. Cheer for me, okay?"

"Okay. We'll cheer for the cheerer!" Si Maple sabay tawa na sinabayan na din ni Yara.

Napailing na lang ako habang nangingiti at kumakaway sa kanila habang papalayo. Bumili ako ng twenty five pieces ng malamig na bottled water para dalhin sa pupuntahan ko dahil paniguradong uhaw na ang buong Basketball team ng Business Management

I run towards the campus soccer field, and there I saw a group of men who are in the middle of some sort of assembly. Mukha ngang may pinag-uusapan ang mga ito habang nakaupo sa field.

Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil alam kong makaka-istorbo ako. Pero kailangan ko na siyang makausap dahil kulang na ako sa oras. I need to go back and prepare for the competition.

This Time, it's ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon