Chapter Two

1K 56 5
                                    

For the past two years, I kept it inside me the unexplainable feelings I have for him. I maybe ten years old but I knew already what this is. I like him.

I like Deckard Theodore Mallari Price. For me, he is the perfect guy. Gwapo, matalino, magaling sa sports, kaso sobrang sungit naman. At hanggang ngayon ay sinusungitan pa din niya ako.

He's popular in our school. Seventeen years old na siya at nasa first year college. He is taking up business management course at nangunguna siya sa mga ka-batch niya.

Marami ang humahanga sa kanya na kagaya ko. Kaya nga natutuwa ako dahil sikat na sikat na siya. Two years pa lang siya sa SIU pero kilala na siya sa buong school.

Ako nga lang ata sa elementary ang may crush sa kanya dahil siyempre ako lang ang abnormal sa amin. Sino ba naman ang sampung taong gulang ang magkakagusto sa isang labing pitong taong gulang na diba?

I know I'm too young to have a crush but I can't help it. Hindi ako malanding bata dahil sa nagpapapansin ako sa kanya. Gusto ko lang talaga na makipag-kaibigan sa kanya.

He never talked to me again after that incident two years ago. Para bang balik siya sa pagiging masungit at walang paki-alam sa akin. Akala ko pa naman ay makakausap ko na siya na nakangiti sa akin pero hindi na nangyari.

Pinapagalitan na niya ako kaagad kapag gusto kong maglaro sa labas gamit ang bike ko. Sinasaway niya agad kami ng kapatid niyang si Monique sa tuwing nagtatakbuhan kami. Kaya naman palagi na lang kaming nasa loob ng bahay at doon naglalaro.

Ayos lang naman noong una dahil palagi ko siyang nakikita dahil ako ang palaging nagpupunta sa bahay nila. Ngunit nang lumipas na ang mga araw ay mas lalo kong nakikita ang kaibahan namin at ang agwat ng aming edad.

We both have different crowds. He's in his teens while I was still in this childhood state. He is surrounded by girls and I am surrounded by my toys. He's now a young man, and me? I'm still me- a baby. A brat.

Sa tuwing nasa bahay nila ako at nakikita ko ang mga ilang kaklase at kaibigan niyang nagpupunta roon ay nakakaramdam ako ng inis. Lalo na sa mga babaeng dikit ng dikit sa kanya.

Hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman ko pero talagang naiinis ako. Hindi na nga niya ako pinapansin masyado, eh mas lalo na ngayon dahil abala na siya sa ibang tao.

Minsan pa ay pinapaalis kaming dalawa ni Monique roon dahil magulo daw kami at maingay, kaya't sa bahay nalang daw namin kami maglaro. Kaya naman sa tuwing ginagawa niya iyon ay kaagad akong nagsusumbong kay lolo at wala na siyang magagawa kapag si lolo na ang humarang sa amin.

Kay lolo lang naman ako malakas eh. Pero pagdating sa kanya, palagi akong tagilid. Kahit na anong pilit ko sa kanya na makipaglaro sa amin ni Monique ay hindi niya ako pinagbibigyan. Ako lang ang hindi niya pinagbibigyan, dahil madalas ko naman siyang makita na kalaro ang kapatid niya. Nakaka-inggit pero wala naman akong magawa.

Kasalukuyan akong nakaharap ngayon sa salamin sa loob ng aking kwarto. I am staring at myself in front of a mirror, wondering if I look pretty in this dress that I am wearing.

Hindi ito ang gusto kong ipabili kina Mommy at Daddy. It's a simple peach colored spaghetti strapped Sunday dress with a little beaded design in front. Sinipat ko din kung maayos ko bang na-i-ribbon ang tali sa aking likuran.

I sighed. I really don't like this dress. Iba ang gusto ko pero ayaw nina Mommy. Hindi raw bagay sa akin ang gusto ko dahil pang-dalaga na daw iyon. I may be a spoiled brat but I really  can't push things to my parents. I'm still a kid and I should obey them.

This Time, it's ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon