Chapter Twenty

885 41 3
                                    

I still feel worried about Trix. The way he acted last night wasn't the way I expected. Ang akala ko kasi kokomprontahin lang niya ako tapos magkakasagutan nang kaunti at ipapaliwanag ko lang sakanya ang lahat. Ngunit hindi ko inaasahan na ganoon ang gagawin niya. He begged for me while he was crying. I've hurt him so badly and I feel guilty.

Pakiramdam ko tuloy ay ako ang pinakamasamang tao sa mundong ibabaw dahil sinasaktan ko ang taong totoong nagmamahal sa akin. Dapat alam ko kung gaano kasakit ang ginagawa ko dahil ganoon din mismo ang nararamdaman ko patungo kay Decks.

Pareho kaming nagmamahal ng taong hindi kami kayang mahalin pabalik. Sana ay kaya kong tumalikod upang siya na ang makita ko at hindi na kami masaktang pareho.

People say that love isn't a choice. They say that you can't teach your heart whom to love. I say they were wrong, because we all have a choice. The ones we choose to love are the ones we really wanted even though they aren't the right ones. We have a choice, we just don't want to do it. Instead, we let ourselves commit to the person we love even if they are hurting us, and even if they continue to break our hearts into pieces. That's the path we choose and we just have to live with it.

Wala akong ganang kumain ng breakfast kaya hindi ako lumabas ng kwarto. Malapit nang magtanghalian nang kinatok ako ni Ate Tara kaya napilitan na lang din akong lumabas.

Tuloy daw ang photoshoot namin mamaya kaya kailangan na naming kumain para dire-direcho na kami mamaya sa trabaho. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya dahil hindi ko pa nakikita si Trix, but I just hope that we could still pull this job through to finish it. Ayokong maging dahilan ang problema namin para hindi matuloy ang proyektong ito.

"How's Trix?" Tanong ko kay Ate habang kumakain kami. Kaming apat lang kasi nina Kuya Jimmy at Ate Shiela ang naroon.

"He's already sober. Dinalhan namin siya ng almusal kanina at nakapagusap na kami nang maayos. I say he's fine." At nagkibit balikat pa si Ate.

Tumango na lang ako. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Sana nga lang ay maging maayos na para makapagtrabaho na kami mamaya.

Luminga ako sa paligid at nagbabaka-sakaling makita ko ang isa ring pinoproblema ko. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw. Hindi ko din kasi alam ang numero niya at ganoon din siya sa akin, kung kaya't papaano namin malalaman kung nasaan ang isa't isa?

"He went off the island." Si Ate ulit na mukhang nabasa ang tanong sa isip ko. "He went with the attorney from last night, together with Achilles."

"Ah okay." Tanging nasabi ko na lang.

"Guys, we'll start at one in the afternoon, okay?" Nabigla kaming lahat sa pagdating ni Trix. "Doon naman tayo sa isa sa Executive Villa na bakante magphoto shoot. And then later in the afternoon, we'll continue where we left off at the poolside."

Nagkatinginan kaming dalawa at nagtaka ako dahil mukha siyang masaya na para bang walang nangyaring hindi maganda kagabi. I wondered what he is thinking right now. Ayos lang ba talaga siya?

Pagkatapos naming mananghalian ay kanya-kanya muna kami sa pagbalik sa mga kwarto upang makapagpalit at makapaghanda. Sa may Executive Villa nga kami nagsimula at dire-direcho ang naging photoshoot namin. Walang naging problema kahit nang nasa may poolside na naman uli kami. At dahil naging mabilis kami sa dalawang set-up ay dinagdagan na din namin iyon sa may beach area na para makuhaan na din ang papalapit na sunset.

I'm wearing a sky blue backless flowy dress. Hinahayaan ko na liparin ng hangin ang damit ko habang gumagawa ako ng iba't ibang posing. Sinusunod ko ang bawat habilin ni Trix para naman matapos na kami.

Ang pinakahuli ko ay ang naka-upo ako sa tabing dagat habang ninanamnam ang hampas ng hangin at nang alon sa buhangin. At habang nakatanaw sa papalubog na araw.

This Time, it's ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon