Huling taon na namin sa High School at excited na akong makagraduate. Kinausap ko na sina Mommy at Daddy na sa Maynila na ako mag-college dahil mas malaki ang oportunidad roon.
Actually, I still haven't thought of what course should I take. Sa aming tatlo nina Yara at Maple ay ako ang wala pang desisyon para sa kolehiyo dahil ang gusto ko lang ay ang makasamang muli si Decks.
Bibihira lang siyang umuwi at katulad nang sinabi niya sa akin noong bakasyon ay tawagan ko lang siya kapag nami-miss ko siya. Eh kaso, araw-araw ko siyang nami-miss kaya araw-araw ko din siyang tinatawagan pagkagaling ko sa school.
Napapansin ko na din naman na naaasar na siya sa kakatawag ko at sinasakyan niya lang ang kakulitan ko dahil sa kanya mismo nanggaling ang ideyang iyon na tawagan kaya tinitiis lang niya ako siguro.
I kept my end of our deal. Kinausap ko si Trix na itigil na lang niya ang panliligaw dahil hindi pa ako talaga handa sa isang relasyon. But knowing Trix, he refused to stop. He said that he's willing to wait as long as it takes to prove himself to me.
Ayoko siyang paasahin at saktan dahil sa ngayon ay si Deckard pa din ang gustong-gusto ko, pero siya ang mapilit. He said that he knows the risks of getting hurt in the end but he'd still take it. Ganoon siya ka-determinado kaya nahirapan akong tanggihan siya. He's a good man and he deserves someone better than me.
Sa ngayon ay naka-focus lang ako sa pag-aaral dahil kailangan kong magkaroon ng mga grades na sasakto sa mga college requirements. Araw-araw ay halos nasa library kaming tatlo ng mga kaibigan ko para sa mga projects na kailangang gawin. We need to submit those on time.
Ang kaso lang, imbes na libro ang hawak ko sa mga oras na ito, ay ang cellphone ko ang kinakalikot ko nang patago dahil bawal iyon sa loob ng library. I keep on texting Decks because he did not answer my call last night. Nakailang tawag ako sa kanya pero hindi niya sinasagot.
Nagtext siya nang bandang alas sais ng gabi na may overtime daw sila kaya hindi niya masasagot ang tawag ko. Eh hanggang alas dose nang hating gabi, tumatawag ako para sana alamin kung nakauwi na siya, pero deadma pa din.
Naiinis ako kasi maayos na ang sitwasyon namin ngayon kahit na nasa malayo na siya. I felt like we are much closer right now that we are apart from each other rather than before when he was still living next to ours.
Kaya naman pilit kong inaalam kung ano ang nangyayari sa kanya. I don't want to lose this connection with him. At kahit ikapahamak ko pa ay gagawin ko pa din, kagaya ng mga oras na iyon.
"Tigilan mo na nga yang cellphone mo, pag ikaw nahuli pa ng librarian dito, magkakaroon ka pa ng sanction niyan eh." Si Maple na pinandidilatan na ako ng mata.
"Wait lang, hindi pa kasi nagrereply si Decks eh. I'm worried about him. Baka mamaya kung ano na ang nangyari sa kanya sa Manila." patuloy pa din ako sa pagtipa.
"Maybe he's just sleeping, o di kaya masama ang pakiramdam at nagpapahinga. Tapos ikaw naman puro pang-iistorbo ang ginagawa mo. Baka mamaya niyan nabubwisit na pala siya sayo kaya di ka na sinasagot." Si Yara na nagbuklat ng panibagong libro. "Magbasa ka na nga lang para matapos na project natin sa English Lit."
Kahit gusto ko pang ipagpatuloy ang pagtetext ay sinunod ko na lamang ang dalawa para nga naman matapos na kami at makausad na sa susunod na mga naka-line up na mga projects.
Nang sumapit na ang lunch time ay nagpaalam ako sa dalawa na pupunta lang sa CR at doon ko na lang sila kikitain sa cafeteria. I really can't focus much if I am so worried about him so I decided to call him again. Pagdating ng ikatlong ring ay sa wakas ay may sumagot roon ngunit iba sa inaasahan ko.

BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
Narrativa generale"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."